👑Chapter 6:History👑

3 0 0
                                    

Kyle's POV

"So, as you can see ano ang masasabi niyo tungkol sa kaharian nang Laveinia?" Tanong ni miss Prado.

Tila bigla akong nanabik sa topic dahil dati naman ay wala akong ka interest sa mga kasaysayan sa pilipinas, mas pinipili ko nalang matulog tsk! Nakaka antok kaya.Pero ngayon ay nasa ibang mundo nako kaya tila nagkaroon ako nang interest.

"Yes miss Reyes?" tawag ni miss sa kaklase kong nag taas nang kamay.

"Miss ang Laveinia ay isang makapangyarihang kaharian ngunit puno nang kalungkutan."

"Pano mo naman nasabing makapangyarihan at puno nang kalungkutan?" Tanong nang aming guro

"Miss!" Nagtaas naman ang isa pa naming kaklase kaya tinanguan ito ni miss Prado

"Nasabi itong makapangyarihan dahil wala nang mas hihigit pa sa lakas at pwersa nang kaharian na may kasama pang kabutihan."sabi niya at tumango tango lang ang aming guro kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Puno nang kalungkutan ang kaharian simula nang mawala ang kanilang unica hija'ng tagapag mana nang trono at nung namatay ang kanilang hari na siyang nagsisilbing buong hari nang lahat nang kaharian."

"Very Good!"sabi ni miss Prado sa kanilang dalawa.

Habang ako ay naka nangalumbaba at lumilipad ang aking isip.

"Laveinia, isa itong uri nang kaharian na may bughaw na dugo. Lahat nang nabibilang sa kanilang pangkat ay malalakas, sila ang pinakamalakas sa lahat nang kaharian. Lahat ay kaya nilang gawin. Ang lahat nang kaharian ay may mga pinamumunuan, ngunit ang kaharian nang Laveinia ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang reyna simula nang mawala ang kanyang Ama't ina." Mahabang paliwanag ni miss Prado.

"Bali-balita ay hindi ito namatay nung nangyaring digmaan. Mahigit 1 dekada na ang naka lilipas kaya't umaasa parin ang mga mamamayan na mahahanap pa nila ang kanilang reyna bago pa magkaroon ulit nang panibagong digmaan at tiyak na malaking kaguluhan ito kung maagaw ang Kaharian at nang kanyang nasasakupan." Dagdag pa nito.

"Eh miss posible kayang nandito ang reyna?"tanong naman nang kaharap ko

"Pwedeng posible pero pwede ring imposible, dahil 1 dekada na ang lumipas hindi pa rin nahahanap ang ating reyna at sigurado akong mahihirapan tayo."

"Kung gayon posible pang magkaroon ulit nang digmaan sa pagitan nang kaharian nang Laveinia at kaharian nang Loccus? At Posible rin pong manalo sila sa pagkakataong ito kung hindi pa rin mahanap ang reyna?" Tanong pa ulit nang aking kamag aral.

"Oo, ngunit ngayon ang mga namumuno sa kaharian o pagbabantay sila ang mga prinsesa't prinsipe nang iba't ibang kaharian kaya't wala pang sumusubok na pumasok dito ang mga Loccus" sagot naman nito sa studyante.

Marami pa ang nagtanong pero lumilipad ang isip ko kung sino ba ang nawawalang reyna at baket hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik.

KRINGGGGGGGG!!!!

Nang mag ring na ang bell ay inayos ko na ang gamit ko para pumunta sa canteen. Lunch na rin naman

C a n t e e n

"KYLE!" Lumingon ako sa tumawag sakin.

"Matilda!" Tawag ko rin tsaka ngumiti

"Tara dito!" Sabi niya at sabay turo sa upuang katabi nang pwesto niya.

Mabilis akong lumapit at nakipagbatian sa iba pang kasama sa table. Di nako masyadong nahihiya since mas mabuti nang may mga kaibigan ako dito, at ang swerte ko dahil mga prinsesa't prinsepe ang mga kaibigan ko.

Long Lost Queen of Laveinia WorldWhere stories live. Discover now