PROLOGUE
I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grandson Hisoka.
There are three things that are absolutely important to Hisoka: Hisoka, Hisoka, and Hisoka. And sometimes if it's challenging enough, he can be called on to do his familial duty.
Hindi ko alam kung bakit, pero nag-aalala talaga ako sa apo kong ito. Sa kanilang lahat, siya ang masasabi kong pinakamalapit ang ugali sa akin. He's as hard as a rock, as strong as an ox, and as manipulative, scheming, and domineering as I was when I was his age.
Sa palagay ko, dahil din doon kaya madalas siyang nami-misunderstood ng mga taong nakapaligid sa kanya. This grandson of mine has not had it easy growing up under the care of his crazy mother's family.
Maagang yumao si Hilario, ang aking pang-walong anak. At isang malaking trahedya pa ito dahil namatay siya sa isang malagim na aksidente. Hisoka was just ten then. He was frightened and deeply traumatized when the tragedy that took my son's life occurred.
Nang sumugod sa bahay ng anak ko ang dati niyang nobyang si Nikita at tangkain nitong barilin sina Hitomi at Hisoka, nagtagumpay si Hilario na ipagtanggol ang mag-ina niya. Naagaw niya ang baril ni Nikita bago pa may masaktan sa kanila. Ang hindi niya alam, isang baril din pala ang papatay sa kanya kinabukasan.
It was an accident caused by negligence on Hilario's part when he failed to hide his own gun in a safer place. Sa nasaksihan ng sampung taong gulang na si Hisoka sa pagtatangka ni Nikita sa buhay nilang mag-ina, inisip niyang hanapin ang baril ng kanyang ama upang maging handa sakaling mangyari uli iyon. Naisip niyang anumang sandali ay maaaring makalabas ng kulungan si Nikita. Sa murang isip niya, he thought he needed to be ready to defend his family in case somebody attacked them again.
Siyempre, wala siyang alam sa paghawak ng baril. Ni hindi niya alam na may bala pala ang baril nang matagpuan niya iyon sa drawer sa gilid ng kama ng mga magulang niya. Kaya nang magulat siya sa biglang pagpasok ni Hilario sa master's bedroom at hawak ang baril ay hindi sinasadyang nakalabit niya ang gatilyo niyon. He accidentally shot his father in the chest. Hilario died instantly.
For a time, we all thought Hisoka would be too traumatized by what happened to survive with his sanity intact. But he did survive. He was sane, albeit a whole lot different from the laughing boy we once knew. Naging tahimik siya; nawala ang makulit at malikot na batang kilala ko. Naging overprotective siya sa kanyang ina at sa kahit sinong taong sa tingin niya ay mas mahina kaysa sa kanya. Tila sa isang kisap-mata ay nag-mature siya para sa edad niya.
Matagal na naming alam na isa siyang gifted child dahil napakataas ng IQ niya noong limang taong gulang pa lang siya. Subalit ayaw ni Hilario na lumaki siyang iba sa ordinaryong mga bata kaya sa regular na eskuwelahan siya ipinasok nina Hilario at Hitomi. Hinayaan nilang malasap ni Hisoka ang kabataan niya kahit pa mangangahulugan iyon ng paminsan-minsang pagbubulakbol at pagkakasangkot sa mga kapilyuhang pinasisimunuan niya at ng mga pilyo rin niyang pinsan na sina Dylan, Ethan, at Giac.
Hilario did not want his son to grow up too fast. Minsan nga ay nasabi niya sa akin noong nabubuhay pa siya na ang pinakamalaking achievement na natamo niya sa buhay niya ay ang pagkakataong makitang tumatawa ang anak niya.
Kung buhay pa marahil ang anak ko, labis siyang magdadalamhati kung makikita niya si Hisoka ngayon. Pagkatapos ng trahedya, nagsimulang maging seryoso si Hisoka sa lahat ng bagay—sa pag-aaral, sa mga aktibidad at sports na sinasalihan niya, at sa pakikitungo niya sa ibang tao. Naging maingat ang mga kilos at galaw niya na parang isang robot. Tila takot na siyang mawalan ng kontrol sa emosyon niya.
But the important thing was that he survived. The same way he survived Hitomi's cold, controlling, and cruel family.
Sa umpisa pa lang ay hindi na boto ang mga Kudo kay Hilario para mapangasawa ni Hitomi. May ibang nobyong Hapones si Hitomi bago nito nakilala ang aking si Hilario. Ngunit nang mabiyuda si Hitomi ay pinakasalan din nito ang dating nobyong iyon. Sa malas, kay Hisoka ibinunton ng lalaki ang galit at selos nito noon kay Hilario. Kung kaya't lumaki ang kawawa kong apo sa ilalim ng estrikto at malupit nitong kamay.
Kung sana ay maaga kong natuklasan ang pinaggagagawa kay Hisoka ng pamilya at pangalawang asawa ni Hitomi, maaga ko sana siyang nabawi sa poder nila. Pagkatapos kunin ng mga Kudo sa poder ko sina Hitomi at Hisoka pagkamatay ng aking anak, bibihira na lamang nila kaming payagan ng aking esposang si Salome na makita ang aming manugang at apo. Kaya wala kaming kaalam-alam na bine-brainwash na nila ang mag-ina laban sa amin.
But it is too late for regrets now. Ipinagpa-pasalamat ko na lamang na matatag ang loob at matibay ang isip ng aking apo. At batid kong sa akin niya namana ang mga katangiang iyon. At ang mga katangiang iyon ang nagsasabi sa akin na kakayanin niyang magtagal sa isang uninhabited na isla o masukal na gubat nang walang sinumang kasama o inaasahan. Kakayanin niyang mag-isa habang-buhay.
But it is not because he was trained in combat like Flynn and Ethan. Or that he knows how to survive in the wild like Ravin, Irvine, or Zrael. Iyon ay dahil tila nakasanayan na niyang maiwan siyang mag-isa.
Even the sharks who are out to get him in the flashy and deceptive world he lives in as a hotel and casino owner in various parts of the world are scared of him. At iyon ay hindi lang dahil sa reputasyon niya bilang isang katunggali na mahirap gapiin o sa reputasyon bilang malupit na kaaway.
He does not give second chances. Mabibilang sa mga daliri sa isang kamay ang may lakas-loob na kalabanin siya.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko mapa-payagang mangyari na patuloy siyang mamuhay nang mag-isa. I failed him when he was a kid. But not anymore. Titiyakin ko ngayon na makakamtan niya ang kaligayahang matagal nang dapat napasakanya.
BINABASA MO ANG
ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOU
RomantikI'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grandson Hisoka. There are three things that are absolutely important to Hisoka: Hisoka, Hisoka, and Hisok...