Tula ng Pag-ibig

221 4 0
                                    


      "Tula ng Pag-ibig"

Isang araw nagising akong gusto kong tumula, Tumula nang isang malayang salita,  salita na mag papahayag nang aking damdamin, damdaming nagpapasaya sa'kin.  Kasiyahan na araw-araw at minuminuto mong ipinararamdam sa akin, Na sa sobrang sarap... sa sobrang sarap gusto kong umiyak, umiyak dahil sa kasiyahang labis -labis kong inaasam na ngayon ay higit-higit ko pang nakakamtam. 

Ako ay isang babae na naghahangad tumula,  tumula ng isang malayang salita, salita na maglalathala tungkol sa pag-ibig,  pag-ibig na tayong dalawa lang ang bida at wala nang iba pa.  Gusto kong tumula ng isang tula, isang tula kung saan malayang naririnig at mababasa ng lahat ang ating panimula, panimula na walang katapusan. walang katapusan dahil para sa akin,  para sa akin mahal ang salitang katapusan ay para lamang sa mga taong hindi pa sigurado sa kanilang mga minamahal.

Naalala mo paba noong tayo'y unang mag kita sa isang maliit at nasikip na paaralan, kung saan tayong dalawa pala ay itinakdang maging magkaeskwela.  Isang paaralan kung saan nabuo ang isang masayang sasamahan,  isang samahan na hindi rin  nag tagal at nauwi rin sa pag mamahalan.  Pagmamahalan na kahit kailan ay hindi natin ginawang perpekto dahil para sa atin... diyos lang ang tanging perpekto at itinakda niya lang tayong magmahalan, ngunit kailanman ay hindi magiging perpekto  

Sa bawat araw na nagdaan tayo'y nanatiling buo at matibay, matibay sa lahat ng pagsubok na kanyang nilaan para ating malagpasan. Pagsubok na siya ring naging dahilan para tayo'y mas lalong tumibay.  Bawat ngiti at luha na ating pinagsaluhan ay hindi nawalan nang saysay dahil tayo'y nanatiling buo at matibay. 

Araw-araw at minu-minuto akong nag papasalamat sa kataas-taasan dahil ibinigay ka niya sa akin.  Ikaw na nagpapasaya sa akin, ikaw na laging umaalalay sa akin, ikaw na laging nag papangiti sa akin, ikaw na pumapawi ng aking kalungkutan pag ako'y nagdadalamhati at ikaw... ikaw mahal! Ikaw na nagmamahal sa akin ng tapat at ikaw baby na labis-labis kong pinapasalamatan dahil buong puso mo akong minahal nang walang pag-aalinlangan. 

Salamat mahal!  Salamat sa pang-unawang kahit kailan ay hindi mo pinagsawaang ibigay sa akin.salamat sa pagkalingang kahit kailan  ay hindi ko nadama sa piling ng iba. salamat dahil nandiyan ka  At higit sa lahat gusto kong mag pasalamat dahil sa dinami-dami ng babaeng nakapaligid sa mundo mo... ako ang napili mong maging kapareha. 

Salamat sa magulong mundo na pilit tayong pinag bubuklod at salamat sa taghanang pilit tayong pinagtatagpo.  Kaya naman sa lalaking nag-ngangalang Jesus Novesteras Jr.  Gusto kong malaman mo na ang tulang ito ay walang katapusan, walang katapusan gaya ng pagmamahal ko sa'yo.  Ako'y mangangako na mananatili sa tabi mo sa lahat ng oras dahil ikaw mahal... ikaw ang lalaking hinahangad kong maging bukas at ang pag-ibig mong walang wakas ang minimithi kong wagas na siyang humihikayat sa akin na mahalin ka na para bang wala ng bukas. 

Kaya naman ang tulang ito ay mananatiling walang wakas gaya ng pag-ibig ko sa iyong wagas na kailan man ay hindi magwawakas. 

--

Jei

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon