SBAI: The Beginning ( Chapter 10 ).

276 9 4
                                    

        "Oh!So, there you are famous Kiel..".

Kunot-noong napatingin ako sa may harapan ko nang marinig ko yung pangalan ko na binanggit ng kung sinoman.Tapos may nakita akong isang babae sa harapan ko.Nakangisi ito at mataray na nakatingin sakin habang nakacross-arms.

Biglang kumunot yung noo ko.

Pamilyar siya sakin?? Hindi ko alam pero sa tingin ko nakita ko na siya sa kung saan??

"Oh.My.God!".Narinig kong reaskyon nung babae sa gilid ko.

"Even Meg knew this girl?!".Yung isa naman.

Ibinalik ko muna sa dalawang bruhita yung cellphone nung isa saka hinarap siya.

"Kilala mo ako??".

Nagsmirk yung girl saka niya ako matalim na tiningnan."Hindi na ako nagugulat if you're attending here.Because Kai is also here..".

Lalong kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

Anong kinalaman ni Kai dito??

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."You're still the same..".

Nairita ako sa pamilyar na gesture na yon."Pwede ba??Hindi kita kilala at wala na akong balak kilalanin ka pa.".Seryosong sabi ko sa kanya saka ako naglakad ulit at nilagpasan siya.

Tss.Wala akong panahon sayo.

Pero namumukhaan talaga kita eh..

"Really??".Narinig kong sabi nito na nakapagpahinto sakin."Aren't you remember me?We accidentally met in Skydome for about...a week ago..".

Bigla akong napaisip sa sinabi niyang yon.

"..I even remember that you are with my boyfriend who is actually Kai Salazar. That turned out to be your boyfriend too..".Mataray nitong sabi.

Nang marinig ko yon, nagflashback sakin yung babaeng naging dahilan kung bakit ko nasipa si Kai sa may binti nito nung nakaraang linggo sa may Skydome.

Nanlalaki yung dalawang mata kong napatingin sa kanya ulit.

Siya si..

.

.

.

"I'm Megan Villaluz.Remember??".Sabi nito saka ngumisi sakin.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya.Napakurap ako."I-Ikaw??".

Humarap na siya ng tuluyan sakin saka siya nagsmirk."Small world, right??".Tanong nito saka siya humakbang ng ilang beses at huminto sa may harap ko.At mataray na tiningnan ako ng diretso sa mga mata."At hindi ako natutuwa.".

Napasmirk ako."Sino bang nagsabi sayo na natutuwa ako?".

"Don't tell me..natatakot ka na?".Mataray nitong tanong.

Dun ako natawa ng mahina."Teka.Bakit ako matatakot?At kanino ako matatakot...sayo??Multo ka ba?".

Nagulat si Megan sa sinabi kong yon.Napatayo ito ng diretso at matalim na tiningnan ako."You're being so nasty!".

Nagkibit-balikat ako."Nagtanong lang naman ako ha?Maiwan na kita.".Sabi ko saka ako tumalikod at nagsimula na ulit maglakad.

"DON'T WORRY, KIEL!".Pahabol nito."I CAN MAKE YOUR LIFE SO EASIER HERE!".

Napakibot yung sulok ng labi ko nang marinig ko yon."Sige.Push mo yan..".Bulong ko saka na ako naglakad palayo sa kanya.

_____

Sumptuous Boys And I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon