3rd Chapter

710 34 2
  • Dedicated kay Leojames Millar
                                    

3rd Chapter

Janice’s POV

 

“Bakit kailangan pang itapon? Sayang yung mga yun. Pinaghirapan niya rin bilhin ang mga yun e. Tsaka may mga magagandang alaala yun.”

Napasapo naman sa noo si Roxanne. Umiiling-iling naman yung dalwa. May mali ba akong nasabi? Wala naman ah? Tama naman ako e.

“Sabi mo tulungan ka naming magmove-on? Ano yan? Kinakain ka na naman ng katangahan mo? Masasaktan ka lang kapag maaalala mo yung mga ginawa niya dati kaya mas mabuti pang itapon ang mga yon!” –Roxanne

Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Sabagay may punto siya kaso nanghihinayang ako.

“Bakit itatapo~”

“Kung ayaw mong itapon, sunugin natin!”-Roxanne

“Roxanne naman.”

 

“Hoy Janice, ilabas mo na ang lahat ng binigay niya dali. Kapag umayaw ka, pati kami mawawala sayo. Ginagawa lang naming to dahil nag-aalala kami. Nasasaktan din kami kapag nasasaktan ka. Sana maintindihan mo. You choose, susunugin natin o iiwan ka namin?” –Roxanne

Napakagat naman ako ng labi ko. Wala akong choice. Inilabas ko naman yung mga gamit na binigay niya. Lahat talaga. Tama naman kasi siya, hanggang nasa akin to e masasaktan lang ako. Kailangan ko ngang magmove-on.

Pumunta naman sila sa may balon na ginawa ni papa. Itinapon nilang lahat doon. Humingin pa sila ng posporo sa akin. Para daw sigurado na hindi ko kukunin sa basurahan ang mga gamit na yun. Mas maganda daw kung siguradong sigurado sila.

Napatingin naman ako dun sa mga letters na binigay niya. Lagpas sampu yun. Ewan ko ba. Naiiyak ako. Nanghihinayang talaga ako. Wala akong ibang nagawa kundi panoorin ang mga binigay sa akin ni Carlo na ngayon ay sinusunog na nila.

Nakaramdam ako na may tumulong luha sa mga mata ko pero agad kong pinahid ito. Baka mamaya pagalitan na naman ako nila na kesyo daw ganito kesyo daw ganan.

Pagkatapos nang ginawa nila ay umuwi narin sila. Maggagabi na pala. Hindi namin namalayan yung oras dahil kwentuhan kami nang kwentuhan hanggang dumating sila Mama. Hinatid ko naman sila sa gate.

Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko yung singsing na kapareha nung kay Carlo. May couple ring kasi kami. Hindi pala ito nasama sa nasunog. Inisip ko kung itatapon ko ba? Pero mas pinili kong itago ito at hindi ipaalam dun sa tatlo.

Pasukan na naming. Sa Uplb kami napasok ni Roxanne at Dane. Si James naman ay sa Lspu San Pablo. Taga doon kasi siya kaya sa malapit na pumasok. Pero kahit na malayo ang pinapasukan niya sa pinapasukan naming, dinadalaw pa rin niya kami sa Uplb.

Umupo naman ako sa may bench. Inilagay ko yung earphone sa tenga ko at nakinig nalang sa mga kanta habang naghihintay ng sunod na klase.

Tumugtog yung If I cry a thousand tears. Naalala ko na naman si Carlo.

“Huy Janice andyan ka pala!” –Roxanne

WAYS TO FORGET YOUR EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon