It’s 10 in the morning and nabobored na ako sa hospital kaya nagpasya akong maglakad-lakad sa hardin ng hospital. Bigla akong napadaan sa may children’s ward at napasilip kung anong meron at nag-iingay sila. Tawanan at kulitan ang nadatnan ko nang ako’y sumilip. Nahagip ng aking mata ang isang maamong mukha na panay ang ngiti sa mga batang nandoon. Nakatayo lang ako sa may pinto at aliw na aliw na nanood sa kanila lalo na sa magandang babae. Nang bigla syang mapalingon sa gawi ko ay nginitian niya ako kaya napayuko ako at nahiya nang mahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. Nagulat na lang ako nang pagtaas ko ng tingin ay patungo na siya sa akin.
“Hi!” bati niya kasama ang matamis na ngiti. “Pasyente ka rin dito?” tanong niya sa akin. Pero sadyang nakakatulala ang ganda niya kaya nakatitig lang ako sa malaanghel niyang mukha. “Ehem! May dumi ba ako sa mukha?” doon na ako natauhan at napatawa siya. Grabe kahit pagtawa niya ay magandang pakinggan.
“Pasensya ka na ha. Ano pa lng ginagawa niyo?” tanong ko sa kaniya.
“Nagkakasiyahan lang. Every month namin ginagawa ito para sa mga batang cancer patient. Kaming magbabarkada ang nakaisip nito since one of my friend is a cancer patient survivor. So yun tinutulungan namin sya para mapasaya naman ang mga bata kahit papano. You wanna join?” saad niya.
“Huwag na lng. Dito na lang ako manonood” tanggi ko sa alok niya.
Magsasalita pa sana siya ng tawagin siya ng isang babae. “Dennise” tawag sa kaniya.
“Sandali lang ha” paalam niya sa’kin.
Bigla kong nasabi sa utak ko “Dennise pala pangalan niya. Bagay sa kanya”. Naaliw na lang ako sa nakikita ko. Halos kinse minutos din ako nakatayo at nakamasid doon particularly kay Dennise. Biglang may nagrequest na isang bata na kumanta siya na agad naman niyang pinagbigyan at kinandong pa niya ito.
Spend all your waiting
For that second chance
For a beat that would make it okay
There’s always some reasonTo feel not good enough
And it’s hard, at the end of the day.
I need some distractionOh, beautiful release
Memories seep from my veins
Let me be empty
Oh, and weightles
And maybe I’ll find some peace tonight
In the arms of the angel
Fly away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you fear
You are pulled from the wreckage
Of you silent reverie
You’re in the arms of the angel
May you find some comfort here.
Sa loob ng halos isang oras kong nandoon, nakalimutan ko kung ano ang pinagdadaanan ko lalo na ng marinig ko siyang kumanta. I’m really in the arms of angel by just staring at her and listening to her voice. Narinig ko ang palakpakan ng mga bata na tuwang-tuwa sa kaniya. Nang magpaalam na sila dahil tapos na ang pagbisita nila ay agad din akong umalis doon at nanghinayang dahil hindi ko siya gaanong nakausap. Ni hindi ko alam kung kelan ulit sila babalik basta ang sabi lang niya every month nilang ginagawa iyon. Ni hindi ko alam kong same hospital lang ba nila ginagawa iyon o meron pang iba.