SBAI: The Beginning ( Chapter 1 ).

356 12 0
                                    

     "KIEL MAC CELINE NAVITOOOOO!".

Mabilis na napabalikwas ako mula sa kama ko nang marinig kong may sumisigaw ng pangalan koㅡAy!Mali.Buong pangalan ko pala.

"ARAAAAAYY!".

Sigaw ko dahil naumpog lang naman yung noo ko sa nakausling kahoy na nakadikit sa may bubungan namin.

Nasa may taas kasi ako ng double deck natutulog at medyo mababa yung bubong namin kaya halos araw-araw ata nauumpog ako dun.

"Peste ka talaga kahit kailan!".Inis na sabi ko sa kahoy habang hinahampas ng kamay ko.

"KIEL MAC CELINE NAVITOOOO!!".

Mabilis na napatingin ako sa may nakasarang pintuan ng kwarto naminㅡNamin.Dahil ka-share ko sa kwarto yung pinsan ko.ㅡnang marinig ko ulit yon.

Mabilis na tinupi ko yung kumot ko.Inilagay sa ibabaw ng unan ko at mabilis na ipinusod ang buhok tapos bumaba na ako mula sa itaas ng double deck.

"KIEL MAC CELINE!!!".

Mabilis na napatingin ako sa likuran ko.

"Ano ba?!Kanina pa ako sigaw ng sigaw!Nandito ka pa rin?!.".Tanong nito nang nakapameywang pa."Halos buong barangay na nga natin ang nakakarinig ng pagtawag ko sayo, nandito ka lang sa itaas?!At anong oras na o?!Alas otso na!Tanghali na!Kagigising mo pa lang?!Tulog mantika ka talaga kahit kailan!Pinasasakit mo ulo ko!".

Gusto kong haplusin yung tenga ko dahil dama ko na yung pag-iinit nun kaso hindi pwede dahil hahaba lang ang sermon niya sa akin.

Siya pala si Tita Madonna.Kapatid ng tatay ko.Actually, half-sister lang siya dahil magkaiba sila ng ama.At sa tuwing sasapit ang umaga, ang bunganga ng Tita Madonna ko ang nagsisilbing alarm clock ko.At hindi lang yon sa umaga, meron din sa tanghalian at hapunan.Kung minsan pa nga eh may meryenda at midnight snack pa.At rinig na rinig talaga yon sa buong bahay namin lalo na't maliit lang ito.

"Hala!Magsaing ka na para paggising niyan ni Laira ay may kakainin siya!Tapos maglinis ka ng buong bahay!Yung mga magazine sa baba, ayusin mo!".Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto."Bilisan mo!Pagbalik ko, kailangan tapos na ang lahat ng gawain dito!".

Napapikit ako."Hayy~~.Grabe.Akala mo talaga ipu-ipo si Tita eh..".Komento ko saka huminga ako ng malalim.Tapos tumingin ako kay Laira na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin kahit na nakapagtalak na yung nanay niya ng bongga.

"Tsk.Tsk.Tsk.".Umiling ako."Grabe.Ang tatag din nito.".Saka ako napa-isip."Kung ako, tulog mantika??Edi itong si Laira?Tulog mighty bond??".Tanong ko sa sarili ko.

"KIEEEEEEELLLLL!!!!".

"Ay!Kiel!".Napalundag ako nang marinig ko na naman yung Tita ko atsaka mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba ng hagdanan.

*     *      *

     "Till now~♪.I always caught by own my own~♪.I'll never really care until I met you~♪.And now it chills me to the bone~♪.How do I get you alone~♪.Alone~♪.".

Kumakanta ako habang nagwawalis sa munti naming sala.Hahahaha.Pasensya na!Ganito talaga ako kapag naglilinis.Parang may concert lang ako XD.At kahit papaano, may ibubuga naman ho ako sa pagkanta.(Haha.Inangat ko na yung sarili kong bangko XD).

Oh yeah!Enough concert na muna tayo.Hindi niyo pa pala ako kilalaㅡExcept sa buong pangalan ko.

So, take two! (^_^).

Ako nga pala si Kiel Mac Celine Yugto Navito.17 years of age and from the Republic of the Philippines!Thank you!

Charot! XD.

Sumptuous Boys And I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon