NAKANGITI ang labing-isang taong gulang na si Jean habang kipkip sa dibdib ang brown envelope na naglalaman ng mga natapos niyang Valentines Cards. Iyon ang activity nila kahapon sa Art Class at nang araw na iyon ang pasahan ng mga iyon.
Ang sabi ng guro nila ay maaari silang gumawa ng kahit ilang card na naisin nila depende syempre sa pagbibigyan niyon. At tatlong valentines card ang nagawa niyang tapusin. Ang dalawa doon ay para sa parents niya samantalang ang isa ay para kay Apollo.
Sa pagkakaalala sa batang lalaki ay lumipad sandal ang tingin niya rito. Abala si Apollo sa kung anumang sinusulat nito sa notebook nito at di alintana ang bahagyang ingay na likha ng kanilang mga kamag-aral. Pupusta siyang nagdu-drawing na naman ito. Iyon kasi ang madalas nitong gawin sa tuwing nabu-bore ito. At ganito ngang wala pa silang guro ay iyon marahil ang pinagkakaabalahan nito.
Kapitbahay nila ang pamilya ni Apollo at kaibigan ng mga magulang nito ang mga magulang niya kaya naman maging sila ay naging magkaibigan na rin nito. She has the privilege of talking to him even though he was normally very aloof to everybody else in the class. Kaya nga hindi na rin niya naiwasang humanga rito. And the proof of that was the valentine's card she especially made for him.
Wala naman sa plano niya ang ibigay iyon rito. Natuwa lang siya sa paggawa at dahil nga inaamin naman niyang crush niya ito ay naisama na ito sa ginawan niya ng card. Pagkatapos iyong ma-check-an ng guro nila ay malamang na itatago lang naman niya iyon. Gayunpaman ay natuwa pa rin siya sa natapos. Ibinuhos niya ang lahat ng makakaya niya para sa card na iyon.
Nang sa wakas ay dumating ang guro nila ay ipinapasa na nito ang mga cards na natapos nila. Isa isa iyong binuklat ng guro bago maingat na ibinalik sa envelope na pinagkuhanan habang tahimik namang nakamasid dito ang buong klase.
Nang matapos ito sa ginagawa ay iniabot nito ang lahat ng envelope sa isa nilang kamag-aral at ipina-distribute iyon sa may-ari ng bawat envelope. All of the cards were given back to their owner, except one. Naiwan iyong hawak ng guro nila. At nakikilala ni Jean ang nag-iisang valentines card na iyon.
"Okay, Class." Kasabay ng pagtawag na iyon sa atensiyon nila ng kanilang guro ay ang paglunok naman niya. Anong ginagawa ng card niya sa kamay ng kanyang guro?
Palihim niyang ininspeksiyon ang laman ng envelope niya at nakagat ang pang-ibabang labi nang makumpirmang dadalawang card na lang ang laman niyon. And when she checked the names, she became even more nervous. Wala ang card na nakapangalan kay Apollo!
Alanganing ibinalik niya ang tingin sa kanila ng guro. Nakangiti ito habang inililibot ang tingin sa kanilang klase.
"Hawak ko sa kamay ko ngayon ang isang valentine's card na nakalaan para sa isa sa inyo." Kasunod ng sinabing iyon ng guro nila ay ang pagkakaingay ng klase. Lahat ay biglang nabuhayan sa narinig mula sa guro habang siya ay gusto na lamang lumubog sa kinauupuan. "Apollo, may nagpapabigay sa'yo." sabi ng guro bago nakangiting iniabot ang card kay Apollo.
Napalunok siya nang kunot-noong tumayo si Apollo at tinanggap ang card. Makikilala kaya ng lalaki ang sulat-kamay niya? Patay siya!
Handa na sana siyang lisanin ang classroom nang marinig niyang magkomento ang isa pa nilang kamag-aral.
"Diane, sa'yo galing 'yon noh, ayiih!" pang-aasar ng isa nilang kaklase kasunod ng pagkakaingay na naman. They were pointing at Diane, ang kaklase nilang vocal sa pagkaka-crush nito kay apollo.
"Hindi ako yun!" namumula ang mga pisnging sabi ni Diane bagaman hindi naman iyon nakapigil sa mga kaklase niya.
Hindi man niya nagustuhan na tinutukso si Apollo sa iba ay hindi na siya umimik. Wala siyang balak maasar ng buong klase ano!
Saglit na bumaling ang tingin niya kay Apollo. Walang anumang bumalik ito sa upuan nito habang nagkakaingay pa rin. Balewala lamang rito na inaakusahan na nang buong kalse si Diane na siyang gumawa ng card na iyon. Sa ginawa niyon ay lihim siyang napangiti.
Babasahin kaya nito ang card o itatapon lang nito iyon kung saan? Kung malalaman kaya nitong sa kanya iyon galing ay babasahin nito iyon?
UWIAN na at dala pa rin niya ang isiping maaaring hindi man lang binasa ni Apollo ang card na ginawa niya. Oo nga at maaaring iniisip nito na si Diane talaga ang nagbigay ng card na iyon ngunit masakit din palang isipin na maaring hindi napagtuunan ng pansin ang card na ginawa niya.
Huminga ng malalim si Jean bago tuluyang lumabas ng classroom ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may kamay nang lumapat sa tuktok ng ulo niya. Agad niyang nilingon ang may-ari niyon para lamang matulala na lamang doon.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Apollo habang nakalapat pa rin ang kamay sa ulo niya.
"U-uuwi na." nagawa niyang isagot dito.
"Nang hindi ako kasama?"
"K-kaya ko namang umuwi mag-isa." sabi niya saka yumuko. Para siyang nagi-guilty na naiilang na hindi niya maintindihan.
"What's with you?" walang anuman namang sabi nito saka kinusot ang buhok niya. "tara na nga! Babasahin ko pa ang card na iyon pagdating sa bahay eh!"
Awtomatikong napaangat ang tingin niya rito. Bumungad ang magandang ngiti nito sa kanya.
"B-babasahin mo?"
"Of course! Galing iyon sa'yo eh!"
"Pano mo...?"
"Pano ko nalaman? Eh ikaw lang naman ang mahilig gumawa ng mga corny na bagay eh." nakangising sagot nito na ikinapula ng mga pisngi niya.
"A-akin na nga yung card!" nahihiya ngunit bahagya ding naiinis na sabi niya.
"At bakit?"
"Sabi mo corny! Ibalik mo na sa'kin tutal ayaw mo naman eh!" waring batang nagmamaktol na sabi niya.
"Oo corny. But I did not say I don't like it." sagot nito na nagpatigil sa kanya. Kung ganoon ba ay nagustuhan nito iyon? "Umuwi na nga tayo!" sabi nito saka nagpatiuna nang maglakad ngunit nakakailang hakbang pa lang ito ay tumigil ito at waring may nalimutan na bumalik sa harap niya.
"Bakit--- aw!" daing niya nang basta na lamang nitong pisilin ang ilong niya. "Bakit mo ginawa 'yon?"
"Wala lang. trip." nakangising sabi nito sa kanya saka tumakbo na.
"Hoy bumalik ka rito! Hindi pa 'konakakaganti sayo!" sigaw niya at humabol na rito habang nakaukit ang ngitisa mga labi.
BINABASA MO ANG
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang m...