Isang linggo na ang lumipas. Ngayon ko na malalaman ang results ko. Kung naka-pasa ba ako o hindi. Kalma lang, Belle.
'Pika, pika, ACHOOO---'
"Hello?" Bati ko.
"Kiara." I could practically hear his smile. I smiled as I reminisced the moments I spent with my bestfriend.
"Aaron! Kamusta ka na?"
"Miss na kita, abno kong bestfriend,"
This guy is Aaron Xyler Edward Mendoza, ang boy bestfriend ko. Haba ng name 'no? Nagrereklamo na nga ako e. Ringtone ko sa'kanya e 'pika pika achoo' kasi mahilig sya sa pokemons noon lalo na kay Pikachu kaya 'yan pang-asar namin kay Sharina sa'kanya. Haha.
"Uy. Dyan ka pa ba?"
"Ah oo... Ano? Ok ba dyan sa California?"
"Oo. Ang ganda dito... pero mas maganda ka pa'rin..."
Ano daw??? May binulong sya pero di ko narinig :< saklap.
"Ano yun?"
"Ah wala. Ano... May boyfriend ka na ba?"
"Luh. Wala pa 'no! Baka di na nga ako mag-mahal neto eh... Hay bwisit na ugok yun! Sinara ko na ang puso ko... May tatlong lock pa! Hahahahaha... Natatakot na rin kasi ako ma-inlove eh... Baka masaktan rin ako.." biro ko.
"Kiara... Hindi naman masama buksan ulit ang puso mo eh... 2 years na ang nakakalipas. Limutin mo na sya. Mag-move on ka na," feeling ko talaga e naging love guru na 'to 'dun sa Cali e. Pero, shh lang ah? Noon kasi, tinawag ko siyang 'Cupid ng Cali' e binabaan ako ng tawag! 'Di rin nya pinansin calls, texts at messenger and viber messagss ko sa'kanya!
"'Di ko pa kaya... Saya kasi nung kami pa... Ang saya saya ko... Kaya nga kung magmamahal ka ng playboy, parang ferris wheel lang... 'Kala mo pinapasaya ka talaga, eh yun pala pinapa-ikot ikot ka lang pala... Hayst.." pagdradrama ko pa.
"Hala! Hugot queen ka na pala, Ara?" I heard him laugh. Umirap naman ako. Buang talaga 'to e. Seryoso na ako 'nun! Sisirain pa nya pag-eemo ko.
"Psh... May girlfriend ka na ba dyan?"
"Wala pa eh... Pero may na-meet na ako. Maganda naman. Blonde, blue eyes, mga ganun, tas parang gusto nya rin ako. Pero 'di pa ako sure eh," he started to murmur.
"E tanga ka pala! Anong di ka pa sure? Sya na ang girl of your dreams, ano ka ba! Ipasayo mo na baka may umagaw pa!" I ranted at him.
"Eh? Pagod na ko, Ara. Bukas, video call tayo, okay?" He said, out of the blue.
"Sir, yes, sir!" I laughed at my own jokeand stopped when I heard nothing from the other line. Okaay, ako na ang weirdo.
"Tsk. Baliw parin ang bestfriend ko... Hayyy.. Kailan ka kaya mag-babago?" He chuckled.
"Whatever. Geh na. Bye, pikatsu!"
"Sabi ko wag mo na kong tawaging pikachu! Whatever. Geh na, bye."
Tas pinatay ko na. Sarap asarin nung bespren kong 'yun. I was walking mindlessly around the neighborhood, hoping for some fresh air, pero ang nalanghap ko lang e usok sa barbecue stand nila Aling Esmeralda, itim na usok din mula sa ilang mga gagong driver ng jeep, mga hatsing din mula sa sa asawa ni Kuya Lance na si Ate Odette, mga kapit-bahay namin na mag-asawa. Mukhan may sakit si Ate, ah.Sila lang ka-close ko kasi sila lang din 'yung mababait at hindi chismoso/a and hindi rin plastic o fake. Sheyr kue leng, baket ba? Joke, share ko lang pala. Hehe. Wait, naalala ko 'tong 'scene' na 'to ah. 'Yung commercial! Ano, commercial ng safeguard! 'Yung hanginfection, ganern. Aluh, uuwi na ba ako para mag-safeguard? 'Di to sponsored, hehe. I gave a smile to Ate Odette and was about to greet her when I felt my phone vibrate.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl [DISCONTINUED]
Novela JuvenilShe's That Crazy Girl. And, they all love her for that same reason. -newbie author here, so expect some grammar and spelling mistakes. don't hesitate to point out my mistakes tho! thank you. much luvv ♥