"Beggining"

169 0 0
                                    

Lahat ng pag mamahal ng aking Ina ay ramdam ko.Nawala man ang aking ama noong akoy sanggol pa hindi naman nagkulang sa pag aalaga at pag aaruga sa akin ng aking Ina.Maswerte nalang kami dahil naiwan saamin ang negosyo at bukirin ni Itay saamin.Pero sabi nga nila Pag may Ginto ka maraming mapangahas na kunin iyon sa iyo sa masamang paraan.
Ang kwento sa akin ni Ina may kaya ang mga magulang ng aking Itay.ekta ektaryang lupain ang Pag mamayari nito.Bawat lupain ay my mga tanim na prutas,gulay,may bakahan,kambingan,baboyan at ibat ibang uri ng hayop na pwedeng pagkakitaan.Ibat ibang uri ng negosyo tulad ng Milk,meat,furniture,etc products.Sagana ang pamilya ni itay..Anim na mag kakapatid sila Tatay,si nanay nman nag iisang anak.
Ang kwento ni inay si Itay raw ang katuwang ng Lolo ko sa mga negosyo,ang ibang mga kapatid ni Itay ay nasa ibang bansa at ayaw raw umuwi sa Pilipinas,marahil ayaw nilang hawakan ang negosyo ng pamilya.Si itay ang Bunso sya rin ang napagiwanan sa dalwang matanda.Taga tanggap lang ng Allowance buwan buwan ang ibang kapatid ni Tatay.Ng pumanaw ang Magulang ni Tatay naiwan sa kanya ang lahat ng responsibelidad.Lahat ng negosyo ng pamilya niya ay sa kanya pinaubaya.Pinamanahan rin ang mga kapatid nito,na kahit hindi umuwi noong mamatay ang magulang tanging si tatay at ang mga trabahador lang at malalapit na kaibigan ang tumulong sa kanya.Trabahador din sa Hacienda nila tatay ang Tatay at Nanay ng aking Ina.At si Nanay naman noon ay Pinag aaral ng Magulang Ni Itay sa pagmamay aring Unibersidad.
Subsub sa pag aaral trabaho si Itay wala na syang oras sa lovelife niya.
Ng makapagtapos sa pag aaral si Tatay ay tsaka na niya pinapansin si Nanay.Pero may Boyfriend ito noong panahong nag paparamadam na si tatay,hindi nya sinukoan si nanay ko.Naalala ni nanay noon na nangharana pa ito sa kanila noon.Hinabol ng itak ng ama ni nanay pero hindi ito sumuko..Masungit,at mahinhin si Nanay kaya nagustuhan sya ni Tatay.Hanggang sa pinayagan na sya ng Ama ni Nanay na manligaw.2taon nanligaw si Tatay noong sinagot ni nanay ay agad naman hikan at nag pakasal nag taka man daw si Nanay ay pumayag narin ito.Nabuntis agad si nanay ng nasa 8months na ang tiyan ni Nanay umalis si Tatay para sa business.
Umuwi sa saktong araw ng mangank si nanay umuwi si tatay.2 months after umalis ulit.Pansin na ang pag kabagsak ng katawan ni Tatay at lagi itong tulala.Hindi naman inaasahan ni Nanay na Iuuwi ng Bahay si Tatay Malamig na nabangkay.Ayon sa Matalik nitong kaibigan na si Ariel ay may Stage 2 brain tumor ito noong college pa.Ayaw niya ipaalam sa lahat dahil ayaw niya kaawaan siya.Pinayohan na raw ito na mag pagamot ngunit ang tugon lang nito ay pag sinagot na ako ni Lita yayain ko agad ng kasal at pag nabuntis sya tsaka na ako mag papagamot."Gusto ko rin nmang may tagapag mana ako".Saad nito.
2months nakalipas ay nag siuwian ang mga kapatid ng tatay ko.Pinahirapan at inalila si Nanay pero hindi ito sumuko.Hanggang sa pinalayas sila nanay at ang magulang nito sa tinitirhan nila.Kaya napilitan silang lumuwas ng manila.Hindi narin noon pa nakita ang Matalik na kaibigan ni tatay na si Ariel Morado.
Lahat ng naiwan ni Tatay na Pera para kay nanay at ang hacienda ay kinamkam na ng mga kapatid nito..Wala ng natira sa yaman ni itay bago ito namatay ay naibenta na pala ito. Ang tanging natitira ay ang hacienda at isa ektaryang lupain.

After 5yrs.na paninirahan namin sa Manila muling pinagtagpo ng landas si Nanay at ang kanya Ex Boyfriend na ubod na ng yaman.Naging malapit ulit sila ni nanay pati sa akin magaan ang loob ko sa kanya.Hindi nag tagal ay niligawan at naging sila ulit ni nanay ang saya ko noon kasi masaya si Nanay sa kanya.Pero sabi ko nga ang saya may kambal na lungkot si Papa Ferds ay may pamilya na pala,ginawa niyang kabit si Nanay Lita,dahil sa mahal nga ni nanay si Papa Ferds ay pumayag siya hanggang sa nagkasakit si Nanay di na namin nakita si papa.Isang araw may babaeng lumapit sa akin supistikada mayaman at maputi,nagpakilalang asawa ni papa iyon.Kinausap ako sa edad kong 7 yrs. Old ay nakatanggap na ako ng kambal na sampal,magkamag anak na mura at mag asawang insulto.Kesyo pera lang habol namin ni nanay kaya hinampas hamps ako ng babaeng iyon ng pera,tinatagan ko ang sarili ko at sabihin na niya mukhang pera ako kailangan ng nanay ko eh.Pero sinavihan ko siya
"Ma'am tatanggapin ko eto dahil kailangan ng nanay ko ang gamot at bayad sa hospital.Pero Hahanapin ko po kayo pag oras na makahanap ako ng trabaho at mag kapera ibabalik ko ito ng maayos.Hindi sa paraang bastos.Salamat po😊

Nagsikap ako para maka pasok sa isang unibersidad sa maynila bilang volleyball player at natupad iyon.Highschool ako ay nakapag aral sa University of Sto.Thomas Scholar may nag sponsor sa akin binigyan ako ng condo sasakyan at allowance galing sa mystery sponsor ko na yon.Nag iisa nlng ako kasi namatay si nanay bago ako maka graduate noon sa elementary.Nag sikap ako hanggang sa nakilala ako sa UST bilang The Phenominal Sport Star.Ng mag college ako ay nag aral ako sa Ateneo de Manila University kasi napag alaman kong Yung kaibigan ng pamilya nila papa Ferds ang nag mamay ari ng eskwelahan na yon.Ayos naman noong una ko sa Ateneo pero dumating ung araw na may taong hindi nabubuhay hanggat hindi ako nakikitang nagdurusa ewan ko ba sa taong yon!wala akong maalala na nagkasala sa kanya.Sa lahat ng tao sa Ateneo ako lang ang natatanging tao na pinag mamalupitan niya.Wala naman akong magawa kasi malakas ang kapit niya sa Ateneo Ninong niya ang nag mamay ari nito.Hayyy..nako Kaya ito si Alyssa titiisin ang hirap at parusa na ibinibigay ng isang lalaking Halimaw.
Halimaw sa ugali gwapo pa nman tss...
Balang araw ikaw din ang luluhod sa harap ko KIEFER RAVENA!...

The Goddess Nerd BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon