Kyle POV
"Sheng! nakita mo ba yung salamin ko?"sabi ko at kinakapa ang ilalim ng unan ko
"Kai! hindi mo naman kailangan un! hinahanap mo pa!"sabi ni shane habang nagcellphone
"Nagmumukha ka lang manang ms. martinez"sabi ni irish
"wala akong pakialam kung maging manang ako ms. anzano. yun ang nakasanayan ko, walang makakapigil sakin!"sigaw ko sa kanila, pero ung dalawa nagkatinginan lang.
"Share mo lang kilay?!"sigaw nila sakin.
"haaaaiisst nastress ang kilay ko!"sigaw ko sabay walk out.
"HAHAHAHAHA!"rinig ko ung pagtawa nila -,-
ay! nga pala ako si Kyle Martinez, or kai. Si Kyle na mukhang manang, si kyle na makapal ang kilay, si kyle na walang paki alam sa itsura niya. Oh yes! ako na ako talaga yun! 😂
Pero nagpapasalamat ako dahil may best friend ako, sila Shane Acosta at Irish Anzano. kahit binubully nila ako mahal na mahal ko sila, sa pagmamahal ko sa kanila halos isumpa ko nang mawala sila! hehe joke lang. ^O^
Pero yung totoo ako ang pinakabully sa aming tatlo. kaya nagkakampihan yung dalawa para asarin ako.
"Kai! tara na! aalis na tayo!"sigaw ni irish
"Oo bababa na!"sigaw ko pabalik
[Fast Forward]
"Kyaaaaaaaaahhhhhh!!!"sigawan lahat ng mga estudyante.
Dumating na kasi yung popular sa school kaya todo makatili.
Yung mga bestfriends ko naman ayun, kasama sa popular. nag-usap na kami na huwag nila akong lalapitan kapag nasa school, nung una hindi pumayag pero naintindihan din nila sa huli.
Gusto ko lang maging Normal student dito sa school ng auntie ko. YUP! Auntie ko ang may-ari.
*KRRRIIIIINNNNGGGG
"All Students Proceed to your respective Classroom"-_-
Pinapasok pa kami sa classroom namin wala naman palang teacher, mas mabuti pang umuwi na lang ako sa bahay.
Wooooh! heto nanaman tayo sa ninja moves para makatakas, tingin sa kaliwa't kanan baka may makakita.
"shet si manong panot ang bantay sa gate, naku matinik pa naman si panot hehe, lam ko na"kumuha ako ng bato at ibinato ko sa ibang classroom
pero wa epek mga bes! hindi na gumana! bulok na style ko! Isip kyle! isip! isip! JIMMY NEUTRON! hehe keme lang
kumuha ako ng dalawang bato at ibinato sa kulungan ng aso, ayun umingay at pinuntahan ni panot hehe. Orayt! Arat na mga bes!
Habang naglakakad ako, may nakita akong bata na umiiyak. kaya nilapitan ko siya.
"Bata?! bakit ka umiiyak? naligaw ka ba?"tanong ko sa bata at tumabi sa kanya.
"huhuhu hindi ko mahanap si Nemo! waaaaahh! Ang panget mo! ayaw ko sayo!"lalo pang lumakas ang iyak ng bata
"Ay grabe naman! hmmm.Nemo? yung isda ba? huwag ka magalala bibilhan kita"sinusubukan ko siyang patahanin pero mas lumakas pa ang iyak niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko nalang siya kaya unti-unti siyang kumalma.
"shhh tahan na, hahanapin natin si Nemo, tara na. ililibre kita ng ice cream"sabi ko at lumiwanag naman ang mukha niya.
Pumunta kami sa Ice Cream Parlor at nag-order.Sa Park kami kumain para ma-enjoy ko naman ang pagcutting ko hehe
"Bata ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ko sa kanya
"Maxine Natasha Morgan or MnM, ikaw po?"tanong niya, MnM? hmmm chocolate yun ah hehe
"tasha na lang tawag ko sayo ha, ako naman si ate Kyle Martinez, you can call me ate kai"sabi ko sa kanya, nabigla ako sa sunod niyang ginawa.bigla niya akong niyakap.
"ate kai sorry po kanina, nagsasabi lang po ako ng totoo eh"sabi ni Tasha. Okay na sana! kaso yung huling sinabi niya, uupakan ko na ito!
"ay okay lang! well truth hurts"sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Pero ate maganda ka po kapag nakangiti ang kaso ang kapal talaga ng kilay mo!"prangka niyang sabi.
"alam mo Tasha! itong mga kilay na ito! peke lang yan, itong balat ko, make up lang yan, maputi at makinis talaga ako"sabi ko sa kanya.
"bakit mo binabago ang anyo mo?"tanong niya
"Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa ganda ko! hahaha joke lang. para malaman ko kung may tatanggap sa itsura ko! huwag ka maingay ha. sikreto lang natin un"sabi ko sa kanya
"promise wala akong pagsasabihan!"sabi niya
"pinky promise! hahahahaha"sabay kaming nagtawanan.
"MAAAAXXIIINNEEE!"may narinig kaming sumigaw kaya sabay kaming napalingon
"NEEMMOOOOO!"sigaw ni tasha, ay bes na shock ako wait lang itatali ko muna panty ko baka malaglag.
Ang gwapo niya, maputi, chinito, tapos matangkad tapos tapos ah basta wahaha parang pinagnanasaan ko na siya hahaha
"Ate Kai! Natulala ka na! ito po yung Kuya Nemo ko, kuya Nicolas Ezekiel MOrgan ito naman po si ate kyle martinez"sabi ni tasha
"Ahm kyle right? salamat nga pala sa pagsama sa kapatid ko. tara na maxine"sabi niya at hinila na paalis si tasha.
"bye ate kai! nice to meet you po! and thank you po sa ice cream!"sigaw niya habang hawak hawak siya ng kuya niya.
"bye tasha!"sigaw ko
makauwi na nga lang...
malapit na ako sa mansion ni auntie pero may nadaanan akong magandang mansion.
"dito nakatira ang Villarosa family, close ko pa naman ang mag-asawa"sabi ko sa sarili ko,papasok sana ako sa loob kaso sarado.Kaya umuwi na lang ako.
"AUNTIIIEEEE?!"sigaw ko,may lumapit na maid sakin
"Ms Kyle nasa office po si Ma'am Lyza"sabi nung maid,tumango na lang ako at pumunta sa office
*knock *knock
"come in"sabi ni auntie kaya binuksan ko yung pintuan
"AUNTIE! MUSTA NA PO?!"sigaw ko sabay yakap kay auntie, kakauwi lang ni auntie galing states
Nagtaka ako kasi biglang umiyak si Auntie habang yakap yakap ko siya.
"Bakit po auntie? May nangyari po ba?"tanong ko sa kanya
"ah wala, mamimiss lang kita, babalik na ako ulit sa states at dun na titira"sabi ni auntie
"May sasabihin akong napakaimportante"sabi niya at pinaupo ako.
"Kyle, parang tinuring na kitang anak. Sana mapatawad mo si Auntie ha, Ahm ano. Hindi mo talaga ako Auntie, hindi mo rin ako kamag-anak. Yung mga magulang mo ay hindi pa sila patay. Maaring buhay pa sila ngayon, Nakita kita dati sa tabi ng puno, naawa ako sayo kaya kinupkop kita, habang nasa akin ka pinapahanap ko na ang magulang mo pero wala pa rin kaming mahanap, nasa iyo ang desisyon kung ikaw hahanap mo sa magulang mo, Kyle. Mapatawad mo sana si Auntie"sabi niya habang umiiyak. Napaiyak na rin ako.
"Ehem Ano Ahm Auntie, salamat kasi hindi mo ako pinabayaan, salamat po"sabi ko at niyakap siya.
"Ahm kyle nasa iyo ang desisyon, i need to go,bye sweetie"sabi ni auntie at umalis hila hila ang maleta niya.
Pumunta ako sa kuwarto ko at may nakita ako white box kaya binuksan ko ito. May letter na nakasulat at may panyo. Nag-impake ako ng mga gamit ko.
"Kung sasama ako kanila auntie at mag-hire ng private investigator ang kaso mas maganda kung ako mismo ang maghahanap"sabi ko sa sarili ko.
Haaayysss makatulog na nga lang, nastress na talaga kilay ko.
Zzzzzzzzzz
