Bali, Sugat? Galos Lang 'Yan

59 0 0
                                    

IKALAWANG KABANATA: Bali, Sugat? Galos Lang 'Yan

Carla’s POV

           May natanggap akong text mula kay Daphne. Nandoon na raw si Uno sa condo, magtext lang daw ako kung papunta na ako.

           Wala pa ako sa condo ni Daphne. Maaga pa naman ang gabi para sa overnight, alas sais pa lang naman ng hapon. Magjajoging muna ako paikot ng parke para makapag-isip-isip pagkatapos ay maliligo at saka tutungo sa condo niya. Siguradong marami namang tao bilang Biyernes ngayon at madalas na maraming nag-eehersisyo sa mga oras na ito.

           Mayroon akong gustong aminin kay Daphne na dapat siya lang ang makaalam dahil siya ang pinakamalapit kong kaibigan sa unibersidad kaso laging nasa tabi niya yung kumag na si Uno. Mayroon na palang taong-buntot sa mga panahon ngayon. Marahil sa ngayon ay nagpapakasaya na iyong lalakeng yun sa condo niya.

           Simula pa nung unang taon sa hayskul kami magkakilala ni Daphne. Kaklase ko siya simula una hanggang sa ikalawang taon. Nahiwalay na ako simula ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil napasama na ako sa pinakamagaling na seksyon sa aming mataas na paaralan. Siya ang unang kaibigan ko sa sekondarya. Napakabait at napakasimple niya. Isang kaibigang malalapitan sa oras ng problema at kasiyahan. Madalas kami ang magkasama sa lunch hanggang merienda time kahit wala namang ganoon sa schedule namin dahil yun ang Library time namin na madalas ay bakanteng oras para hindi mo makita ang masungit na librarian.

        Buti na lang nakapasa si Daphne sa gusto niyang unibersidad at ito kami ngayon, iisa ang pinapasukang pamantasan. Sa katunayan, hindi ko talaga gustong pumasok dito sadyang pinilit lang ako ng aking ama na kumuha ng pagsusulit at kapag nakapasa raw ako ay dito ako mananatili sa Pilipinas para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Sa kabilang banda, kapag hindi ako nakapasa ipapadala ako sa Amerika para doon mag-aral. Kaya parang ipasa ang pagsusulit o Amerika. Syempre, pinilit kong ipasa ang exam upang manatili pa din ako sa Pinas. Mas gusto ko ang mga tao dito at mas kakilala ko kaysa naman doon sa Amerika na puro Ingles at hindi ko pa alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan.

         Isa akong iska na nasa ikalawang taon na ng pag-aaral ng Biology. Sabi nila magiging iska o isko ka kung matalino ka. Napakadaling pamantayan pero napakahirap makuha kaya pursigido ang pag-aaral ni Daphne noong bakasyon para makapasok dito. Kinailangan niyang pumasok ng review center para muling balikan lahat ng mga nakaraang paksa sa lahat ng asignatura. Naging mahirap sa kanya bilang hindi siya madalas nag-aaral noong nasa hayskul pa kami. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagkatuwa noong makapasa siya. Halos magtatalon siya sa pagdiriwang na nasuklian ang lahat ng kanyang pagod.

        Sa kalagayan ko naman, noong nalaman ng ama ko na pumasok sa isang review center si Daphne ay isinama ako at agarang nagpatala. Kung sa akin lang kayang-kaya kong makapasa dito ng hindi nag-aaral. Marahil nakakalimot minsan sa ibang mga konsepto subalit kaya ko namang mag-aral sa bahay at hindi na magsayang pa ng pera. Oo, mayaman kami at may sariling ospital ang ama kong doktor pero hindi ibig sabihing kapag mayaman ka ay gastos ka na lang nang gastos at hindi inaantala kung saan napupunta ang pera. Kung may iba pa namang maaaring daan yun na lang imbis na gumastos ng malaki. E napalista na ako kaya hindi ko na lang hinayaang masayang ang pera. Nakapasa ako sa unibersidad at naging iska.

       Maliban sa matalino at responsableng komunidad, may mas maganda pang pagkakataon para sa akin kaysa rito. Ito ako ngayon nabibilang sa mga matatalino kahit naipasa ko ang pagsusulit. Alam kong may iba pang katulad ko at dapat sila ang kasama ko. Sadyang hindi ko pa sila kilala at nararamdamang kong malapit na, malapit ko na silang makita.

      Biglang tumigil ang kanta sa aking earphones at napilitan ng ringtone. Si Daphne ang tumatawag sabi sa screen.

        “Hello bakit Daphne??” sagot ko sa mikropono ng earphones. Tumigil muna ako sa pagtakbo, umupo sa mga hakbang ng hagdan at nagpahinga.

TreseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon