CHAPTER 1

11 3 0
                                    

TIARA DIANEZ'S POV

"GOOD day Miss Dianez!" Isang maganda, mestizang babae ang sumalubong saakin sa Office. Si Miss Farjhana, ang Headmistress ng paaralan nito. "You may take your seat, Miss Dianez." Iminuwestra nya ang kanyang kamay sa katapat nyang upuan at pinaupo na ako.

"Bakit niyo po ba ako pinatawag?"

"For you to be oriented of the school's policies."

"Paano po ako napunta dito?" Maraming tanong ang naglalaro sa aking isip at umaasa akong sana masasagot yun. I'm very confused of this f-cking situation.

"Miss Morgan saw you in a forest and brought you here in the school, since she detected that you have a power." Tumikhim muna sya bago nagsalita ulit. "Besides, you did entered the portal of this world."

"Teka, anong portal? Anong magic po 'yang sinasabi nyo? Hindi ko na po naiintindihan ang iyong sinasabi." Parang sasabog na ang aking utak sa mga impormasyon na nalalaman ko.

"Miss Tiara, this is HAIDASHIN UNIVERSITY, the school of magic. We, people here have a different abilities that summon or controls the elements of the world. Example of this are the controllers of Fire, Water, Air and Nature and I think isa ka sa amin kasi nakapasok ka sa portal. Only people with powers can enter this world."

"Imposible. Isa lang akong normal na tao at wala akong taglay na mahika na sinasabi mo." It is hard for to me believe what she said. Maybe, I am a fan of reading Fantasy books but I never expected that this will happen in real life.

"Well, accept the truth Miss Tiara. Be happy and accept that you are one of us." May kinuha sya sa ilalim ng kanyang lamesa. Ang handbook 'yata ng paaralan. "This is not an ordinary handbook, this is a magical one. This will serve as your guide of this school and this handbook will wrote what you did, what will happen and serves as your Life History. Your uniform is already at your dorm, also your things is all set. You may now leave." Pagkatapos nyang magsalita, ay kaagad na akong lumabas ng Office.


"Tabi!" Sigaw ng paparating na binata na nagski-skateboard na gawa sa apoy at patungo ito sa akin. At dahil wala ako sa mood, ay hindi ako nakailag kaya natumba ako. At itong demonyong nakabangga sa akin ay nilagpasan ako. Inaayos ko muna ang aking sarili bago tumayo.

"Hoy walang modong lalaki! Bumalik ka rito!" Napatigil ito sa paglalakad at lumingon sa direksyon ko. Narinig ko naman ang mga taong nagbubulungan na parang mga bubuyog. Mga tsismosa. Tss -.-.

"Anong sabi mo? Tinawag mo akong walang modo?" Humakbang ito papalapit sa akin habang ako nama'y paatras ng paatras hanggang sa naramdaman ko ang aking likod na tumatama na sa pader. "Ang lakas ng loob mong magsalita ng ganoon sa akin ah." Inilagay nya ang kanyang kamay sa pader. Ilang dangkal nalang ang pagitan sa aming mga mukha. "Kabago-bago mo pa lang dito ay nanggugulo ka na." Itinaas nya ang kanyang kamay at may lumabas na kulay pulang mahika, ang mahika ng apoy. Itinutok nya ito sa akin at handa na akong sugurin.

"Sige, tamaan mo ako---"

"Yxel, go to my Office now." Pagalit na sabi ni Miss Farjhana na ngayon ay nakatanaw na sa aming dalawa.

"Tss. Kasalanan mo 'tong babae ka." Matalim ang kanyang titig sa akin. Tumalikod at naglakad na sya paalis at sumama kay Miss Farjhana. Naaninag kong patungo si Morgan dito sa direksiyon ko.

Haidashin University: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon