DREAM

31 3 12
                                    

Frea Zen Locke

Isang iyak ng sanggol ang aking narinig. Iyak ng isang batang bagong silang. Kakalabas lamang sa sinapupunan ng kanyang ina. Isang bata na minahal ng kaniyang mga magulang.

Pumasok ang nurse sa isang kwarto dala ang isang sanggol. Sa kwarto kung saan naghihintay ang kanyang ina. Ibinigay ng nurse ang bata sa isang babae.

“My Frea. My miracle.” Nakangiting bigakas ng ina sa kanyang anak na nasa kanyang bisig.

~~

Isang iyak muli ng isang bata ang aking narinig. Sa aking tansya nasa apat na taong gulang pa lamang ito. Inaabot nito ang kanyang lobo na nasabit sa isang puno.

“Daddy daddy my baloon.” Umiiyak na sabi ng bata sa kanyang ama.

Isang tawa ang aking narinig.

“Oh don't cry baby daddy will get that baloon for you okay?” Isang tango lamang ang ibinigay sa kanya ng bata at tumigil na din ito sa pag iyak.

~~

“Happy Birthdy to you. Happy birthday to you. Happy birthday Happy Birthday Happy Birthday Frea.” Kanta ng mga bisita ni Frea ngayon ay ang kanyang ika pitong kaarawan.

Lumapit sa kanya ang kanyang ina dala dala ang kanyang cake.
“Happy Birthday baby. Make a wish and blow your candle.” Sabi ng kanyang ina ipinikit nya ang kanyang mata at nag isip ng kahilingan sa kanyang isip saka hinipan ang kansila ng kanyang cake.

~~

“Yehey!” Sigaw ni Frea habang patalon talon syang pumasok sa isang kotse.

“Be Careful Baby!” sigaw ng kanyang ama na nag aayos pa ng necktie nito.

Ngayon ang unang araw sa ikatlong baitang ni Frea.

Magkahawak kamay na naglakad papasok sa skwelahan ang mag ama. Nang nasa tapat na sila ng room nya ay yumakap si Frea sa kanyang ama at hinalikan ito.

~~

“Huwag kang masyadong magulo ah baby baka humulas yang make up mo at magsisimulla na ang ceremony okay? May kailangan ka ba? Nauuhaw ka ba? Teka papabili lang ako ng pagkain.” Hindi mapakaling sabi ng ina ni Frea sa kanya

“I'm fine mommy i Don't need anything.” Sagot ni Frea.

Ngayon ang kanyang pagtatapos sa highschool.

~~

Dance with my father again.

Binigyan sya ng isang rose ng kanyang ama at isinayaw sya.

“Malaki na ang baby ko.” Natutuwa na may bahid na lungkot na sabi ng tatay nito.

“Daddy nag eighteen lang ako. Tumanda lang ako pero ako pa din ang baby mo. I love you daddy.”

~~

FREA'S POV:

Napangiti lamang ako pagakatapos kong panoorin ang video. Video kung saan nagsimula sa pagsilang hanggang sa paglaki ko nasa tabi ko din ang mga pictures noong baby pa ako pati na ng debut ko.

Naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod naka upo kasi ako sa kama ko.

“Mommy.”

“Oh yung baby ko tinitingnan ulit yung baby pictures nya hayaan mo na baby ka pa din naman namin ni Daddy mo.” Hindi nagbago si Mommy sweet pa din sya

Hinarap ko sya saka niyakap.

“Mommy.” Nakasibing sabi ko sa kanya.

“You want some pancakes?” nakngiting tanong nya sa akin. Tinatanong pa ba yan i love pancakes a lot at alam na alam yun ni Mommy.

DREAMWhere stories live. Discover now