Haidashin University: School of Magic

19 4 0
                                    


TIARA DIANEZ'S POV


"TIARA." Isang strikto at may baritonong boses ang tumawag sa akin. Ang aking Ama.

"Yeah?" Walang-gana kong sagot. Hindi kami ganoon ka ka-close simula noong namatay ang aking Ina. Kinakausap lang namin ang isa't-isa kapag kailangan o may importante syang sasabihin.

"You'll transfer." Sabi nya habang iniikot ang swivel chair na kanyang inu-upuan.

"Transfer?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Anong ibig sabihin nya ipapalipat nya ako ng bahay? Paaralan? Bakit ba hindi nalang diniretso ang gusto nyang iparating. Hindi yung madaming pa-Thrill Thrill. Tss

"You'll transfer in another school. It's all set." Kaninang kalmado ay napalitan ng ma-otoridad na boses na para bang hindi sya tatanggap kung ano man ang sasabihin ko.

Napairap nalang ako sa kanya. Ngayon pa sya magpapaka-ama, ngayon namumuhay na ako ng payapa.

"Ano bang problema mong Matandang hukluban ka ha? At saakin mo naisip na ibunton yang problema mo! Dad, hindi nako bata para kontrolin mo! Alam ko kung ano ang mga ginagawa kong desisyon. Wag na wag mo akong kokontrolin Dad, dahil hindi mo ako manika na sunod-sunuran saiyo palagi!" Bago pa sya makasagot ay tumayo na ako at binalibag ng malakas ang pintuan ng kanyang opisina.

Umakyat na ako sa ikalawang palapag kung saan naroon ang aking silid. Kaagad akong nag-impake ng mga gamit, pagkain, pera at kung ano-ano pang importanteng pwedeng dalhin. Sawang-sawa na ako sa pagiging pakialamero ng huklubang iyon! Ayoko na. Ayokong mamuhay ng palaging kino-kontrol.

Pagkatapos kong mag-impake ay kaagad akong lumabas ng silid at nagmadaling bumaba. Baka maabutan pa ako ng matandang iyon. Tss.
Inilagay ko ng mabilis lahat ng mga gamit sa backseat at agad na sumakay sa driver's seat. Nang mailabas ko na ang kotse sa bahay ay kaagad ko iyong pinaharurot at umalis.

Mahina akong napatawa. Sa wakas, at nakamit ko na ang totoong kalayaan. Wala na akong paki sa mga consequences na mangyayari. Ang mahalaga ay wala na ako sa puder ng aking ama. Dahil alam ko kung hindi ako umalis doon ay ipagpipilitan nya akong ipakasal sa mga anak ng kanyang mga ka-sosyo.

Drive lang ako ng drive. Kung saan man ako dalhin nito, bahala na si Tadhana.
Inaantok na ako kaya pinarada ko muna sa isang tabi at natulog.




***
Napadilat ako dahil sa sinag ng araw ng tumatama sa mukha ko.

"Gising ka na pala!" Masiglang bati ng isang magandang babae na naka-braid yung hair.

"Sino ka? Bakit ako nandito? Ang alam ko sa kotse ako natulog! At tsaka, paano mo nabuksan iyon? Magnanakaw ka ba? Tulong mag----" Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla nyang tinakpan ang bibig ko.

"Chill Miss, mahina ang kalaban" She chukled. "I'm Morgan Shirvana. Nandito ka kasi tinulungan kita, pasalamat ka pa nga sakin dahil kung hindi baka namatay kana sa kotse mo dahil may mga mababangis na hayop sa pinag-parkan mo. At nabuksan ko iyon kasi hindi naka-lock yung pintuan malapit saiyo, at huli ay hindi ako magnanakaw. Okay na ba nasagot na ba yung katanungan mo?" Sabi nya habang naka-upo sa upuan malapit sa kanya. Tinanggal nya naman yung kamay nyang nasa bibig ko nung nakumpirma nyang kalmado na ako.

"Wow, Thank you ah?" A hint of sarcastic in my voice. Ako pa talaga ang kailangan magpasalamat? Hindi ako sanay na magpasalamat. Tss -_-.

"Hihihi You're Welcome Miss I-don't-know-the-name!" Masaya nyang sabi. Wow mukha syang takas mental.

"It's Tiara Dianez, Miss Morgan." Pagpapakilala ko sakanya.

"Cut the Miss, please? Masyadong pormal hihihi. Morgan nalang para masyadong maganda." She winked at me saka mahinang tumawa. Weirdo ba ito? Bakit palagi nalang itong tumatawa? Baka takas mental 'to. I shook that thoughts away, hindi naman siguro. Mukhang masayahin lang talaga sya.

"Tara, kain muna tayo!" Sabay hila saakin palabas ng kwarto. Ngayon ko lang nakita ng malinaw kung nasan kami. Nasa isang paarala---What? Bakit ako nandito?

"Morgan, bakit ako nandito?" Tanong ko sakanya. Ang huli kong naaalala ay nasa gubat ako nagpark at natutulog sa kotse. God, patay na kaya ako? Wag naman sana, ayoko pa.

"Gaya ng sabi ko kanina, natagpuan kita sa gubat at muntik ka ng mapahamak. Dinala kita dito kasi sabi ng Head Mistress kalahi kita. Hindi ka naman siguro makakapasok sa portal ng gubat kung wala kang 'ganoon' diba?" Sabi nya habang naglalakad kami papuntang Dinning Area. Bakit hindi ko maintindihan yung sinasabi nya? Hay, mukhang tama talaga ako, Weirdo ang babaeng ito.

"Kalahi mo ako? Sa pagkakaalam ko kasi ngayon lang tayo nagkita. So, paano mo ako naging kalahi? At ano yung sinasabi mong 'ganoon' kanina?" Isa nalang talaga, mababaliw na ako. Bakit feeling ko andami nyang sikretong tinatago? Tapos ang weird pa ng atmosphere ng school nila.

"Hay, Tiara patawa ka talaga." Hinampas nya ako ng pabiro sa braso at tumawa ng mahina. "Malalaman mo rin yung sinasabi ko sa tamang panahon." May nadaraanan kaming iilang estudyante at yumuyuko sila kapag dumadaan kami. Bakit kaya?

"Uy Morgan, bakit sila yumuyuko? Nahihiya ba sila sayo o ano?"

"Kasi...." Parang nag-aalinlangan sya kung sasabihin nya o hindi.

"Okay lang Morg, kahit hindi mo sasa---" Hindi ko natuloy ang aking sinasabi dahil kaagad syang nagsalita.

"I'm the President of the Student Government, and may rule kasi akong 'tratuhin nila ako ng tama at igalang.' And besides, hindi kasi sila sanay na may Transferee dito sa school."

"Hindi ba sila magtataka na may kasama kang Transferee?"

"Silly girl." Tumawa na naman sya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. "It is my duty to maintain a clean and peaceful campus. And it is my honor to welcome you in this school, Welcome to Haidashin University!" Masigla nyang bati habang nakataas ang kamay na parang ipinapakita ang buong school.

"Thank you for welcoming me, but tummy is very hungry right now." I chuckled.

"Oh my God! Why you didn't tell me? C'mon let's eat." Sabi nya at hinila ako ng mabilis sa Dinning Area. Pagkarating namin doon ay pinaupo nya ako.

"Stay there, I'll be the one to get your meal." She winked before going to the cater. Inilibot ko ang tingin sa Dinning Area, malaki at mukhang pangmayaman. Parang isang kastilyo.

"Here's your meal, Tiara!" Sabay lapag ng isang platong punong-puno mg iba't ibang putahe.

"May balak ka bang bitayin ako pagkatapos? Andami nitong kinuha mo!"

"Hihihi Sorry Tiara, I'm just excited to give you a breakfast."

Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kami ng kung ano-ano.

"Calling the attention of Miss Tiara Dianez, after you eat your breakfast please proceed to the Office." Sabi ng isang babae sa speaker. Nagkatinginan kami ni Morgan.

Nagkibit-balikat nalang ako at tinapos na ang kinakain.


Vote and Comment❤️
-Chelnias

Haidashin University: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon