Dumating ang mga panahong hindi na pumapasok si Charlie. Naging kilala na siya bilang isang copy paste at magaling lang pagdating sa paglalaro. Maraming nanghihinayang sa katalinuhang taglay ni Charlie. Hindi na sya kilala ng kayang barkada sa tunay na sya kaya lumayo na rin ang mga ito sa kanya. Ang tanging naiwan nalang sa kanya ay ang cellphone at iba't ibang gadgets na lagi nyang ginagamit sa kanyang paglalaro.
Habang naglalaro si Charlie ay may biglang kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Napatigil sya sa paglalaro at inilapag sa kama ang kanyang cellphone. Onti onti nyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang kanyang ama.
"Can we talk?" malumanay na tanong ng tatay niya. Sa loob ng 1 taon ngayon lang siya kakausapin ng tatay niya dahil palagi nga itong wala sa bahay dahil sa trabaho nito.
"Charlie what happen? Anong nangyayari sayo? Di ka naman ganto". sambit ng tatay nya. "Dad pwede ba-", paputol na sabi ni Charlie. "Charlie alam ko na I'm not a responsible father kasi kung responsible ako di sana napigilan kita na maadik sa online games pero I want you to have a descent life yung hindi 10,000 a month lang ang kita" paliwanag ng tatay nya. "Dad Ican exceed 10,000 mas mataas ang halaga ko" sabi niya.
"Talaga? Then ipakita mo. Hindi ka tutulungan ng games at hindi ka matuto kung puro copy paste at kalokohan yang pinaggagamitan mo ng TECHNOLOGY NAYAN!" pagalit na sigaw ng tatay niya. "Huh? Joke this mobile legend dad, hindi mo kasi alam yung halaga nito kasi hindi mo alam to" mabilis na sambit niya sa kanyang ama."Pinapatawa mo ba ako? Huh? Alam mo ba kung bakit ang mga developer ay patuloy na gumagawa ng laro? Pang unwind, at pang relax, pero sayo tila para na siyang shabu, marijuana. Mas masahol pa nga ehh kasi unti onti na niyang sinisira ang buhay mo". dagdag pa ng kanyang ama.
"WHY DO YOU EVEN CARE ABOUT MY LIFE HUH---"
"BECAUSE YOU ARE MY SON! At ayokong masayang lang yung pinaghirapan namin ng nanay mo para lang pag aralin ka. Ginawa namin lahat para lang mabigyan ka ng magndang buhay. Sana naman wag mong sayangin ang pagkakataon. Wala kang mapapala at wala kang matututunan dyan. Kaya pakiusap anak itigil mo na yan". pagmamakaawang sambit ng kanyang ama.
Naging mainit pa ang usapan ng mag ama. "Now if you don't want to be called addict or you want to proved that you're not 10,000 worth only proved it kasi Charlie malapit na akong sumuko. Anak kita at ayoko kong makita na sirain ng anak ko yung buhay niya dahil lang sa lintek na cellphone na yan."
Pagkasabi ng kanyang ama ay lumabas na agad ito ng kanyang kwarto. Medyo lumuwag ang pakiramdam ni Charlie. Kahit napagalitan siya ng kanyang ama ay parang nabunutan pa din sya ng tinik dahil ngayon lang nya nadama ang concern at kalinga ng isang magulang.
Bigla siyang napaisip. Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ko ba to ginagawa? Hindi ako ganto. Tama sila nagbago na ako, pati sarili ko hindi ko na lubos na kilala. Huli na ba para magbago?Huli na ba ang lahat?
BINABASA MO ANG
Gusot sa Buhay
Short StoryMay mga pagkakataon na natutukso tayo. Yung tipong alam na natin na mali at di tama pero tinutuloy pa din natin. Bakit? kasi masaya, kasi masarap pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Sabi sa computer lesson namin "Internet is made to make our life mu...