Flash Fiction by PleumaNimox
Malalim na ang gabi nang makarating ako sa bahay. Pagod mula sa trabaho. Ewan ko ba kung ba't napapaluha ako sa tuwing binubuksan ko ang pinto. Siguro'y dala lang ng sakit noong huling gabing kasama ko pa siya.
Naaalala ko ang malamig niyang boses sa tuwing umuuwi ako at agad siyang magkekwento tungkol sa kaniyang pananampalataya. Kahit hindi ako noon naniniwala ay nakikinig ako sa kaniya.
Ngayon, napapahiga na lamang ako sa kama, mag-isa. Mas dama ko pa ang sakit kaysa pagod. Napatitig ako sa labas ng bintana, natatanaw ang liwanag ng mga tala. "Huwag kang mag-alala, bibitbitin ako ng mga butuin. Kaya kung mananabik ka sa akin ay tanawin mo lang sila." Ito ang huli niyang paalala bago siya naglaho at iniwan akong mag-isa. Hawak na siya ng mga butuin.
Nakapa ko ang "remote control", binuksan ang telebisyon. Hindi na ako nagulat sa balita na sa aki'y bumungad.
"Effem Statico, sikat na bold at pornstar, gabi-gabing pinapanood sa isang bar. Bali-balitang iba't ibang sikat na mga personalidad ang kaniyang sineserbisyohan. Mga politiko, mayayaman at artista. Kailan kaya siya makalalaya?"
Napayakap ako sa aking unan. "Namimiss kita Effem, sana'y nandito ka sa aking tabi. Ngunit alam ko at masakit isipin—the stars are holding you tonight."
*insert Tonight by FM Static*
BINABASA MO ANG
TWISTINTERPRET
RandomCollection of Song Flash Fictions written by Bannie Bandibas (PleumaNimox).