Fake LOVE

4 0 0
                                    

----

Paglapag ng eroplano sa NAIA ay napabuntong hininga nalang ako. Napangiti ng mapait sa sarili

This is it

Tuluyan ko ng tinalikuran ang bansa kung saan naranasan ko ang salitang pag-ibig. Nagpadala na lamang ako sa agos ng mga nagsibabaang pasahero, agad ko ring kinuha ang ang aking maleta at lumabas ng airport.

Nang makalabas ay bumungad sa akin ang nagsisi kawayang kaibigan ko kaya hindi ko narin naiwasang mapangiti.

"Kyahhhhh! Mas pumuti kana nga Aya! Naiinggit ako!" Papuri sa akin ni Alesha ng tuluyan akong makalapit sa kanila.

"Ang puti mo ngang talaga Aya! At mas maganda ka sa personal! Matotomboy na ata ako" sabi ni Diane na agad kung pinalo sa balikat

"Magtotomboy ka? Wala ka paring pinagbago Diane ha..loka loka ka parin" natatawang biro ko

"Nga pala..I didn't expect na susunduin niyo talaga ako ngayon akala ko busy kayo"

"Sus ikaw pa! Kahit BC ako sa ospital syempre uunahin ko muna yung best friend ko..madami namang nakatao ngayon dun haha" sagot ni Marie na siyang doctor sa aming magkakaibigan

"Kung ganun..salamat at tara nanga nagugutom na ako" sabi ko kaya agad kaming umusad at nagpuntang Japanese Restaurant.

Nanlibre pa ako tsk, ganun parin sila napakaramot.

"By the way kamusta na yung buhay mo dun? Halos walong taon ka dun sa Korea ah" tanong ni Alesha saka kumagat sa hawak hawak na sushi

"Okay lang naman. Nakagawa ako ng isang story na ipupublish ko palang sa wattpad "

"Ba't Hindi mo pa ipinublish? Pwede naman yun ah" sabi ni Marie

"Ahh hindi pa tapos yung ending, nasanay kasi ako na ipapublish ko ang story ko kapag tapos na para hindi ako mahirapan at hindi rin maghintay ng matagal yung readers ko" sagot ko na siyang ikinatango nila

"You have a point pero ba't hindi mo pa nagawan ng ending?" Pang uusisa ni Diane na siyang ikina iling ko

"Don't tell me. Related sa totoong buhay ang esturyang ginawa mo? And then you were confused on what had happen in reality that's why hindi mo maisulat sulat?" naiintrigang dugtong nito

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil totoo iyon. Malalakas ang instinct nilang tatlo kaya alam kung alam na nila ang rason kung bakit hindi ako nakapagsulat ng ending at alam kung may ideya na sila kung bakit ako bumalik ng pinas.

"Don't tell me totoo yung break up niyo ni Yoongi?" Marie exclaimed at tumango ako bilang response. Rinig na rinig ko ang singhapan nila

"No way. Eh halos singsing nalang ako kulang sa relasyon niyo ah! Woah I can't believe it" Hindi makapaniwalang saad ni Alesha

"Spill the beans Aya. We can't help you unless you tell us the real scenario between you and Yoongi" seryosong sabi ni Diane kaya wala na akong pagpipilian kundi sabihin ang totoo.

That we broke up after I found out that Yoongi's love for me is Fake. Everything is just a joke and that really broke my heart.

~•~

"I really can't believe it guys joke lang lahat? Oh shit" Alesha's comment after hearing my story

"Yeah it's really unbelievable yet have you make sure of it Aya? As in ganun nalang ba talaga?" Tila naghahanap pa ng pag asa na sabi ni Marie.

I know they were really fond of Yoongi. Gustong gusto nila siya para sa akin kaya halos hindi sila makapaniwala.

Who would believe that crap kung halos Pitong taon na ang relasyon namin?

BTS Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now