Part 1

4 1 0
                                    

 Ilang araw na akong palaboy-laboy sa lugar kung saan walang kasiguraduhang may makikita akong pagkain o kahit ano manlang kagamitang maaaring gamitin para makasurvive  laban sa mga buhay na naging patay. Hindi ko malaman kung ano ang itawag ko sa kanila . malamig na bangkay na lumalakad? tao na mabagal lumakad? o pwede ring tao na  fans ni R sa warm bodies.  

Basta sa pagkakatanda ko , nagising na lamang ako sa ungol na hindi ko mawari kung saan nanggaling. Bumangon ako sa higaan at pumunta sa kusina at nagulat na lamang ako ng makita ko si kuya na nakahiga sa sahig pinoprotektahan ang saarili laban sa kung sino mang sumasalakay sa kanya. Umuungol ang taong iyon. Akmang tutulungan ko na sana si kuya nang...

"Eya diyan kalang wag kang lalapit" pagbanta sa akin ni kuya.

"kuya bakit?"

nagulat na lamang ako ng tumingin sa akin ang sumasalakay kay kuya at umungol ng nakakahindik balahibo. nagulat ako sa mukha niya .puro dugo at may ilan pang balat ng mukha niya ang nakalaylay.... Shocksss...

so siya pala ang umuungol na narinig ko kanina huh? napatawa ako  bigla.

"hahaha... anong pakulo na naman 'to kuya . halloween na ba ngayon?, aba ang aga naman yata ng costume mo kuya." akmang lalapit na sana ako ng bigla akong sinugod ng naka costume..

 "rrrrr..." 

hindi ako makapagsalita .  nakakatakot ang isang 'to . para bang isa siyang Zombie. 

"Eya , tumakbo ka na" sigaw sa akin ni kuya. Tatakbo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Sinubukan ko namang galawin ang aking mga braso upang abutin sana ang vase sa aking kanan para protection sa papalapit na nilalang na ito ngunit pati yung braso ko ay tila naging bato rin.

Tiningnan ko si kuya , marahil ay ito na ang huling oras ng panantili ko sa mundong ito, kukunin na ako ni lord. Amen.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang zombie na kainin ako kagaya ng napapanood ko sa tv.  Narinig ko pang kumakain na ang zombie at may talsik pa ng dugo akong narinig 'eto na , eto na ang aking wakas.

Good bye Philippines.

Iniwagayway ko pa nga Ang aking kamay para ipahayag Ang aking pamamaalam ngunit
 napatigil ako  nang mapansin kung wala namang masakit sa aking katawan ang inaasahan kung dugo na umaagos na sa aking paanan ay wala rin. teka kung wala akong sugat o kagat .sino? Saan nanggaling Ang aking mga narinig kanina?dahan dahan kung binuksan ang aking mata

( - _  0)

(0 _ - )

( 0 _ 0 )

"Kuya?!!!"

shett.... si kuya nga . "baki .. bakit ikaw kuya?" namamos kung saad kay kuya .. napapaiyak na rin ako.

"shhh.. tumakbo ka na Eya. takbo na bilis."

"pero kuya hindi ko kayang iwan ka" umiiyak na ko... nakikita ko ang brutal na paglapa sa kanya ng zombie pero naiinis ako dahil wala akong magawa para iligtas si kuya.. bato pa rin ang katawan ko pero may gana pa akong mag salita. 

"tumakbo ka na Eya." maawtoridad na saad sa akin ni kuya. namimilog na ang kanyang mga mata. dahil doon nabuhayan ang paa at kamay ko.

pinahid ko  ang aking mga luha saka nagsimulang   maglakad. ako dapat ang nasa katayuan ni kuya . ako dapat ang nilalapa at hindi siya.

"f*ck. EYa tumakbo ka na bilis."

"kuya hindi ko kaya . dadalhin kita sa hospital .. magagamot pa natin yang mga sugat mo .. saka saan ba galing ang pesteng nilalang na ito?" tukoy ko sa zombie.

bigla naman nilingon ako ng zombie saka sasalakayin niya sana ako ng bigla nalang may narinig akong putok ng baril. liningon ko kung saan nanggalong iyon at nakita ko si Brandon. isa sa mga kaibigan ni kuya. lumapit siya kay kuya ng masigurong patay na ang zombie.

"pare, ayos ka lang?"

"tss... nagbibiro ka ba pare kita mo naman akong gutay gutay magtatanong ka pa?"

"siraulo ka rin eh no? gutay gutay ka rin may gana ka pang magsalita."

"tss... (cough Cough ) ano bang nangyari pare.?"

"yan nga rin ang hindi ko maintindihan eh. lahat ng tao sa bayan naging ganyan.  basta ang sigurado lang ang ay magulo na ang pilipinas ngayon o baka buong mundo na rin. " nagulat ako sa balita ni brandon, ibig sabihin nito totoo nga na zombie ang nilalang na ito, napatakip lang ako sa aking bibig. Hindi ko maabsorb ang balita, naguguluhan pa rin ako, paano nangyari yun? nakatitig lang ako kay kuya na naghahabol hininga na.

" (cough ... tss .. brandon si Eya .. ikaw na ang bahala kay eya,"

"huwag kang mag-alala pare ako na ang bahala sa kapatid mo."

napaismid ako sa sinabi ni kuya.
" anong ikaw na ang bahala na pinagsasabi mo diyan kuya, hoy kung inaakala mong makakatakas ka sa akin .. pwes Hindi may responsibilidad ka pa sa akin  no' palalakihin mo pa ako ng maganda at ipagtatanggol mo pa ako sa mang-aapi  sa akin . kaya bumangon ka ana diyan " mukha akong timang sa pinagsasabi ko . napapaiyak na rin ako. ang sakit sakit lang. alam ko naman na wala n g pag asa si kuya eh. alam ko naman na hanggnag dito lamang siya . na magiging infected rin siya katulad ng kumagat sa kanya. paano ba nakapasok yang zombie na yan sa bahay namin? tss.. 

naghihintay ako sa response ni kuya pero nakangiti na lumuluha lamang siyang nakatingin sa aming dalawa ni brandon. 

"sige na Brandon , umalis na kayo dito." 

yumuko na si Brandon saka hinawakan ang aking braso. "tara na Eya " 

"hindi , ikaw ang umalis brandon dito lang ako. " mangiyak ngiyak kung sabi sa kanya. 

"Eya wag ng matigas ang ulo, brandon sige na." sabi ni kuya.

nagpapadyak na ako. pinilit ko kumapit sa pintuan habang karga karga ni brandon .. ayoko .. ayokong  iwan si kuya . kung mamamtay man ako gusto kong kasama siya. pero malakas talaga si brandon. umiiyak lang ako habang sinasakay niya sa kanyang sasakyan. 

"maaayos din ang lahat Eya." yun lamang ang huli kong narinig na salita mula kay brandon bago tuluyang mawalan ako ng malay.

Zombie Tale  (Hope for the People)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon