Chapter 11

20 2 1
                                    

Maximille POV

Nagpaulit uliy sa aking isipan ang sinabi ni Mon Mon.

May parte sa akin na gusto kong sumangayon sakanya ngunit may parte di sa akin na sinasabing kaibigan ko siya hindi tama iyon,sasaktan ko lamang siya.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari ngayon,hindi ko alam kung kaya ko bang saktan ang kaibigan ko.

Argh!Siguro nga tama si Mon Mon kailangan ko ng ibang tao para makalimutan ang taong nanakit sa aking damdamin, at siya iyon.

Hindi ko naman siya sasaktan, tuturuan ko nama ang aking sariling mahalin siya.

Buo na ang aking desisyon, papayag ako sa sinabi ni Mon Mon.

Dali dali akong nagbihis at lumabas ng mansyon para puntahan siya sa kanilang bahay.

Kakausapin ko siya magmamakaawa ako para lang tulungan niya ako.

Nang makarating ako sa bahay nila ay dali dali akong kumatok.

"Tao po?" Ani ko

"Mon Mon?" Pag tawag ko at bumukas na rin ang pinto sumalibong saakin ang mukha ni Mon Mon magulo ang kanyang buhok at malaki ang kanyang eye bags ngunit nabuhayan ang kanyang mukha ng magangat siya ng tingin saakin.

"Mon Mon pwede ba tayong magusap?" Tanong ko

"Oo naman MM, basta ikaw haha"

"Mon Mon tungkol sa sinabi mo kahapon, gusto kitang gamitin i mean gusto kong matutunang mahalin ka Mon Mon" ani ko at sumeryoso naman ang kanya mukha pero sumilay muli ang mga ngiti sa labi niya.

"Okay MM payag na ako kapag hindi ako pumayag ay habol habulin mo ako ano nalang sasabihin ng iba? Sasabihin nila na ang despereda mo!" Aniya habang umi iling iling ako naman ay pinaghahampas hampas ko siya dahil sa mga kalokohan niya.

"Ikaw talaga!" Ani ko at hinampas siyang muli

"Gwapo ako" aniya naman dahilan upang mas lalong lumakas ang aking mga hampas hangin ahh.



_____
@greencolorminded

How Long Will You Love Me #Wattys2018Where stories live. Discover now