"Siguro"

70 3 0
                                    

Siguro, hindi tayo para sa isa't-isa.

Siguro, kung hindi mo lang ako sinaktan masaya pa sana tayo ngayon.

Siguro, nakatadhana na talagang masaktan tayo dahil pinaglaruan tayo.

Siguro, hindi maganda ang pagtatagpo natin.kaya nasaktan lang tayong dalawa.

Siguro, kung hindi mali ang sitwasyon tayo pa rin hanggang dulo.

Siguro, sawa ka na sa akin kaya ayaw mo na.

Siguro, may mas deserving pa sa akin.

Siguro, hindi sapat ang pagmamahal na binigay ko sayo kaya bumitaw ka na.

Siguro, worth it sya kaya ipinagpalit mo ako sa kanya.

Siguro, nasakanya na ang lahat at eto ako walang panama sa kanya.

Siguro, kung hindi ka nagsawa sa akin siguro nasa tabi pa rin kita ngayon.

Siguro, kung maganda lang ang pagkikita natin noon tayo pa rin hanggang dulo.

Siguro, kung hindi mo siya nakilala ako pa rin sana.

Siguro, ayaw mo na ng puso mo sa akin kasi sa kanya na tumibok eh.

Siguro, kung mahal pa natin ang isa't-isa hanggang ngayon anniversary natin ngayon.

Siguro, ang saya na natin ngayon kung hindi siya dumating sa buhay mo.

Siguro, kung hindi napunta ang attensyon mo sa kanya nasa akin ka pa rin.

Siguro, wala talagang ikaw at ako.

Siguro, kung hindi mo ako iniwan ikaw ang pinakamasayang lalaki sa mundong ito dahil palagi kang sasaya sa piling ko.

Siguro, para kayo sa isa't-isa.

Siguro, kung hindi ako naging busy sana nabantayan kita.

Siguro, pagdating ng panahon magiging okay na ako maka-kalimutan ko na lahat ng sakit.

Siguro, HANGGANG DITO NALANG💔






Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now