Chapter 16: She's ill

38 2 0
                                    

Chapter 16: She's ill



Third Person's POV


"Ma! Ang lamig po! Ano po ba yan?" sigaw ni Nicole sa mama niya.


"Ano ka ba?! Bakit ka ba sumisigaw ha? Pinupunasan lang kita! Malamig ka dyan eh maligamgam na tubig lang itong ipinapupunas ko sayo!"


"Eh bakit ganon?! Ayoko na!"


"Hay! Bahala ka ngang bata ka dyan! Dun lang ako sa baba ha? Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha??"


"Opo ma." at nagtalukbong na ng kumot si Nicole at nagpahinga na.


"Hay ikaw talagang bata ka. Napakatigas ng ulo tsk" bulong ng ina


"Ma, naririnig ko kayo dyan."


"Ay, sige na bababa na talaga ako. Magpahinga ka lang."


Naisip ni Nicole na mabuti nalang ay natapos na ang kanilang mga exams saka siya nagkasakit. Malala pa naman kung siya ay magkakasakit dahil minsan lang siya dapuan ng sakit kaya sobrang hinang hina ang kanyang katawan ngayon.


Tumutunog ang kanyang phone at sinagot niya ito ng hindi man lang tinitignan ang caller.


"Hello. Salamat sa pang iistorbo. Leche."


"Woaah. Salamat sa magandang pagbati Ms. Nicole. How nice of you naman" Kilala na niya agad kung sino ang tumawag sa kanya. Di pa ba halata? The so great Eric boy.


"Oh thank you. Goodbye!" Hindi na siya magtataka kung paano nito nakuha ang kanyang phone number. Magaling mang uto itong taong to eh.


"Oh teka teka, Ms. Nicole naman ehh. Hindi na mabiro. Nabalitaan ko lang na may sakit ka kaya mga 10 mins asahan mo na nandyan na kami" She mentally cursed. Napakadaldal talaga ng lalakeng to parang babae tsk isip niya.


"K. Fine bye" Hindi na niya pinatapos ang kausap at agad na pinatayan ng phone.


"Makatulog na nga at sumasakit ang ulo ko. Tsk" Sabi ni Nicole sa sarili.


Sa kabilang banda


"Langhiya pinatayan ako ng phone" banggit ni Eric sa mga kasama niyang nasa loob ng kotse.


"Ganyan talaga si Nics pag may sakit. Mainit ang ulo. Pumunta na tayo doon now na dali." Sabi ni Yvonne.


Sino nga ba ang nasa loob ng kotseng iyon?







Rank Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon