Forbidden Love 21

6.5K 89 6
                                        

LORIELE P.O.V

"LORIELE tapos ka na ba diyan?" tanong sa akin ni Mam Arriane nang mapadaan sa cubicle ko.

"Ahmm opo. Print ko nalang po," sabi ko. Ni-review ko pa kasi yung ginawa kong article bago i-present mamaya sa weekly meeting namin.

Hay...

Tatlong buwan na pala yung nakalipas, maayos na din naman ang trabaho ko dito, nagte-training pa din ng kunti pero nabibigyan na din ako ng mga malaking articles. Naging smooth naman yung job ko dito, medyo busy minsan pero nag-i-enjoy akong talaga.

Sina Ara naman regular na din sa trabaho niya The Dominion Times, nakakuha agad siya ng big break kasi nga one of the top student siya sa Ashmoor, well she deserved it naman. Si Ara pa eh, ang talino nun. Sina Danna naman at Karen nasa sarili na din nilang negosyo nagtatrabaho. Masasabi ko na maayos din talaga yung career namin ngayon.

"Let's go Loriele," yaya na sa akin ni Mam Arriane. I nodded at sumabay na sa kanya papasok ng conference room. Nag-present na din ang iba bago ako. May naka-powerpoint din at may hard copy ako. Nag-present na ako.  Nagbigay na din ng suggestion ang iba sa gawa ko pati na din sa mga pictures na kuha ko.

"Congrats Loriele. Talagang di mo kami binibigo. Ipapabasa na natin yan kay president mamaya."

"Sige . Salamat po." Nakangiti ako habang palabas nang ma-estatwa ako.

Si Andrie. What the hell is he doing here? Nagtama yung mga mata namin, pero nauna akong nagbaba ng tingin. Maybe he's doing fine because he looks good. Lalapit na sana ako sa cubicle ko nang magsalita si Ma'am Dina na lumapit kay Andrie.

"Goodmorning Sir," aniya. "May napili na kaming article para sa tema natin ngayong buwan. Finalization mo nalang ang kelangan."

Nangunot ang noo ko pero tila magigiba na agad ang puso ko sa kaba. Di yata't siya ang sinasabing bagong CEO ng Paragon Press? At tuluyan na ngang nalaglag ang balikat ko nang ipakilala ako ni Ma'am Dina sa kanya. 

"Ah by the way, si Loriele po pala Sir. Siya yung sinasabi namin na newbie na magaling magsulat. And gawa niya yung napili namin na i-feature."

Nagbibiro ba ang tadhana? Sa dami ng tao siya pa talaga? "Well, 'yun ang uunahin ko sa first day of work ko. Make me a copy," saka nilampasan na niya kami papasok sa office niya. Napakurap ako sabay lunok ng laway.  I hate him so much.

Napabuntong-hininga ako, sumasakit na naman yung loob ko. Tapos na kami, dapat wala na. Sa laki ng Santavera, dito pa talaga siya naging CEO. Lihim akong napamura, let's be proffessional. I can't loose this job just because ex ko ang presidente ng kumpanyang 'to. 

Umupo na ako pero di agad ako nagsimulang magtrabaho kasi tila nablangko ang utak ko. Kahit na anong gawin kong pagpapakatatag ay tila sutil naman ang aking mga luha. I hate this. Parang di ko kaya. Nakakainis. Inabot ko ang tumbler ko saka uminom ng tubig.

Kaya ko ba 'to? Kung saan naman kasing maganda na ang nangyayari sa buhay ko saka naman siya susulpot. Hindi pa ba sapat na winasak niya ang buhay at puso ko? Focus Loriele...focus. Madiin pa akong napapikit bago nagtrabaho na ulit.

"Loriele tawag ka ni Sir sa office," tugon ni Roxy. Napa-awang ang labi ko, bigla ding kumabog yung dibdib ko. What the hell!! "Loriele?"

"A-Ah...sige. Puntahan ko nalang," sabi ko. Sandali pa akong nag-isip bago tumayo.Ano naman kayang kailangan niya?

"Come in."

Bahagya pa akong napakislot nang magsalita siya sa loob, pinihit ko na pa-bukas ang pinto. Nadatnan ko siyang hawak na ang folder ng mga gawa ko, may mga ilang papers din sa table niya. "Sit down."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon