Chapter 20

113 7 27
                                    

Chapter 20: Secret

Kris’ POV:

“Tao, pinapatawag na tayo, tama na yang martial arts na yan.” Tawag ko sakanya.

“Tara.” Pinahiran niya ang pawis niya at nagbihis ng t-shirt.

Lumabas kami ng kwarto niya. Nakasalubong namin si Kyungsoo.

“Oh? Sa’n punta?” Tanong niya sa’min.

“Sa kamatayan.” Sabi ko.

“Napapadalas na yung date niyo ah!” – Kyungsoo.

“La kang pake, tara na nga, Tao!” Sabi ko at umalis na kami ni Tao dun.

Pumunta kami sa lugar kung saan niya kami pinatawag. Naabutan namin siya na nagda-dart.

“Tama na yan, mangangawit ang kamay mo dyan eh.” Sabi ko.

“Oh, nandyan na pala kayo.” – Siya.

“Hindi, picture lang namin ‘to.” Sabi ko.

“Hyung, baka magalit yan.” Sabi ni Tao.

“Ipapaalala ko lang pala ang kailangan niyong gawin.” Sabi niya.

“Hindi mo na kailangang ipaalala yun.” Tumingin ako sa sahig. Naalala ko na naman si Luhan.

Umalis ako nang gabing iyon nang ako lang mag-isa. Kailangan kong malaman kung ano ang gagawin nila kay Luhan-ssi. Naabutan ko silang apat sa lugar namin, si hyung ay parang natutulog, si  namdonsaeng naman ay nakaupo sa sala, siya ay pinaglalaruan ang baril sa kamay niya habang si Luhan-ssi ay nakatali sa upuan at puno ng dugo ang dibdib niya. Napatingin silang lahat sa akin.

“Oh, buti at dumating ka na, bantayan mo muna yan at lalabas lang muna kaming tatlo.” Sabi niya at tumayo silang tatlo.

“Sa’n kayo pupunta?” Tanong ko.

“Bibili ng makakain.” Tipid na sagot ni hyung. Tumango ako sakanya.

“Tandaan mo, hindi lang kayong dalawa ang nasa lugar na ‘to, kaya kung may gagawin kayong masama. Alam niyo na ang mangyayari.” Paalala niya.

Umalis silang tatlo at lumapit ako kay Luhan. Naaawa ako sa lagay niya… Gusto ko siyang tulungan pero alam kong hindi kami makakaligtas.

Gangsta High [Slow Updates]Where stories live. Discover now