Chapter 2

5 0 0
                                    

TIARA DIANEZ'S POV


The BULLIES & THE BROTHERS


"THIS will be your classroom for this school year. Enjoy!" Itinuro nito ang isang classroom malapit sa hagdan. Nandito kami ngayon sa 4th floor kung saan mag-aaral ang mga beginners kagaya ko. Sayang nga lang at hindi ko kaklase si Morgan. Nasa Alpha Class na ito dahil master na niya ang kanyang mahikang tinataglay.

"Excuse me? Humaharang ka sa dinadaanan namin." Isang magandang babae ang nasa harapan ko ngayon. Pero halata sakanyang aura na siya ay mataray. Her presence is so intimidating.

"Bakit saiyo ba 'tong dinadaanan mo?" Hindi ako natatakot sa isang katulad niya. Kung naghahanap siya ng gulo, edi ibibigay ko ang hinihingi nya.

"Hindi, pero matuto kang gumalang dahil ako ang Prinsesa dito." Tinignan nya ako mula ulo hanggang para bang ako'y sinusuri. "Mukhang bago ka palang dito. If you don't know me, well I am Princess Althea Marae Grimazique. The daughter of King and Queen Grimazique." She stood up confidently with her head held up high.

"Obviously, bago palang ako dito dahil nasa Beginner's class pa ako. Pangalawa, wala akong paki kung ikaw pa ang Prinsesa dito." Wala akong panahon para makilala ang isang mataray na katulad nya. Nagsasayang lang ako ng oras.

May papalapit na dalawang babae sa direksyon namin.

"Hoy Transferee, respetuhin mo ang Prinsesa kung ayaw mong mamatay ng maaga." Sabi ng isang matangkad na babae na nasisiguro kong kaibigan kuno ng Prinsesa dito. At ngayon ko lang napansin na ang mga tao na malapit sa amin ay nakayuko upang magbigay galang sa Prinsesa.

"Edi mamatay ng maa--"

"Pasensiya na Princess Althea, bago lang kasi dito si Miss Tiara." Pagpapaliwanag ni Morgan na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"Diba ikaw ang President ng Student Government? Disiplinahin mo naman ito ng maayos." Tumalikod at naglakad na ito paalis kasama ang dalawang babae kanina.

"Tiara, bakit mo ba siya pinatulan?"

"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama." Bakit feeling ko napakahalaga sa kanila ang babaeng 'yon.

"Hay, buti ako ang nakakita saiyo. Kung hindi, papagalitan ka ng mga mas nakakataas sa atin." Nag-aalala ang mukha nito at nararamdaman ko na concerned ito sa akin.

"Tapos na yun, okay?" Sinipat ko ang pambisig na relo. "Kailangan ko na palang pumunta sa klase ko, Morgan." Agad naman itong tumango at nagpaalam.

Pumasok na ako kung saan ako naka-assign na silid. Mula sa kaninang maingay na silid ay natahimik ito pagkapasok ko. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso sa pinakahuling upuan malapit sa bintana.

Ilang minuto ang lumipas ay kaagad naman dumating ang isang babaeng professor na sa tansya ko ay magiging Adviser namin sa taong 'to.

"Goodmorning Class! I am Professor Carmel Ziea Sadagac. Your Adviser for this school year." Masigla nitong bati sa amin. "This is your first day so as usual, we will introduce ourselves. Let start with the last row." At dahil nasa huling upuan ako ay ako ang unang magpapakilala. Tumayo na ako at pumunta sa harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haidashin University: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon