Chapter 4

333 8 0
                                    

Nauna akong nagising kay Den kinaumagahan. Nakadagan ang ulo niya sa dibdib ko at nakayakap sa bewang ko. We had a memorable night together na nakapagpangiti sa akin ng maalala ko iyon. (a/n: huwag masyadong mag-isip ng kung anu-ano hahaha)

Dahan-dahan kong inangat ang ulo niya at ipinatong sa unan. Tumayo ako at pumasok ng banyo. Nakangiti akong tinignan ang aking mukha sa salamin sabay kausap sa sarili “Malakas ka pa rin Valdez” sinabayan pa ng tawa pagkatapos ay nagtoothbrush na. Pagkatapos maghilamos at magpunas sa mukha ay tsaka ko napansin ang mga pasa sa braso ko na kinabahala ko. Nawala ang kanina kong tuwa’t saya at napalitan ng kaba. Bigla akong napalingon sa natutulog kong asawa na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog.

Nagpasya akong tawagan si mommy para kausapin ito patungkol sa balak kong gawin. Pagkatapos kong makipag-usap ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Nagsusuklay na ako ng mapansin kong sumasama ang mga buhok ko sa suklay at may nalalag din sa sahig. Sinubukan kong gamitin ang kamay ko na panuklay at doon ko nalaman na nalalagas na nga ang buhok ko. Naluluha na ako sa mga naiisip ko dahil sa mga pinapakitang sintomas ng sakit ko.

Hinalikan ko lang sa noo si Den at agad na bumaba para hintayin si mommy na siyang susundo sa akin para samahan ako. Hindi naman nagtagal at dumating din agad ito. Nagbilin lang ako kay Manang Helen at baka hanapin ako ni Den. Ay hindi baka, hahanapin talaga ako noon. Ayaw na ayaw nga nun na mawala ako sa paningin niya eh.

“Doc. kumustah na ako? Malapit na ba? Wala na ba talagang paraan?” sunud-sunod kong tanong nang matapos ang examinations ni Dr. Reyes sa akin. Tinawagan ko si mommy kanina para magpasama sa hospital. Gusto ko kasing ako muna ang makakaalam ng estado ng sakit ko. Hindi ko kayang makitang nasasaktan at nanghihina si Den pagnalaman niya ang totoo.

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Ms. Valdez base na rin sa mga sintomas mo ngayon ay lumalala na ang sakit mo. I don’t know how long will you stay but God only knows. Hindi ako yung tipong doktor na magbibigay ng taning sa mga pasyente ko dahil I’m not God. He’s the only one who can say kung kelan na lang ang ilalagi mo sa mundo. I’m so sorry Alyssa” tangi niyang nasabi.

Pinanghinaan ako sa narinig ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko kasabay na tanong ko sa loob-loob ko “Paano na si Denden?”. Niyakap ako ni mommy na ngayon ay umiiyak na din. Iniwan kami ni Dr. Reyes sa office niya para magkasarilinan.

“How will I said this to Dennise? Lagi niyang sinasabi na hindi pa niya kayang mawala ako sa buhay niya. Anong gagawin ko Mom?” napahagugol na din ako dahil sa isiping iyon.

“Ssshhh!! Come down son. We’ll tell Den about this if she’s ready to accept it. She’s a strong person Ly. I know she’ll understand.”

“Mom, ako na magsasabi sa kaniya. Sa atin na lng muna ito, pwede ba mom?” pakiusap ko at tumango naman siya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Napatingin ako kay mommy nang makitang tumatawag si Den. Pinahinahon ko muna ang sarili ko bago ko sinagot.

= Phone Convo=

“Hon, where are you?” agad nitong tanong pagkasagot ko.

“Hey! Calm down. I’m with mom” saad ko.

“Saan ba kayo nagpunta? Bakit hindi mo ako ginising ha?”

“Sorry na hon ok? I’ll be home in an hour. Nagpasama lang ako kay mom”

“Bakit nga hindi na lng ako ang ginsing mo at inistorbo mo pa si mommy?”

“Eh kasi po masyado pong mahimbing ang tulog mo kanina. Napagod yata kita kagabi eh” pagbibiro ko para hindi na ito mag-alala pa.

“Sira! Uwi ka na ok? I’ll cook for our lunch”

“Yes hon! What do you want? I’ll buy it for you”

“Nothing! I just want you to go home now”

“Sus! Ahm hon, can I have my hair cut?” bigla kong naisip at napalingon ang mommy ko sa akin.

“But why? Hindi naman mahaba ang buhok mo ah” takang tanong niya.

“Naiinitan kasi ako eh. Gusto ko sana yung medyo Maikli” sinabayan ko pa ng tawa para hindi ako mahalata. Natahimik ito. Akala ko pa binabaan na niya ako. “Hon? Are you still there?” pagcheck ko sa kabilang linya.

“Yes” mahina niyang sagot. “Ly, can you please go home now?” mahina niyang turan. Kinabahan naman ako sa tono ng boses niya. Nahalata niya kaya ako? Sana naman hindi.Basta pangalan ko na ang tinawag niya alam kong may halong pag-aalala na iyon.

“Ok hon! See you in an hour” tugon ko. “I love you” dagdag ko.

“I love you more and ever” tugon niya.

= End of Convo=

Alam ko may laman yung sagot niya sa akin pero binalewala ko na lng. Nagpasya ako na dapat pag-uwi ko dapat parang walang nangyari. Tinuloy ko pa din ang balak kong pagpapagupit ng buhok ko. Sinamahan ako ni mommy. Nararamdaman ko ang pag-aalala ni mommy sa kalagayan ko pero nananatili pa din itong matatag. Marahil ay dahil alam na din niya kung saan ako hahantong katulad ng kay daddy. Hindi man niya ginusto na magaya ako kay dad pero wala na siyang magagawa kung ito talaga ang kapalaran ko.

“Thanks mom for accommodating me today” saad ko nang makarating na kami sa bahay.

“No problem son. Basta para sayo you know i’ll do everything” naluluha nanaman ito.

“And I’m so lucky of having you as my mom. I love you so much mom” niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan niya ako sa pisngi at noo sabay tugon ng “I love you too so much. Always remember that.”

“Hindi na ba talaga kayo papasok sa loob?” alok ko sa kaniya.

“Hindi na! Baka makahalata pa si Den. You know na I’m not good in hiding at malakas kumilatis yang asawa mo baka mabuking pa tayo” tumawa pa siya sa gitna ng pag-iyak.

“Sige po una na ako” binuksan ko na ang pinto at sabay baba. Humakbang na ako papasok nang maisipan kong lingunin si mommy. Hindi pa rin pala ito umaalis at nakahilig ang ulo niya sa braso niya na nasa may manibela. Alam kong umiiyak ito dahil na rin sa paggalaw ng balikt niya.  Naaawa ako sa mommy ko dahil pinipilit niyang maging malakas sa harap ko pero sa totoo pala ay mahina din ito kapag nakatalikod na ako.

Pinunasan ko muna ang mata ko na nabasa ng luha ko at inayos ang sarili ko bago pumasok sa loob. Agad naman akong sinalubong ni Denden nang yakap.

“Hey! Wala namang nangyari sa akin kung yan ang kinababahala mo hon” ganti ko sa yakap niya pero nanatili lang itong nakayakap sa akin at hindi umiimik. “I’m fine! I promise.” tumingin ito sa mga mata ko na tila ba binabasa kong nagsasabi ako ng totoo. “I just missed mom kaya nagbonding lang kami saglit at nagpasama na rin ako na magpagupit. So How do I look? Bagay ba hon?” pagbibiro kong tanong sa kaniya.

“Mas lalo mo nang naging kamukha si Mommy” tumawa pa ito ng bahagya at sinabayan ko na din ng tawa. “Don’t do that again hon ha yung umaalis ka ng hindi ako ang kasama mo” biglang seryoso niya.

“Promise hon. Hindi na. Alam mo hon mukha kang bipolar. Tatawa ka tapos bigla kang seseryoso” biro ko sa kaniya para maalis na ang pag-aalala niya. “Let’s eat na” yaya ko sabay hila ko sa kaniya papuntang kusina.

“Where’s mom? Bakit hindi mo siya inimbitahan na kumain na lng dito?” bigla niyang tanong ng makaupo na kami.

“May pupuntahan pa daw kasi siya kaya hindi na lang siya pumasok. She invited us nga pala to have dinner tomorrow” bigla kong nasabi kahit wala naman kaming pinag-usapan ni mommy. Napagpasyahan ko kasing to have more memorable experience and happy moments together with the special people in my life that I will treasure forever.

Keep Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon