Chapter 2

36 2 14
                                    


Lumipas ng dalawang linggo at kung tila baguhan lamang noon si Charlie ngayon ay di na biro ang ranggo niya sa Moba.

"Pre, may assignment kana?" tanong ni Paul. "Mamaya na pre yung top sira na kasi". sabi ni Charlie.

"Uy anong top ka dyan loko sa katapusan na, midterm na natin tama na yan". sabi ni Paul. "Chill, kaya ko yan hahaha" sambit naman ni Charlie. Napakamot ulo nalang si Paul at umalis para gumawa ng assignment sa calculus.

At tila di nagpaawat si Charlie sa paglalaro pagkatapos maglaro ay naglaro uli siya at naglaro uli hangang malowbat na ang cellphone niya. "Takte naman oh. lowbat na! Isang star na lang legend na." bulalas ng binata. Sinaksak na niya ang phone sa powerbank na dala nya.

Siguro simula nung natuto siya mag ML ay malimit mo na lang sya makita na binitawan nya ang phone nya. Tatayo na sana sya ng biglang dumating ang teacher nila kaya umupo na lang uli siya.

Nagdiscuss, nagturo at nagpaliwanag ang teacher nila tungkol sa kanilang aralin. Nang patapos na ito sa pagtuturo ay biglang pinalabas ng kanilang teacher ang research sana nila. "Bring out your assignment. I will check it. I highly disregard copy pasting". sabi ng teacher nila.

Kompartable naman si Charlie dahil syempre may assignment siya. Ang kaso lang ay nagcopy paste siya. Sa isip isip ni Charlie ay sana di ito mapansin ng teacher niya.

Sa isip niya di naman kapansin pansin dahil kilala nga siya dahil sa talino nya. Inisip niya rin na di na siya pag iisipan ng kanyang guro dahil nga top siya.

Pero laking gulat niya ng tinawag sya neto. "Charlie. !!" pasigaw nitong sabi.
"Yes maam?" mabilis naman nyang sagot. "I'm pretty confused about this ™ sign at the end?? Did you copy paste this" tanong ng teacher niya.

Nakatingin lahat ng estudyante sa kanya. Napapamura nalang siya ng malutong sa isipan nya. "N--no, I WOULD never do that" sabi niya.

Gusto niyang panindigan ang sinabi niya pero hindi naman pinanganak kahapon ang kanyang guro para hindi mapansin ang pagkakamali niya.

"Talk to me after class Charlie" pagalit na sabi ng teacher niya.

Napaface palm nalang siya sa kaba dahil unang beses lang niya itong nagawa.

Pagkatapos ng klase dumiretso na agad siya para kausapin ang Teacher niya. "I'm very dissapointed at you Charlie sa lahat ng tao sa room nyo I'm sure you were the only one who didn't use and abuse internet. Really copy pasting?" sigaw ng teacher.

Walang masabi si Charlie gusto niya sabihin na hindi nya yun kinopy paste pero tila di nya kayang magsinungaling. "Haist I will let this past FOR NOW maulit uli ito I will definitely let your parents know especially your father" the teacher said.

Pagkatapos ay naglakad na uli si Charlie at nagkita uli sila sa tambayan nilang magbabarkada.

"ML!" bungad ni Charlie. "Bro, kakagaling mo lang sa matinding galit ni Ma'am. Why not let it cool muna pre". sabi ni Paul. "Yeah and isa pa midterm na pre we need to pass this" .dagdag naman ni Brent.

Sa tambayan nila minsan mo lang sila makikita na puro libro ang hawak. Pero ngayon iba na. Ang barkadang akala niya ay puro mobile games lang ay ngayon puro libro na ang hawak, at ang tao na akala ng iba na responsable ay nag iba na. Sa halip na libro ang hawak ay napalitan ito ng cellphone at kung ano ano pang gadgets.

"Bahala kayo maglalaro ako" sabi ni Charlie. Napailing na lang ang barkada at wala ng magawa pa sa kanya.

--------------

Dumating na nga ang araw ng midterm. Nagtest ang lahat, at pagkalipas ng isang araw ay agad ding lumabas ang result ng kanilang exam.

"What? Hindi si Charlie ang nanguna?" pagulat na sabi ni Brent.
Naging talk of the town ang issue na iyun. All this time Charlie was first kaya naman takang taka ang bawat estudyante at maging mga guro sa kanilang nalaman.

Sa kabila ng issue na yun ay walang pakialam si Charlie sa nangyari. Mas naging adik pa sya sa kinalolokohang laro. "Pre MVP" sabi ni Charlie. "Pre stop playing you're addicted" sabi ni Brent sa kanya. "Pre pwede ba bumaba ka dyan! Wala ka na bang pakialam?" tanong ni wendell.

"So what? atleast I am the MVP. hahahaha" patawang sabi ni Charlie.

Tumatawa siya pero hindi naman tumatawa ang barakada niya napansin niya to. "Hey chil--"

"Pre!! midterm to!! there is no time to chill" iritang sabi ni Paul. "Hindi mo dapat ginagawang mundo ang dapat laro lang" sambit ulit ni Wendell. "Fix youreself pre!! You're not you" sabi ni Brent. Umalis ang barkada niya at naiwan siya. "Who needs them if i have my phone?" sabi niya sa sarili niya.

Dumating ang mga linggo at ang dating role model ngayon ay wala na.Araw araw siyang puyat at sobrang payat na ni Charlie dahil sa kakalaro ng ML. Buong araw ay sa cellphone nalang niya siya nakatutok.

Adik na nga si Charlie

Gusot sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon