"Eya gising." ...
Dahan dahan Kong binuksan Ang aking mga Mata. Nakita ko si Brandon na nakatitig lang sa akin habang ginigising ako.
Tinanaw ko ang paligid ."Gabi na pala.."Sabi ko Kay Brandon napasapo ako sa ulo ko saka umagos Ng upo.
"Ah .oo .. gutom ka na ba Eya... May pagkain diyan sa likod o." Sabi Ni Brandon ...
Mag kaedad Lang si kuya at Brandon pero Hindi ko siya kinukuya.. eh nakasanayan na namin eh... Palagi Kasi niya akong tinutukso . 10 years na kaming magkakakilala niyan. May bigla akong naisip habang kumukuha ng makakain.
"Saan na nga pala yung girlfriend mo Brandon "
Ngumisi muna siya bago sumagot
"Bakit mo Naman natanong?" Tugon niya
"Eh. Kasi alam mo yun sa mga oras na ito siya dapat ang inuuna mo kaysa sa amin ni kuya." Totoo Naman eh .. wala ring mga magulag si Brandon katulad namin ni kuya, dapat yung girlfriend niya lang muna ang uunahin niya bago kami. ..
Biglang nag preno Yung sasakyan.
"Tss... Wala ka talagang Alam Eya eh no?"Naguluhan ako sa sagot Niya..
"Anong ibig mong sabihin?""Wala akong girlfriend." Seryosong saad niya sa akin. Habang nakatingin ng diritsa sa akin .... Tila may gusto pa siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi .
"Okay" tanging sagot ko nalang.
Sa kalagitnaan pa rin kami ng daan ng may nakita kami pulutong ng mga zombies...
"Brandon" tanging sabi ko nalang.
Pinapakalma ko ang aking mga kamay pero Hindi ko magawa ... Marahil ay nasa state of fear na naman ako.
Hinawakan ni Brandon ang nanginginig kong mga kamay saka sinabing
"Shhhh ...akong bahala sayo "
Pinahinto ni Brandon ang sasakyan bago siya lumabas dala ang baril.
*Bang.* Pumutok iyon at natamaan ang isang zombie sa dibdib... Laking gulat ko ng bumangon ulit Ito at ang iba naman niyang kasama ay mabilis na tinungo ang aming direksiyon... Anong nangyari? Bakit kanina lang eh kalat kalat sila at hindi kami napansin bakit ngayon eh nagiba ang awra nila.
Mas naging agresibo na.
"Shet. ".. narinig ko si Brandon na nagmura
"Brandon patamaan mo sa ulo!" Sigaw ko sa kanya, bigla ko kasing naisip yung napanuod ko sa walking dead yung dapat sa utak magkaroon ng damage para mapatay ang mga patay .
Tumango naman si Brandon na mukhang nalaman ang iniisip ko. Sunod sunod niyang binaril ang mga yon.bullseye lahat. Sa isang iglap ubos na sila...
Napanganga ako na lumabas sa kotse
"Wow, paano mo sila naubos?"
Sa halip na sagutin niya ako Kumindat lamang siya... Tsk yabang!
"Sakay na." Sabi niya sa akin.
"Opo boss " naka pout Lang ako na pumasok sa kotse...
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
Tiningnan niya lang ako saka ngumisi ulit .
"Sa malayong kabihasnan" sagot niya sabay ngisi .
"Pwede ba, magseryoso ka naman ?"
"Seryoso naman ako ah." Tsk pilosopo talaga.
Sa halip na sumagot tinarayan ko lamang siya.
"Okay okayz, Eto na nga mag seseryoso na. Pupunta tayo sa probinsiya, sa panggasinan, narinig ko kanina sa radyo may mga nakasurvive daw doon. Ang grupo ni Sid, may 10 daw sila doon at open sila sa lahat ng survivors . May mga kagamitan sila, mga baril at pagkain. Makakasurvive tayo don Andrea ."
"At naniwala ka naman ? Brandon sa panahon ngayon hindi na dapat tayo naniniwala sa kung sino-sino." Tugon ko sa kanya.
"I know Andrea ... Pero wala tayong ibang choice.,"
"Walang choice? We have choice Brandon we can live without them!"
Nagsisigaw na ako sa kotse. Nakikita ko na rin na nagtitimpi rin si Brandon ."Yeah without them, alright, Ikaw ang masusunod princess... " Nagulat ako sa tugo ni Brandon, Tumingin siya sa akin ng diretso sa mata, saka iniliko ang kotse. Princess? Nang-uuyam ka ba?
"We're heading west, Doon may lumang bahay kami. Doon Tayo magsisimula" Sabi Niya sa akin
Biglang lumuwag ang hininga ko... Buti naman at nakinig siya sa akin. Sana tama ako. Hindi dapat maniwala sa sinumang Sid na narinig niya sa radyo na Yun...
'we can live together '
yeah I'm sure we can!
BINABASA MO ANG
Zombie Tale (Hope for the People)
HumorThis is a story where you can find hope despite of challenges between the human and a zombies. Eya believes that she is not alone in this cruel world. That aside from the dead that she used to live with, there are still people that hoping to surviv...