Chapter 15

136 7 53
                                    

Chapter 15: His Other Side

Ash's POV:

I was caught between awake and asleep. Nakikiliti ako sa mainit na hangin na dumadapya sa leeg ko. Binuksan ko ang mga mata ko. Doon ko napagtanto na nasa ibang kwarto pala ako.

Tinignan ko yung katabi ko. Ang himbing pa ng tulog niya. Ayoko muna siyang gisingin, tutal ay sabado naman ngayon. Lumabas muna ako ng kwarto.

Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Pumunta ulit ako sa pinakalikod ng GH para makapag-isip-isip.

“Ok ka na?” Medyo nagulat ako sa nagsalita.

“Gising ka na?” Tanong ko balik.

“Alangan namang natutulog pa ako.” Sabi niya.

“Malay ko ba, baka nagse-sleep walk ka lang.” Natawa ako nang bahagya.

“Ok ka na nga…” Napailing siya.

“Sinusubukan kong maging okay….” Napabuntong hininga ako.

“Bakit?”

“Kasi, wala namang permanente sa mundo eh, people come and go and emotions go with the flow.” Napangisi siya. “Oh, bakit?”

“Magaling ka pala sa paggawa ng sayings mo.”

“Ganyan talaga kapag cute, may originality.” Sabi ko at nag-aegyo.

“Ikaw? Cute? San banda?” Sabi naman niya at tumawa.

“Alam mo, nagugutom ako, kainin na lang kaya kita?” Sabi ko sa inis.

“Hmmm… Pwede rin, may pandesal ako dito, may hotdog tska itlog, may gatas pa.” He said with his eyebrows wiggling. May kapilyohang naglalaro sa mga ngiti niya. Napanganga ako sa mga sinabi niya.

“Hoy, ambastos mo!” Sabi ko nang makabalik sa aking senses at sinampal siya jokingly.

“Gusto mo naman.” Sabi niya.

“Asyumero!” Sabi ko. Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin ah! “Byuntae ka President!” Nandidiring sabi ko sakanya.

“Sus, eh yan naman talaga yung meaning ng sinabi mo eh, in-expand ko lang.” Rason pa niya.

“Layuan mo’ko at baka kung ano ang gawin mo sa’kin!” Sabi ko at lumayo sakanya.

“Weh? Eh noong isang araw nga, sinuklian mo pa yung halik ko eh.” Sabi niya at lumapit sakin, siyempre patuloy pa rin ako sa paglayo sakanya.

“H-hoy! I-inaasar lang naman kita nun eh!” Rason ko.

“Inaasar pala? Tignan mo rin kung paano ako mang-asar!” Sabi niya at ipinulupot yung braso niya sa leeg ko. Kinagat ko yung braso niya. “Aray!!” Sabi niya at napatawa ako. Kumalas ako mula sa pagkakahawak niya.

“Hindi pa ako tapos sa’yo!” Napatili ako at pumasok sa loob ng SSM building. Naghabulan kami sa opisina niya at buti na lang ay nakakuha ako ng pang-depensa. Water bottle na may lamang tubig at ice.

“Sige, l-lumapit ka.” Nahihingal na sabi ko.

“A-Ash…. I-ibaba mo yan!” Sabi naman niya. Binuksan ko yung water bottle at this time ako naman yung lumapit sakanya at siya naman yung lumayo sa’kin.

“Bakit naman? Diba kakagising mo lang? Eto oh, pampaligo.” Pilyang sabi ko.

“Buti sana kung hindi malamig.” Kinakabahang sabi  niya.

“Baka naman siguro takot ka sa tubig.” Sabi ko at tumawa.

“H-hindi noh!”

“Oh eh di halika na!” Aya ko at lumapit.

Gangsta High [Slow Updates]Where stories live. Discover now