CHAPTER 4

61 9 14
                                    

"HAHAHAAAHAHAA!!" - Chloe and Skip.

Nasa canteen kami ngayon, and say what?! pinagtatawanan ako ng dalawang bruha na nasa harapan ko nagyon! hmpf! Actually, hindi lang silang dalawa, yung ibang students din.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa.

"Hala sige! magsitawanan lang kayo jan! sana mawasak din yang mga ilong niyo ng maramdaman niyo kung gaano kasakit ang nararamdaman ko!" - Ako sabay irap.

Talaga yung panget na hinayupak na alien na yun eh! kung hindi dahil sakanya, eh di sana wala akong band-aid sa ilong ngayon! mabuti lang talaga at hindi nawasak yung ilong ko! mapapatay ko talaga yun eh! ampf!

"Buds, easy lang, ang HB, cute ka nga eh." - Chloe

"Huh! Sige lang, may araw din kayo!" - Ako

"Haha! To naman oh, kino-compliment na nga, nagagalit pa, you should be thankful for that buds." - Skip.

"Compliment niyo mukha niyo! wala na'kong time magpasalamat dahil buset na buset na tong araw ko! sira na rin ang mood ko! at di ko na rin pala kailangan ang compliment niyo dahil cute naman talaga ako! che!" - Ako

"Sus. Kapal, haha! Oh siya buds, tapusin mo na yang pagkain mo, male-late kana naman, tas papahirapan ka na naman ni fafa Whil." - Chloe, Yup! kilala niya na ang demonyong nagpapahirap ng buhay ko dito sa school at she's so unbelievable! Akalain niyo ba naman, ultimate crush ni yung lalaking yun! ampf.

"Fafa ka diyan, nako Ms. Chloe Jeness Ferrer, tigil-tigilan mo yang kalandian mo ha. Pati monster, crush mo. eww." - Ako

"Weh? Sabihin mo na lang na nagseselos ka Ms. Ciara Loraine Fernandez. haha!" - Skip.

"So magkakampi kayo ganon? Duh! As if namang magka-crush ako dun sa lalaking yun no! Di nga umabot ng 1% sa standards ko yun eh!" - Ako

"Denial. haha! So sino ang gusto mo? yung housemate mo?" - Chloe, natigilan naman si Skip dun. Ngayon niya palang nalaman, si Chloe kasi andaldal! aist!

"What?! May HOUSEMATE si Loraine?!" - Skip, nag nod naman si Chloe.

"Yup, A GUY HOUSEMATE." - Chloe.

"What the hell?! Did I miss something big here?!" - Skip, ganyan talaga siya, nagagalit pag nahuhuli sa news.

"Not really big buds, nung first day of class palang naman daw siya lumipat sa bahay ni Buds Raine." - Chloe, napalingon silang dalawa sakin.

"So, would you mind telling us who's your GUY HOUSEMATE sis?" - Skip.

"Ampf! Si Whilraine." - Ako, naiinis ako pag naririning ko ang pangalan niya and now, binanggit ko pa, saklap.

"Whil~ WHILRAINE?!" - Skip and Chloe, nag-nod nalang ako.

"OSTER?!" - dagdag pa nila. okay? bat ang oa?

"Oh? bat ang OA niyo?" - Tanong ko.

"Di nga?!" - Skip.

"Oo nga! bat ayaw niyo maniwala ha?!" - Ako.

"Ang sabihin mo, may crush ka kay Whil kay ka nag-iimagine jan! Haha!" - Skip.

"Asdf! Excuse me! Ang panget kaya nun? tas masusuka ka talaga sa ugali nun! Kita niyo naman ang ginawa niya sakin diba? ginawa niya akong Janitress! Ampf talaga! Arrrgghh!" - Ako.

"Okay lang yun buds! Ang imporatante, kasama mo siya sa bahay niyo. Ahh, punta nga pala kami dun pag saturdays and sundays sa bahay niyo buds ha? *winks*" - Chloe.

"Tigil-tigilan mo yang pagiging sasaeng mo Chloe, walang patutunguhan yan." - Bored kong sabi. Palagi niya kasing kinokonsinte yung nilalang na yun eh!

My Surly Housemate [ O N G O I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon