Forbidden Love 22

6.1K 104 26
                                        

ARA P.O.V

WALA sa sariling napasapo nalang ako sa tiyan ko. Di na ako nakapagsalita nang hilahin ako ni Karen, nandun din si Kevin na alam kong mas nagulat sa nadinig. Para akong lutang nang itulak niya ako pasakay sa kotse ni Kevin. Di ko na alam, tila nabibingi ako sa takot. Wala na akong ibang nadidinig kundi ang kabog ng puso ko.

Nagmaneho na si Kevin, lunok lang ako ng lunok. Si Karen naman madilim ang mukha na di ako kinakausap. Huminto kami sa isang clinic. Hinila ako ulit ni Karen papasok. Sinalubong agad kami ng babaeng doctor.

"Oh gabing-gabi na Karen ah!"

"Yes Tita, pwede po bang—pa-check kung..." madiing napapikit si Karen. "Kung buntis si Ara?"

Napatingin ako kay Karen, di ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Kahit nga yung utak ko eh, di na din alam kung ano ang unang ipa-process.  Ngumiti ang doctor at hinawakan na ako sa kamay saka pinapasok dun sa office niya.

Di na ako nakapagsalita habang inaantay ang resulta ng test. Pero alam ko, positive 'yun. Buntis ako. I can feel it. What should I do now? 

"Kamusta tita?" pasok nina Karen at Kevin, di ko sila matingnan. Nahihiya ako.

"Congratulations Iha. You're two months pregnant!" masayang wika ng doctor .

Dun na tila gumuho yung mundo ko, para akong binagsakan ng langit. Agad akong napa-iyak, tila gong na ume-echo sa pandinig ko yung sinabi ng doctor. Buntis ako. Nabuntis ako ni Kuya. Anong gagawin ko ngayon? Nanindig ang mga balahibo ko sa sobrang takot, nanlalamig din ang mga kamay ko. 

"Haaah...you're p-pregnant.," matigas na pahayag ni Karen. I know, transparent ang disappointment at gulat sa mukha niya kaya di na ako nag-angat pa ng mukha. "Panu nangyari yun ha? Wala ka namang boyfriend di ba? Panung... panung nabuntis ka?"

Humagulhol na ako. My god. Nakakatakot. Takot na takot na ako. "Tell me Ara, sino ang ama niyan ha?" tanong niya sa akin. Iyak lang ako ng iyak, ni di ko nga maibuka yung bibig ko at kahit subukan ko man walang salita na lalabas sa mga bibig ko.

"Ano?? Iiyak ka nalang ba?! Iiyakan mo nalang kami?" galit na niyang tanong. Napatakip ako sa mukha ko. I am shaking! "My god Ara!! Bakit di ka makasagot? Ano?! Na-rape ka ba? Ano? Damn it! Open your mouth!"

"Stop it Karen," singit ni Kevin.  Ako...ako yung ama ng—"

Natigilan ako at luhaang napalingon sa kanya, madilim ang mukha niya at matiim ang titig sa akin. Wala akong mabasa sa mga mata niya o sadyang I am just loosing all my senses now?

"Shut up Kuya!! Paanong ikaw ang ama eh..."

"Yeah. Alam kong mahirap paniwalaan but—but I forced her the night before I left..."

SLAP!

"K-Karen..." anas ko nang madinig ko ang pagkakasampal niya kay Kevin.

"Anong sabi mo Kuya ha?! Anong sabi mo?! " iyak na din ni Karen. "Bakit? Bakit sa lahat ng lalake ikaw pa?! Alam kong mahal na mahal mo si Ara pero di mo dapat ginawa 'yun!"

Tila sasabog na ako sa lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko palaki ng palaki yung gulo. Napatakip ako sa mukha ko nang malakas na akong umiiyak. Panay ang kurot ko sa sarili ko, baka kasi panaginig lang 'to. I have to wake up! I needed to wake up! This can't be true!

"Mauna ka na muna sa sasakyan Karen. Kailangan lang naming mag-usap ni Ara,"sabi ni Kevin.

Agad na umalis si Karen na malakas pa ding humahagulhol.  "Tahan na Ara baka makasama na 'yan sa anak mo."

"Y-You don' t have to say that K-Kevin. Bakit ginawa mo 'yun ha?" iyak ko.

"Ara," sabay hawak niya sa kamay ko. "Ara handa akong maging ama diyan sa dinadala mo. Pananagutan ko 'yan."

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon