Journal Entry #16 (part 2 of entry #15)
Pinocchio's Cafe
"Oh anong order nyo?" tanong sa amin ni Kisses, nakatayo kami sa harap ng menu, at ang tinutukoy kong kami ay ako, sina Niobe, Selene, Mikko, Jess, Dexter and si Hunter, yes! Tinotoo ni Kisses ang sinabi nya kanina na isasama nya sila Hunter, kelan ba sila naging close? Wala akong naalalang interaction nila ni Hunter kaya nakakapagtaka na niyaya nya pa talaga sila at nilibre pa, ganon na ba kabait si Kisses?
"Raspberry Truffle Cappuccino Frappe atsaka isang slice na din ng raspberry cheese cake" pangunguna ni Jess
"So takaw mo talaga Jess, kaya yang fats mo sa tyan hindi na lumiliit" pagpupuna naman ni Selene
"Iisipin ko pa ba 'yang fats na sinasabi mo, ang mahalaga busog ako" wika ni Jess at nakahanap na agad ng table na paguupuan namin
"He is so impossible, hindi nya ba alam na maraming possible na sakit ang makukuha sa katakawan nya like diabetes, stroke, heart attack, heart disease, highblood and more, ang mas worst 'yung iba natitigok na lang basta like krrkkk" maarteng wika ni Selene, with matching guhit ng index finger nya sa leeg, napangiwi naman ako, may mga times talaga na ang dami nyang alam
"Anyway Mississippi Mud Pie Frappe ang akin, how bout yah two?" tanong sa amin ni Selene, napatingin naman ako kay Hunter na nakakunot ang noo sakin, bakit sya nakatingin? Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina sa room ang pagpapahiya sakin ni Dexter, grrr. Agad akong nagiwas ng tingin saka sumisik sa tabi ni Niobe,
"Cho-chocolate ca-caramel swirl frappe ang akin" agarang wika ko
"Okay ka lang, Lex? Namumula ka?" hahawakan sana ni Niobe ang noo ko, agad akong umilag at lumipat sa tabi ni Selene
"Hehehe ano, I mean yes, I'm fine, it's just hmmm mainit tama mainit diba Sel?" nginitian ko si Selene at nagpanggap na nagpupunas ng imaginary pawis
"Huh? Naiinitan ka ba Lex? Tara na lang doon kay Jess medyo malamig sa pwesto nya, una na kami Kisses ha" maasahan ko talaga si Selene sa mga ganitong situation
"Okay ka lang ba talaga Lex?" binigyan ko lang ng hilaw na ngiti si Selene, napatingin ako kay Jess na nilalaro ang malaking stuff toy nq Pinocchio sa tabi nya, nilibot ko ang aking tingin sa buong cafe, halatang die hard fan ng pinocchio ang owner ng shop na 'to, sa mga table at chairs pa lang na gawa sa wood, pati na rin sa mga nakasabit na pinocchio stuff toys, ang mga crew na nakapinocchio hats, in over all maganda naman, 'yung aura na shop ang cozy and ang comfy. Pinagmasdan ko namang maigi 'yung malaking logo na nakapaskil sa wall ng shop, teka lang
"Venacava?"
"Ah isa kasi si Miss Hella Lair sa member na venacava" wika ni Kisses na kadadating lang kasunod nya si Niobe, Mikko, Dexter and Hunter. Inirapan ko naman si Hunter na nakakunot ang noo na nakatingin sakin, kanina pa sya at hindi na nakakatuwa! Iniisip nya bang crush ko sya?
"Venacava?" takang tanong ko, I dunno pero pinagtataasan ako ng balahibo geesh, kagagawan 'to nila Amelie
Akala ko uupo sa tabi ko si Niobe pero tumabi sya kay Kisses, at ang umupo sa tabi ko ay si Hunter, what the mr lava lava?! Sumiksik ako sa tabi ni Selene
Bale ganito 'yung arrangement
Kisses Niobe Mikko
Jess T A B L E Dexter
Selene ME Hunter"Shocks, hindi mo alam 'yun?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Kisses, narinig ko lang sya kila Amelie, pero wala talaga akong alam about sa venacava, kaya umiling na lang ako sa tanong ni Kisses, lumingon ako kay Selene
