Chapter 1

56 6 23
                                    

Third Person's POV

"Pre may exam daw kay Maam Cariñosa"  sabi ng kaibigan ni Charlie sa kanya.

Si Charlie ay isang matalino, gwapo at mabait sa kanilang eskwelahan. Siya ay anak ng isang tanyag na enhinyero at kilalang consistent honor student sa ITC kung kaya't kilala din sya sa kanilang paaralan.

Para manguna si Charlie sa kanyang klase sadyang subsob at nagsusunog ito ng kilay sa kanyang pag aaral. Hindi mo sya makikitang nagsasayang ng oras sa phone games at phone apps. Kaya nga tila ginawa na syang role model sa eskwelahan nila. Hindi mo sya masasabi na DOTA is life o MOBA is life.

Sa edad nyang labing walong taong gulang ibang iba sya sa mga millenials kung mapapansin.

"Pre may assignment kana?" tanong ng kaibigan ni Charlie na si Paul. "Ah oo ginawa ko na kagabi. Ikaw?" pabalik niyang tanong sa kaibigan

"Haha. Oo tingnan mo".pagmamayabang ng kaibigan ni Charlie. Medyo nagulat si Charlie dahil kilala si Paul na palakopya at tamad gumawa ng mga takdang aralin. "Wow! Parang bago na may assignment ka. Patingin nga"

Inabot ni Paul ang assignment niya. Nung una ay parang bilib si Charlie sa kanya pero kalaunan tila napansin niyang masyadong komplikado ang assignment na nagawa nito. Hindi ito ang uri ng estudyante si Paul. "Elibs kana sakin pre?" nakakatawang sabi ni Paul. "Haha copy paste! Pre bibilib na sana ako pero pre halatang copy paste" sabi ni Charlie sa kanya. "Pre, wag kana magmalinis. Jusko alam ko naman na nagcocopy paste ka din" .sabi ni Paul na pabulong sabay ngisi.

"Copy paste?? No I've done my research pre kaya bat ko gagawin yun? I better use my brain pre kesa mag copy paste" confident na sabi ni Charlie kay Paul. "You're not fun at all pre. Use my brain?? Pre I use my brain for fun. Hahaha tsaka copy paste much easier kasi para san pa ang wiki kiba?" sabi ni Paul kay Charlie

Medyo nagtaka at di nya maintindihan dahil madalas paraphrasing ang gamit nya. So as expected sa lahat ng quiz niya that day is he top each of it.

Paglabas niya nakasalubong nya ang iba niyang mga kaibigan. They all go sa labas sa tambayan nila. Habang hawak hawak ang libro patuloy siyang nagbasa pero napansin niya tila ang saya saya at ang ingay ng mga barkada niya.

"Ta*na pre yung top sira na" sabi ni Brent isa sa barkada niya. "Hoyy si Akai bantayan nyo" sabi naman ni Wendell.

Takang taka si Charlie kung ano ang top at sino si Akai? Curiosity kills nga kaya lumapit siya para tingnan ito. Sinubukan nya ring magtanong. "Pre ano yan?" tanong nya sa mga barkada nya. Pero walang sumagot sa kanya.

"Push na." sabi ni Paul. "Hayuff yung Eudora natin afk ata" sabi ni Wendell.

Matalino si Charlie ngunit di niya kilala si Eudora o kahit si Akai. Litong lito siya. Sinubukan niya magbasa ulit ngunit nanaig ang ingay ng barkada.

"Whoaa victory! Ta*na kala ko epic comeback pa" sabi ni Wendell. "One game pa". pag aaya pa ni Paul. "Hey, may quiz tayo bukas. Midterm na natin--" paputol na sabi ni Charlie. "Pre chill, relax ka lang. Akin na nga yang phone no pre" sabi ni Brent.

Medyo nagtaka pero binigay din ni Charlie ang phone niya kay Brent. "Yan pinasahan na kita ng Mobile Legends. Rara na laro na" aya ni Wendell.

"Sorry pre, I don't play". pagtanggi nyang sabi. "Sus dali na, try mo lang. Isasali ka sana namin kaso bobo ka pa kaya palakas ka muna hahaha" sabi ni Paul

Medyo nainis si Charlie. Why? Kasi he didn't want to be called as bobo. Wala namang mawawala kung subukan niya since alam na nga daw nya ang exam tomorrow.

Tinanong nya sa barkada kung anong mechanics ng laro at tinuruan naman sya ng mga ito. Nang makuha nya ito ng paonti onti ay sinubukan na nya itong laruin hanggang sa he played and played and played.

Gusot sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon