chapter four♡

82 3 1
                                    

Journal Entry #12

          As expected busy sila mommy and yaya sa pagdedecorate sa bahay, magkakaroon kasi ng baby party tomorrow, ininvite ni mommy ang lahat ng kaibigan nya na may baby. Simpleng gathering lang naman pero talagang hindi mapakali si mommy kaya heto tinawagan nya pa si Ate Hershey para tulungan sila, at ako eto nakatitig lang sa kanila.

"Tita ang dami nyo namang pinamiling gifts" napatingin ako sa mga laruan at baby garments na nakakalat sa sofa, iwrarap nila 'yon isa-isa as a present para sa mga dadating bukas

"Sakto lang yan, Hershey. Sya nga pala kamusta na si Franco, ang tagal nya ng hindi bumibisita dito." tumango ako sa sinabi ni mommy at tumulong na din sa pagwrawrap ng mga regalo, dalawang linggo na ngang hindi bumibisita si Kuya Franco dito sa bahay, namimiss ko na 'yung pa-pizza nya.

"Si Franco? Hay nako tita, atin atin lang 'to ha, di ko pa to nasasabi kila Tita Felice, atsaka kay mommy..." mas lumapit sya kay mommy at dahil medyo curious din ako, lumapit din ako ng kaonti,

"May nililigawan na po si Franco sa VIU" napakunot ang noo ko, nililigawan? ano yun?

"Totoo?" hindi makapaniwalang wika ni mommy, may sasabihin pa sana si ate Hershey nang biglang umiyak na naman 'yung sanggol, istorbo talaga, grrr. Agad syang binuhat ni mommy, tsss ang arte ng sanggol na to! Ang sarap nya isama sa trolls.

"Shhh, here's your milk" hindi ko alam kung naka-ilang irap ako doon sa sanggol, halos 15 minutes din bago ulit sya nakatulog, wala ba syang gustong gawin sa buhay nya, kundi umiyak, matulog at uminom ng uminom ng gatas? Sarap din ng buhay nya ah!

"Hindi ko nga tita maintindihan si Franco, ang sabi nya hindi nya daw tipo 'yung mayayaman, pero hindi ko akalain na mas gusto nya pala ng sobrang yaman!" wika ni ate Hershey na parang gigil na gigil

"Maniniwala ba kayo tita, kapag sinabi ko na 'yung pamangkin ni Mr. Nimrod Navarro ang nililigawan ni Franco?" napatigil naman ako ng pagtetape, pati si mommy napatigil din, Na-navarro?

"Oh ano namang masama doon?" tanong ni mommy nang makabawi sa pagkagulat, pamangkin ni Mr. Navarro? Ibig sabihin cousin ni Hunter? What a small world!

"Wala naman tita, pero hindi lang din ako makapaniwala! Wait ipapakita ko sa inyo, well maganda naman sya, nagmomodel and graduating na din. Wait ano nga bang course nya? Kapag hindi IT parang computer engineer, hindi ako sure e! Pero dean lister daw tita, ang sabi ng mga kakilala ko sa VIU, 1.8 daw ang average! Infairness magaling din pumili si Franco pero nakakainis pa din hindi nya man lang sinabi sakin na may tipo na pala sya, e nirereto ko pa naman sya sa mga kaibigan ko, tsk" derederestang wika ni Ate Hershey habang mukhang nagbrobrowse ng picture ng babae na tinutukoy nya, ano bang ibig sabihin kapag nililigawan? Mag-aasawa na ba si Kuya Franco? Shocks tapos anong mangyayari pagkatapos? Magkakababy sila?! What?! Another baby again?! Bigla na naman tuloy akong kinilabutan, no no no no

Pinakita ni Ate Hershey kay mommy 'yung babaeng nililigawan daw ni Kuya Franco, nakisilip din ako.

"Magaganda naman talaga ang lahi ng mga Navarro, si Huntress nga mukhang hindi tumatanda" komento ni mommy habang pinagmamasdan 'yung picture, dahil maliit ako ng very light, hindi ko makita ng ayos

"Woah, close kayo ni Mrs. Navarro, tita?" sinoli ni mommy 'yung cellphone ni ate Hershey kaya napasimangot ako hindi ko pa nakikita ng ayos e!

"Hindi naman gaano, si Nimrod kasi at ang tito mo, magkaklase nung college, nagkikita-kita lang kami kapag may mga special events" wika ni mommy at nagpatuloy na ulit ng pagwrawrap, humaba ng humaba ang kwentuhan nila ni Ate Hershey hanggang sa hindi na ko makarelate, nung sandaling pumunta si mommy sa kusina lumapit ako kay Ate Hershey

THE BABY IS WHAT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon