Last Chapter
Janice’s POV
Napatingin ako sa singsing na hindi ko pa tinatapon. Napaka special pa rin nito. Ilang taon na rin ang nakalilipas. Oo nakikita ko pa siya pero hindi ko na siya pinapansin. Napakahirap magmove-on lalo na at sobrang minahal mo yung taong yun.
Pero kung may kaibigan kang tunay, sila ang makakatulong sayo sa ganitong sitwasyon. Inaamin ko na may feelings pa rin ako sa kanya. Mahirap mawala yun eh. Masisisi niyo ba ako? Alam din ng mga kaibigan ko yun. Pero syempre hindi na ako nasasaktan. Past is past nga diba?
Natutunan ko na magpatawad at magparaya. Hinayaan ko nalang ang nararamdaman ko.
Tama ang mga kaibigan ko.
Dapat hindi mo na itinatago ang mga bagay na galing sa taong dahilan ng iyong sakit na nararamdaman.
Hindi ka dapat makinig sa mga kantang nakapagpapaalala sa kanya. Lalo na ang mga Love song at Broken hearted Song. Narealize ko na lalo ka lang masasaktan. Hindi ka dapat maging manhid.
Hindi mo na dapat iniipon ang mga larawan kasama siya dahil magkakaroon ka ng dahilan na laging sulyapa ito. Hindi ka lang masasaktan, maiiyak ka rin.
Palagi ka rin lumabas kasama ang mga kaibigan na nagpapasaya sa iyo para makalimutan mo ang mga problemang dinadala mo.
Unahin mo muna ang mga dapat unahin kagaya ng pag-aaral. Huwag mong hayaan na dahil lang sa pag-ibig e mapapabayaan mo na ibang bagay.
Laging isipin na hindi lang ikaw ang taong nasasaktan ng sobra dahil nasasaktan at nalulungkot din ang mga taong pinapahalagahan ka sa sakit na nararamdaman mo. Ang mga kaibigan mo na laging nandyan para pasiyahin ka dahil ayaw ka nilang makitang nagkakaganan.
Huwag kalilimutan ngumiti. Ito na ata ang pinakamasarap na pakiramdam para sa mata ng ibang tao.
Ang pag-ibig, nakapaghihintay yan. Hindi dapat pinangungunahan ng selos ang isang tao. Kung kayo man sa huli, Diyos lang ang nakakaalam.
Maraming bagay ang natutunan ko sa pagmamahal. Kaakibat ng pagmamahal ang sakit kaya bago ka pumasok sa isang relasyon ay dapat handa ka. Pero hindi porke nagmahal ka ay lagi kang masasaktan, mas marami ang kasiyahan. Masarap magmahal ng taong mahal ka rin. Masarap mahalin yung taong handa kang ipaglaban. Yung tipong hindi niya kakayanin na iwan at mawala ka.
Hindi dahil sa nasaktan ka ng isang beses ay hindi ka na magmamahal muli.
Nangyari ang lahat ng ito dahil gusto lang tayong patatagin ng ating nakaraan. Ang nakaraan na magtuturo sa mabuting landas na ating tatahakin.
Ngayon single pa rin ako kahit na graduate na ako sa college. Si Dane at Roxanne naman ay may kanya-kanyang boyfriend na. May mga nanliligaw naman sa akin kaso parang may kulang eh. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May part kasi na umaasa pa rin ako. Pero natatawa nalang ako sa pag-iisip na yun. Balita ko kasi nasa ibang bansa na si Carlo eh. Doon na ata siya nakatira.
Napabuntong hininga nalang ako. Kasalukuyang nagtatrabaho ako sa Company. Balita ko may bago daw empleyado. Engineer daw galing ibang bansa. Bongga! Napaiisip naman ako. Engineer na nga pala ngayon si Carlo. Yun kasi ang pangarap niya. Dati yun din ang pangarap ko e. Sabi pa niya na siya daw ang tutupad nun. Napangiti nalang ako ng maalala yun.