9: Here goes the Sadness

102 0 0
                                    

Joanna Mae's POV

Ngaun ko lang talaga masasabi na..

GOOOOOOOD MOOOOORNING!

With matching taas pa ng kamay yan ha. Ang ganda kasi ng gising ko. Hanggang ngaun may ngiti pa din sa labi ko at hanggang ngaun kinikilig pa din ako. Sigurado ko matutuwa si mama pag nalaman niya yung nangyari kahapon.

Tapos yung mabangong amoy ni lester giri parang naka-tambay pa ilong ko hanggang ngaun.Ang gwapo talaga niya. THANK YOU LORD sana maulit pa yung nangyari kaha----

Krrrrriiiiing!

Krrrrriiiiing!

AY PALAKANG PINIRITO!

JaninaDaezen .ü. calling....

-_____________-

Ano ba yan istorbo nagdedaydreaming pa ko dito eh.

" Hello? alam mo ikaw istorbo ka---- "

" OPEN YOUR FACEBOOK NOW! "

Bigla kong inalis sa tenga ko yung cellphone. Nabasag yata eardrum ko sa pagsigaw netong babaitang 'to.

" HOY BAKIT KA BA SUMISIGAW?!! "

" JUST OPEN YOUR F**KING FACEBOOK NOW! "

" O-ok w-wait lang "

Sinunod ko na din si bes sobrang galit na galit kasi siya baka mamaya sa galit niya biglang lumabas na lang siya sa cellphone ko.

Log in..

Log in..

Log in..

Success..

O_______________O

HALA?! Anong nangyari sa fb ko? bakit ganito?!.

400+ Friend Request

300+ Message

1000+ Notification

Ano yan? bakit ganyan? parang kahapon lang napaka-linis ng fb ko tapos ngaun eto na?!. Hindi kaya may pictures ako na walang damit?...

Shunga ka talaga mae! wala ka nun.

Naging artista online kaya ako?. Hindi din eh, malabo yun.

" HEY!? "

" O-oh? "

" ANO NAKITA MO NA?! "

" Iche-check ko palang yung notifications ko. "

Kinlick ko agad yung notification box at inopen yung isang notification at ang nangyari sa akin...

NGA-NGA!

Literally NGA-NGA talaga!

Pictures of me with lester giri. Kahapon lang 'to, base na din sa damit na suot namin ni lester kahapon. Kanino naman galing 'to?

GUESS WHO..?

Lokong nilalang 'to magpangalan daw ba ng guess who!.

" HOY! BUHAY KA PA BA?! I THINK NA BASA MO NA YUNG NGA COMMENTS. NAKO! HUMANDA TALAGA SAKIN YUNG LESTER GIRI NA YAN! "

" ... "

" JOANNA MAE BUÑING?! "

" Let's just talk later "

The Fangirl and The IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon