1L <3

69 1 0
                                    

“Isang litrong pagibig” paano ko naisip ang title na ito? Kung avid-fan kita o supporter ko, mahahalata mo na   sa lahat ng sinusulat ko ay ipinapakita na sa title ang nilalaman. Pero bago ‘to, para kunwari “fresh”, “trendy”, “cool” na parang yung bagong bukas na stall ng Zagu sa baba ng kanto namin.

Pero walang kinalaman to sa shake na may sago na pina-astig lang ang tawag. Dahil alam kong ang iba sa nagbabasa nito ay binabasa lang para sikat pero hindi gumagamit ng isip. Kaya ganyan ang title nito tungkol po kasi ito sa “Pagibig”.

(Bigla kang naging interesado noh? Syempre pagibig eh… LANDI MO!)

teka lang, teka lang. chill muna.

--

Alam ko maraming kabataan ngayon ang puro pagibig ang inaatupag kesa pagaaral nila. Sa sampung kabataan ngayon 8 ang puro pagibig na ang nasa isip ang nalalabing dalawa, eh yun yung mga pagaaral lang talaga. Tapos yung isa, ako yun. Balanse ang pagibig at pagaaral.

Pero minsan nag-isip ka na ba minsan, kung ano nga ba talaga ang pagibig?

Pag tinanaong kita ngayon kung ano ibig sabihin sa iyo ng pagibig, alam kong puro ka-kornihan lang ang pagsasa-sabi mo sa akin tulad ng: “Love is like a rosary”, “Love is blind” o kaya “Love is gold”. Pero kung ako tatanungin mo? Anong tunay na ibig sabihin sa akin ng pagibig, sasagutin kita ng:

“Ang pagibig ay parang Isang litrong softdrinks, nakakaumay pag ikaw lang ang iinom, kailangan may kasalo ka”.

teka lang, teka lang. Original ko yan wala sanang gumaya.

Pero yan ang sagot kong katangahan. Dahil ang tunay na ibig sabihin sa akin ng pagibig ay: “Ang pagibig ay sakit sa ulo”. Bakit? i-eexplain ko maya-maya.

Naa-asar ako sa mga kabataan ngayon na kapag nagkaroon ng Boyfriend/Girlfriend kahit dalawang minuto at kalahati pa lang nagiging sila, PAGIBIG na daw yun. Gago sila, di matatawag na pagibig yun buti kung may talong minuto nang nagiging kayo. Yun pwede yun.

Pero may pamantayan kasi ako ng sukatan ng pagibig. At ishe-share ko yun sa inyo.

PAGIBIG NGANG MATATAWAG YAN KUNG (Paul’s Version):

-Handa kang magsakripisyo para sa kanya

-Kaya mong gawin ang lahat para lang sa kanya

-Gumagawa ka ng korning paraan mapansin ka lang niya, kahit nakakahiya

-Handa kang isugal ang LAHAT para sa kanya

-Lagi kang may inilalaan na oras para sa kanya

-Siya lang ang lagi mong katext . teka, teka, mali ata.

-Hindi ka kailanman titingin sa iba, kahit gaano pa yan kaganda, kasexy/macho dahil alam mong sa paningin mo, SIYA NA ANG PINAKA-PERPEKTONG TAO sa mundo.

-Hindi ka kailanman gagawa ng mga paraan na ikakagalit niya

Yan ang mga pamantayan ko ng pagibig. Kung apat jan ay nagagawa mo na UMIIBIG KA NGA, pero kung LAHAT yan ay nasusunod mo. Apir tayo, Nagmamahal ka ng dalisay at wagas gamit ang busilak na puso.  Katulad ko.

Ewan ko sa iba, pero ganito ata ang pamantayan nila:

PAGIBIG NGANG MATATAWAG YAN KUNG (Gangsta Version):

-Kaya mo siyang buntisin

-Kaya niyong magmukang tanga pag magkasama kayo

-Textmate kayo ALLDAY/ALLNIGHT. Hindi naman naguusap pag nagkita

-Kapag ganito na nakalagay sa mga baba ng mga text niyo “bHosxCZ. uT@nGeRA ni b0Y mH@lditO”

-Kapag puro text quotes ang sinusunod mo

-Kapag Tatlong minuto pa lang kayo at nasabi mo ng mahal na mahal mo na siya

Marami pa sana akong gustong ilagay kaso naasar lang ako. Tulad ng kanina kung LAHAT yan ay nagawa mo na, Pasensya ka na ngunit hindi pagibig yan tanga.

At isa pa, para sa akin hindi ako naniniwala sa salitang “Love at First Sight”. Masyado kasing malakas ang salitang LOVE para gamitin. Tulad ng mga pamantayan sa itaas dun mo lang malalaman na minamahal mo siya. Pwedeng tawagin yan na “Crush at first sight”, “Paghanga at first sight” o kaya “Landi at first sight” at para sa mga sosyalistang JEJE pwede niyong tawagin itong “Pogi Spotted”. Pero hindi talaga ang “Love at First Sight”. Hindi talaga.

At kung bakit ko nasabi na sakit sa ulo ang magamahal ganito po kasi yun.

Kapag kasi nagmamahal ka hindi niyo maiiwasan ang mga pagaaway, tampuhan dahil sa mga maliliit na bagay. Responsibilidad kasi ang magmahal, responsibilidad mong alagaan ang minamahal mo, ang unawain siya ang samahan siya at sundin siya. At ang matindi pa dito na talagang nagapapasakit ng ulo ko, Kapag ginagawa mo naman lahat para sa kanya kaso parang wala lang sa kanya, kung ikaw nagmamahal kang tunay pero siya? Hindi sigurado. Ngunit, sabi ko nga kanina, kung totoo kang nagmamahal kaya mong GAWIN ANG LAHAT at MAGSAKRIPISYO. Kahit parang imposible na, HANDA KA PA RING SUMUGAL.

Sakit sa ulo no?

At ito naman para sa mga may “Crush” ngunit hindi ka nila pinapansin, yan ay dahil hindi ka kasi kapansin-pansin. Wag mo pahirapan ang sarili mo, kung desidido ka na, lapitan mo siya at sabihin ang iyong nararamdaman. Kapag di ka parin pinansin ay dapat na sigurong tigilan mo na ang paghanga sa kanya, wag kang magpakatanga marami pang ibang babae diyan. Malay mo, may isang tao rin na patagong may pagtingin sa iyo hindi mo lang din siya pinapansin. Atleast nasabi mo sa sarili mong sinubukan mo at hindi puro what if’s ang buhay mo

At eto ang konti ko pang maiibahagi sa inyo.

MGA TIPS PARA IPARAMDAM SA MINAMAHAL MO NA MAHAL MO SIYA BY PAUL:

-Step up your game. Kaya mo yan walang masama sumubok.

-Be unique. Laos na ang pag-gamit ng pickup lines, kaya humanap ka ng ibang paraan pero kung trip mo pa rin ang pickup lines umisip ka ng fresh at bago hindi yung mga tipong panahon pa ni kopong-kopong na luma na at gasgas.

-Be yourself. Kapag nasa harap mo na siya, wag kang magpanggap o magbalat-kayo, ipakita mo ang tunay na ikaw lagyan mo lang ng konting sweetness para mahalin ka niya sa kung anu ka hindi dahil kung anu ka dapat.

-Be her Superman. Ipakita mo na kapag kasama ka niya eh walang masamang mangayayri dahil feeling niya safe siya kapag kasama ka niya. Wag ka lang magpaka-warfreak.

-Appreciate every little things. I-appreciate mo muna ang ginagawa niya bago niya maapreciate ang ginagawa mo.

-Be honest. Wala namang masama kung susunod tayo sa dating kasabihan.

-Make her feel unique. Kailangan maramdaman niya na wala siyang katulad dahil siyang pinaka-importanteng tao sa mundo mo.

-Do the Extraordinaire. Magapaktanga ka, umisip ng mga paraan kahit nakakahiya maramdaman lang niya na mahal mo siya at kaya mong gawin lahat para sa kanya.

-Love her with all your heart. Last but not the least, mahalin mo siya ng buo tanggapin mo siya kung ano siya. Mahlain mo siya ng dalisay at wagas gamit ang busilak na puso.

Hindi ako eksperto sa ganyan dahil inaamin ko maski ako, may mga pagkakamaling ginagawa sa minamahal ko pero ito lang ang masasabi ko para sa kanya, sana binabasa niya ang parteng ito.

“Mahal na mahal kita, kahit anu ka pa. Tinaggap kita dahil sa kung ano ka at handa akong gawin lahat sa iyo, mahalin mo din sana kung ano ako kahit isa lang akong hamak na manunulat at sana magustuhan mo ang munting alay ko sayo dahil para sa iyo to DEAR :*”

teka, teka sana nagustuhan mo ito.

Kaya mga bayaw, salamat sa pagbabasa. Sana kahit papano may natutunan ka sa akin. Basta lagi mo lang tandaan:

“Ang pagibig ay parang isang litrong softdrinks, nakakaumay pag ikaw lang ang iinom, kailangan may kasalo ka”

                                                             -Paul Vincent Evangelista

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Litrong Pag-Ibig ni Paul EvengelistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon