Kasarian

6.6K 23 1
                                    

           KASARIAN
         BY : JEIXIIE

Sabi nila dalawang kasarian lang ang nilalang nang dyos pero bakit may ako? Bakit may sila? Bakit may kasariang magkasama ang dalawa? At sa mata ng bawat isa kasalanan ang pag mamahalan nila.

Dalawang kasarian apat na pag katao. Isang maganda, isang gwapo, isang gustong maging maganda at isang gustong maging gwapo. Dalawa tao sa iisang sa iisang pwesto. Ano nga ba ang kasariang meron tayo? Kasariang nag papahiwatig ng pighati at kalungkutan sa iba. Kasariang pilit nililinaw nang nakakarami na pilit namang niyuyurakan nang nasa paligid nila.

Kasarian? Kasarian , Gano ka nga ba kahirap tangapin para mahatulan nang pang habang buhay na pag kakakulong . Pag kakakulong sa sarili mong panahon . Panahon kung saan lahat nang mata ay nakamasid sayo. Bawat galaw, bawat kilos, bawat kibot may karampatang salita na humihiwa sa damdamin mong mahina.

Darating pa kaya ang araw na masasabi kong lahat ay malaya. Malaya sa anumang uri nang kasariang ninanais nang bawat isa. Malaya sa mga matang mapang husga, sa mga bibig na mapag samantala . Malaya sa panahong mababa pa ang tingin nang bawat isa sa mga taong lumilihis sa kasariang meron sila.

Ito , itoang buhay na meron ako, ang buhay kung saan markado ang bawat kilos at galaw ko. Isang buhay kung saan mas pinili kong maging ako kesa sundin ang kasariang dapat ay ako.

Handa akong mag pakatao sa sarili kong oras at panahon. Handa kong harapin ang mundo na dala ang bagong kasariang meron ako. Hamakin man nila ang kasarian ko tatayo at lalaban parin ako para sa buhay na pinapangarap ko. Dahil ako ay ako, maiba man ang kasarian ko mananatili parin akong buo kasama ang paninindigan kong hindi mabubuwag nang kahit sino man .

Tawagin man nila akong baklang salot sa lipunan o tomboy na nag hahangad nang kaligayahan ay wala akong pakielam. Dahil hindi ko kaylangan patunay ang sarili ko sa taong sarado ang utak sa pag tanggap sa kung ano ang kasarian at pag kataong meron ako. Sa huli akoy mananatiling ako kasama nang kasariang pinaninindigan ko.

Akoy naniniwala na dyos lang ang tanging husgado na dapat kong katakutan. At ang mga taong nasa paligid ko ay isa lamang hadlang sa minimithi kong katahimikan. Katahimikang mang yayari lang pag lubos nang naunawaan nang lipunan na apat na ang kasariang pilit nilang iwinawaksin sa kanilang isipan.

Kasarian? Kasarian ,Isa, dalawa, tatlo o apat paman. Bawat isa ay dapat igalang dahil straight ka man o naiiba nang kasarian tao kapading nilalalang nang may kapal na kaylangan respetuhin , mahalin at pahalagahan. Dahil sa buhay natin hindi kasarian ang mag didikta nang ating mga kapalaran .

-jei

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon