"My love for you has no end and I will keep on loving you till my last breath."
"Amara" napahinto ako sa paglalakad nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Napairap nalang ako sa hangin, nandito nanaman siya.
"How many times do I have to tell you na wag mo na 'kong bigyan ng bulaklak. Liam, may boyfriend na 'ko." Ani ko pagkaharap na pagkaharap sakaniya.
"And who?" Napangisi siya. "Yung boyfriend mong bedridden at nasa ospital? Siya nga ni hindi ka mabigyan ng bulaklak eh—"
"Enough!" Sigaw ko. "Umalis kana, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masampal pa kita."
"O-Okay, chill haha." Pagkatapos non ay nilapag niya ang bulaklak sa sahig atsaka umalis na.
Mabuti naman. Nasapo ko nalang ang noo ko, ang kulit kulit. Hindi makaintindi.
"Amaraaa!!" isa pa to. "Oh, flowers. Sino nagpapabigay?" Ani Gail. My bestfriend.
"Sino pa ba?"
"Si Liam?" I nodded.
"Gurl bat kase ayaw mo pang tanggapin? Ilang buwan ng nanliligaw yon sayo ah?"
"Hindi ko nga kase siya type okay? Isa pa may boyfriend ako."
Natawa naman siya ng bahagya. "Si Brix ba ang tinutukoy mo?" Tumango ako. "Sigurado ka ba talaga dyan Amara? Kung ako sayo hihiwalayan ko na yan."
Napataas naman ang kaliwang kilay ko. "At bakit ko naman gagawin yon?" sambit ko. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako makikipaghiwalay kay brix. Lalo na ngayong kailangan na kailangan niya ako."
Natahimik naman siya kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagsasalita. "Nangako kami sa isa't isa.." at napatingin ako sa promise ring namin. "Na kahit anong mangyari hindi kami maghihiwalay"
"Hindi ko ipagpapalit yung 2years na pagsasama namin ni Brix sa isang lalake na ngayon ko lang naman nakilala. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. Hindi man siya makapagsalita ulit sa ngayon, ramdam kong mahal niya ako." pagkatapos non ay iniwan ko na siyang mag isa ron.
Hindi ko alam pero parang biglang uminit ang ulo ko sa kaibigan ko. Kahit kailan, hindi ko inisip na hiwalayan si Brix. Mahalaga si Brix sakin kahit ganon yung kondisyon niya. Bakit ko pa siya iiwan kung kailan kailangan na kailangan niya ako? Mananatili ako sa tabi niya, kahit ano pang mangyari.
——
@ hospitalPagkarating na pagkarating ko sa silid kung nasan si Brix e agad akong sinalubong ni Tita Brenda. Mama niya.
Bumeso ako sakaniya atsaka tinignan si Brix na mahimbing na natutulog sa hospital bed. "Kamusta na po siya tita?" Tanong ko.
"Ayos naman hija, nagising lang siya kanina para kumain. Mag iisang oras narin siyang tulog."
"Ganon po ba? Sige ho, ako na po muna ang bahala sakaniya. Magpahinga na muna po kayo tita."
"Salamat talaga sayo Amara, anak ha. Napakaswerte ng anak ko dahil may nobya siyang kagaya mo." Napangiti naman ako.
"Wala po 'yon, kung tutuusin ako po ang swerte sakaniya." Ani ko naman. Nginitian lang ako ni tita at nagpaalam na.
Nilapitan ko naman si Brix, umupo ako sa tabi niya at tahimik na pinagmamasdan siya. "Miss na miss na kita Brix, bangon kana oh." I took a deep breath bago ko hinawakan ang kamay niyang puno ng dextrose atsaka hinalikan 'yon.
Bigla siyang dumilat kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko atsaka nginitian siya. Ayokong makita niyang umiiyak ako dahil ayokong nakikita niya yung kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories (Compilation)
FanfictionMinsan nabobored si author, at kung ano ano nalang ang pumapasok sa kaniyang mga isipan. Like Imagining things that will never happen in the reality. That's why I made this kind of "One Shot Story" for me to share some imaginations in my head, that...