"Ma, bakit ka nasa labas? Malamig yung hangin"
Napalingon ako sa anak kong si Keil. Nakasuot ito ng makapal na coat at nakabonet. Hawak hawak niya sa kabilang kamay ang kaniyang cellphone. Nginitian ko ito at muling pinagmasdan ang matataas na puno. Nagsimula ng lumamig ang panahon kaya unti unti ng nalalagas ang dahon sa bawat puno.
"Ma, kailangan ko pong bumalik bukas sa Pilipinas" saad ni Keil na ngayo'y nakatayo na sa gilid ko
"Nagkaproblema kasi sa trabaho kaya kailangan kong bumalik. Sumama na kaya kayo sa akin?"
Mahinahong turan niya ngunit agad ko itong inilingan.
"Ma......Hindi na po babalik si Tito"
"Alam ko Keil....Pasensiya na pero Hindi ko rin alam kung bakit may natitira paring pag asa sa akin na makikita ko pa siya bago tuluyang mahulog ang dahon ko.."
Napabuntong hininga ito sa sinabi ko.
Alam kong Mali dahil mas mahal ko si Jimin kaysa sa lalaking pinakasalan ko pero...siya parin talaga hanggang sa huli .
Naging kami noon ni Jimin. Halos walong taon rin pero isang araw kinailangan niya bumalik ng South Korea dahil nawalan siya ng Ama. Ilang taon ang lumipas Hindi na siya nakabalik. Lubos akong nalungkot pero may isang lalaking laging nariyan sa tabi ko. Ang papa ni Keil.
Kinalaunan pinakasalan ko siya dahil natutunan ko rin siyang mahalin. Pero sadyang minalas ako sa pag ibig.
Limang taon noon si Keil ng maaksidente ang Papa niya, dead on arrival. Nalungkot ako, pero sinikap kong mabuhay para Kay Keil
Nang maging dalawampu si Keil ay na diagnosed ako with cancer. Hindi nagtagal ay bumagsak na ang katawan ko kaya naisipan ni Keil na magtrabaho ng maaga para Hindi mapabayaan ang negosyo namin. Pero bago paman noon tuluyang bumagsak ang katawan ko ay hinanap ko si Jimin kaya halos dito sa Korea na ako namalagi. Hindi ko siya nahanap.
Ngayon naka wheelchair na lang ako at naghihintay malagas ang mga dahon. Dahon ng buhay ko
"Kung ganun babalik nalang ako agad rito. Kukuha ako ng Nurse at Yaya para may mag asikaso sayo." Usal niya na inalayan ko lamang ng ngiti. Kita ko ang luhang namumuo sa mata niya ngunit agad siyang tumingala.
"Ma...hintayin mo ako ha"
Mahina niyang saad at tumingin sa akin. Inilihis ko ang tingin sa malayo.
Binuka ang bibig ngunit walang tunog na lumabas.Kinaumagahan nagising ako na wala na si Keil. Naroroon narin sa loob ng bahay ang magiging tagapangalaga niya at isang Nurse.
Tatlong araw na ang nagdaan at Hindi pa nakabalik si Keil dahil marami rami ang inasikaso niya.
Naka upo ako ngayon sa tapat ng veranda at tinitingnan ang nahuhulog na dahon. Bigla akong nakaramdam ng panghihina ngunit pilit pinapalakas ang sarili.
Napako ang tingin ko sa punong isang dahon na lamang ang natitira. Hinahampas ito ng hangin at tila umuugoy. Nakaramdam muli ako ng pagsakit ng ulo , puso at katawan. Sabay sabay, ngunit nanatili akong walang imik.
Pinilit kong makatayo pero napasalampak LNG ako sa sahig. Humangin ng malakas at isang larawan ang napunta sa aking harapan.
Huling larawan namin ni Jimin. Naka ngiti ng masaya. Napalingon ako ng mahina sa punong may nag iisang dahon. Tuluyan na iyong nahulog at kasabay niyon ang aking pag ngiti.
"Paalam Anak Ko Hindi na kita nahintay. "
"Paalam una kong pag ibig. Park Jimin. Hindi na kita muling makikita"
At tuluyan ko ng binitawan ang natitirang kung pag-asa kasabay ng huling hininga.