BAHAGYANG iniawang ni Jean ang gate ng bahay nila sapat upang masilip niya ang kabilang bahay. Napangiti siya nang saktong bumukas naman ang gate ng bahay na iyon at lumabas ang pinakamaganda na yatang tanawing nakita niya.
Apollo was just wearing a shirt and a pair of shorts but he still looked like he was just stripped out of a fashion magazine. Gwapo naman na ito noong bago pa man sila magkahiwalay but the years made him a lot more ravishing than he was before. At ang aga aga ay pinagpapantasyahan na niya ito.
Nagsimula itong tumakbo. Nang bahagyang makalayo ito ay saka naman siya lumabas ng bahay at tumakbo rin sa direksiyong tinahak ni Apollo. Mabagal ang takbo nito kumpara sa pagtakbo niyang bahagya niyang binilisan upang mahabol ito kaya naman ilang sandali pa ay kasabay na niya itong tumatakbo.
Saglit pa lamang silang nagkakasabay ay huminto na ito at kunot-noong ibinaling ang tingin sa kanya. Kung nakamamatay lamang ang tingin, malamang ay bulagta na siya sa sahig. Alam naman niyang galit ito sa kanya ngunit wala siyang balak na sukuan ito. Bahala itong maburyong sa kanya ngayon.
"I thought I told you I never wanted to see you again?" bungad nito habang kunot pa rin ang noo.
Tumikhim siya upang patatagin ang sarili at pahupain ang kaba sa dibdib.
"Yeah, you did." Nakahinga siya ng malalim nang magawa niyang makasagot nang matino.
"Kung ga'non, anong ginagawa mo rito?"
"Jogging."
"Dito?" tanong muli nito na para bang gustong gusto na siyang tirisin.
"Oo, dito. The last time I checked, hindi naman bawal mag-jogging ang mga taga-rito." Sagot niya rin dito."At taga-rito naman ako."
Tinignan lamang siya nito nang matagal. Nang waring sumuko na sa pakikipagdiskusyon sa kanya ay umiling na lamang ito saka tumakbo nang muli.
Lihim namang napangiti siya. At least he talked to her. It was a good start for her. For them.
Sumunod din muli siya rito ngunit hindi na siya sumabay pa rito. She has known better than to challenge his temper more. Baka kasi may marinig na naman siyang masakit mula dito. Naiintidihan niya ito ngunit nasasaktan pa rin naman siya kaya naman nakuntento na lamang siya sa pagtanaw sa likod nito. Isa pa, mas mabuti na iyon kaysa noong malayo siya rito. Litrato lang kasi nito ang kaulayaw niya sa tuwing nami-miss niya ito noon.
Pabalik na sila sa block nila nang maramdaman niya ang bahagyang paninikip ng dibdib niya. Napagod yata siya sa pagtakbo. Hindi nga pala niya alam kung okay lang na mag-exercise siya. Did she force herself too much?
Napatigil siya sa gitna ng kalsada at nasapo ang dibdib saka marahang minasahe iyon. Unti-unti nang umaayos ang pakiramdam niya nang marinig niya ang paparating na motor. Nang malingunan niya iyon ay ilang metro na lamang ang layo niyon sa kanya. Napapikit na lamang siya at hinintay ang pagsalpok niyon sa katawan niya nang maramdaman niya ang marahas na pagkabig sa kanya. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa. Pero nakakaramdam siya ng bigat. Na para bang may kung anong bagay na nakadagan sa kanya.
"Nagpapakamatay ka ba?" ang galit na boses na narinig niya maya-maya.
Correction. SOMEONE was on top of her.
Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata at ilang beses na pumikit-pikit. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi nawala ang aparisyong ilang dipa lamang ang layo ng mukha sa mukha niya.
"A-apollo..."
Parang nais niyang magtatalon sa tuwa kung hindi lamang nakadagan ito sa kanya. Ang akala niya ay iniwan na siya nito roon dahil nauuna naman ito sa pagtakbo at ni hindi siya nito nilingon. Ngunit ngayon ay kasama niya ito. At ito pa mismo ang nagligtas sa kanya!
BINABASA MO ANG
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published)
Romance"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang m...