Flash Fiction by PleumaNimox
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Nagsisisi kung bakit ko siya iniwan sa harap ng simbahan, umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ako nakinig at tuluyang humakbang palayo.
Sana hindi pa huli ang lahat, hahanapin ko siya. Nilibot ko na ang buong bayan at isa na lamang ang hindi ko pa napupuntahan.
Nakatayo ako sa kabilang dako, nakatitig sa kaniya. Nakangiti siyang suot-suot ang kaniyang puting saya—damit pangkasal. Pananabik ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Naghihintay na magbukas ang pinto ng kapilya, kung saan ko siya pinaluha.
Kinakabahan ako ngunit naglakas-loob na lumapit. Hinawakan ang kaniyang mga kamay sabay sambit, "Mahal, nandito na ako." Lumingon siya't ang mukha'y bigla nagbago. Ang saya sa kaniyang mga mata at napalitan ng luha. "Patawad, ngunit huli ka na. Dalampu't limang minuto ka nang huli." Ang tanging nasabi niya habang nanginginig ang mga labi.
Nalungkot ako ngunit kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Wala na, kaya dapat na akong magpaalam.
Sa huling pagkakataon ay humingi ako ng pabor na sana'y hayaan niyang ako ang magbukas ng tarangkahan. Pumayag naman siya at naghandang humakbang.
Pagbukas ko'y gulat ang aking naramdaman. Walang tao at tanging anino ko lamang ang nakikita ko sa loob ng simbahan. Lumingon ako't biglang naalala, parehong saya ang suot niya noong iniwan ko siya dito sa kapilya. "Kung bumalik ka lang sana agad, baka sabay pa tayong naglakad papunta sa altar. Mahal, hinintay kita ngunit katawan ko'y sumuko na."
*insert 25 minutes by Michael Learns To Rock*
BINABASA MO ANG
TWISTINTERPRET
RandomCollection of Song Flash Fictions written by Bannie Bandibas (PleumaNimox).