7: Hearts Day is Bad or Good?

38 0 0
                                    

Janina Daezen's POV

Ang bilis ng panahon Valentines na parang kailan lang Christmas at New Year pa. Tapos kailan lang nakabunguan pa ni bespren si Lester Ungentleman Giri na yun.

Oo nga pala na kwento na sa akin ni bespren yung about sa pagchat ni lester sa kanya. Buti naman at namukaan pa niya si bespren at nakapag-sorry siya. Turn off talaga ako dun in a major major way!.

Nandito nga pala kami ng boyfriend ko sa tapat ng university. Inaantay namin si bespren balak kasi namin magcelebrate ng valentines together. Ayoko naman kasi na, Ako masaya tapos bespren Nandun sa bahay nila nagmumukmok.

" Pinsan!! " bati nung lalaking--

" Anong ginagawa niya dito?! " inis na tanong ko.

" Kasi babe gusto nilang sumama satin sa SM North kaya sinama ko na. Ok lang naman sa inyo ni Joanna di ba? "

Kung minsan na iinis ako sa boyfriend ko. Patay malisya pa siya alam naman niya EX ng bespren ko yang damuhong pinsan niya.

" Oo naman! OK LANG! " sagot ko.

Kung OK LANG talaga.

Mukang malulungkot ang bespren ko sa Hearts day na 'to. Bwisit na nhikko 'to kasi sumama sama pa letse!. Alam ko naman na mahal pa ni bespren yang hinayupak na yan kahit sabihin niyo pa na patay na patay yun kay lester giri. IDOL lang niya yun at never nun mapapansin si Bespren.

Bespren akong bahala sayo ngaun magiging happy ka kahit single ka.

          ΩΩ

Joanna Mae's POV

GoodMorning!

GoodMorning!

Anong good sa morning?!

WALA!

Bakit ba kasi na uso uso pa yang Hearts day na yan. Yang February 14. Paano naman ang mga single? NGA NGA na lang sa bahay! bwisit!.

Buti pa si bespren kahit may date sila ng Boyfriend niya siningit pa din niya ko para lang maenjoy ko yung hearts day na 'to. Ok lang kahit maging third wheel ako ngaun, ngaun lang naman eh.

" Para po manong! " sabi ko sa driver.

Naglakad ako hanggang makarating dun sa pwesto nila bes. Dun sa may tabi ng Mcdo nandun daw kasi sila.

" Hi Jo! happy valentines *smile* " bati sa akin ni Ellaine ka-block ko.

" Like wise! " sagot ko naman.

Haaaay ayokong sumagot ng ' happy valentines day din ' eh hindi naman HAPPY ang valentines ko eh.

Nandito na ko sa may mcdo at nakita ko na sil---

" si nhikko? " bulong ko sa sarili ko.

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa pwesto nila. Parang ayoko ng sumama yata. Bakit kasi nandito yang walangyang lalaki na yan.

Aray!

Parang sumisikip yung dibdib ko. Ganito yung naramdaman ko nung tinimer ako nung hayop na yan. Pero hindi ko natatanggi na ngaun mahal ko pa din yan. Kaya nasasaktan ako.

Tatalikod na sana ko ng biglang.

" BESPREN! "  Tawag sakin ni janina.

Napapikit na lang ako ar humarap sa kaniya.

" Saan ka pupunta? " tanong niya.

" Bibili lang sana ko ng kendi kay manang. " pagsisinungaling ko.

The Fangirl and The IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon