isa dalawa tatlo pag di kita kausap kulang ang araw ako. apat lima anim nararamdaman ko sayoy lalong lumalalim. bumalik tayo sa umpisa sa umpisa kung paano tayo nag ka kilala masasayang araw at gabi sa labi koy hindi na mawala ang ngiti. hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to sayo siguro dahil napa mahal na ako sayo. tulad nga ng sabi ko di ako mawawala sa tabi mo sana paniwalaan mo dahil pag dating sayo seryoso ako. kapag ikay kausap ko ngiti koy abot hangang tenga. ipag tatangol kita sa mundong mapanakit ililigtas kita. ipag bawal man ng mundo ang nararamdaman ko kakalabanin ko ang lahat para lang sayo. kahit baliktarin pa ng paulit ulit ang mundo bahala na sila ikaw parin ang gusto ko. sarami raming tao sa mundo bakit sayo pa ako nakaramdam ng ganito. hindi ko nais na mahalin ka pero isang araw pag gising ko gusto na kita. sa tuwing nakikita kita damdamin koy hindi maipinta. lumabo na ang lahat kahit ang mga mata ko wag lang lumabo ung tayo. namimiss ko na yung dating tayo. kahit alam kong ang meron lang ay ikaw at ako walang TAYO. salamat sa mga araw na kahit hindi tayo e naging kampante ako sa piling mo at hindi ko akalain na magiging ganito ka kahalaga. nag seselos ako sa mga taong malapit sayo hindi dahil madamot ako pero dahil natatakot ako na baka sumaya ka sa iba makalimutan mo kung paano kita napasaya. ikaw ung babaeng pinag kakatiwalaan ko dahil ikaw ung babaeng alam kong di sasayangin ang tiwala ko at ikaw ung babaeng nag papasaya sa araw ako sa mga panahong nalulungkot. hindi man tayo masyado nag kakasama hindi yun dahilan para ipag palit kita. wag mo kalimutan sa bawat araw na wala ako wala akong ibang iniisip kundi ang makasama ka. hindi mn ako mayaman para bilhin ang kahapon pero handa akonh utangin ang ngayun makasama lang kita buong maghapon. maaring hindi ikaw ang unang minahal ko pero gusto ko ikaw na ang huling hahawak sa puso ko dahil sa mga oras na to wala ng hihigit pa sayo. Huling pangungusap para sayo matagal ko na tong paulit ulit na sinabi sayo. MAHAL KITA kahit wala namang TAYO.PS: KUNG GAGAMITIN NYO MAN YANG GINAWA KO NA SPOKEN NAYAN KINDLY CREDITS PLEASE.
THANK YOU READERS
Fb: MARCO NEPOMUCENO
BINABASA MO ANG
Feelings 😢
Poesíapara sa inyo to baka may makuha kayong kaalaman sa sinusulat ko. At para rin to sayo na mabasa mo ang aking nararamdaman sayo.