Simula palang may kutob na ako
Di akalaing msgkakatotoo
Ngiting iniwan lang sa mga litrato
Kilala pero sino nga ba kayo?
Mga taong di kaya magseryoso
Ayaw ko itong bahiran ng galit
Pero ang ginawa ay sobrang lupit
Sana'y alam niyo ang aming sinapit
Hanggang ngayon nandito pa ang sakit
Mga alaala'y tila nawaglit
Ito'y nakakalungkot kung isipin
Na para bang kadugo kung tratuhin
Tas nagawa niyo pa kaming lokohin
Pinaagos pa nga ang luha namin
'Bat di niyo pa magawang intindihin
Napakahirap limutin ang lahat
Para bang napakalalim ang kagat
Dumidiin ang sakit lagpas balat
Sanhi ito ng sariwa na sugat
Sa katotohanan ako'y namulat
Ingatan ang inyong mga sarili
Sapagkat iba ang inyong ugali
Wag niyong ulitin ang pagkakamali
Pangarap ko'y, di na kayo kasali
Balewala na inyong pagsisisi
YOU ARE READING
POM POEMS
PoetryFeelings turned into words; squeezed from experiences (FINISHED since these were the thoughts from my young mind)
