Pasukan nanaman, wala akong nararamdaman na kahit ano, basta papasok ako.
Bagong classmate? Oops wala. 2nd year highschool na ko e. Ewan ko lang kung may magtatransfer galing ibang school.
Di na naiiba ang sistema ng school namin, palagi na lang kung sino ang classmate mo noong first year, ganun pa din hanggang maging 4th year, hindi man lang sinasala yung section namin.
Section A ako. At ang nabago lang naman ay mga teachers at syempre yung year.
Honor student naman din ako. Syempre yung pag aaral na nga lang ang inaatupag ko bakit di ko pa pagbutihin di ba?
Eto simulan ko na ang magulong buhay ko sa labas ng comfort zone.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Prangka akong tao, kaya halos ung ibang babae na classmate ko medyo galit ata saken. Eh bakit ba? sa ganon talaga ako e.
Kung sino lang talaga tumatanggap sakin? Yun ay sina Jenny, Gena, April, Eunice, Rendrea at si Sophie. Medyo madami din sila no? Pero si Rendrea, hindi na namin masyado nakakasama kase nagkatampuhan ata? Ewan! basta sa iba na siya nakikitropa. :)
Aba sikat kaya ang grupo namin sa campus, kaya syempre may mga haters din kami ! At dun sa grupo na yon nakabilang na si Rendrea.
Nagkakaroon ng mga parinigan, awayan hanggang sa komprontahin kami ng aming adviser. BOOM LAGOT! Buti na lang hindi ako kasali sa mga idinidiin ng mga haters namin. :)
So ayun, pero syempre hindi ko naman hinayaan na sila lang ang magsolve ng gusot na yon, dahil member ako ng group namin kahit hindi naman ako masyadong pansinin. :)
Later on nagkabati bati na din kami nina Rendrea at ni Chandy kasama pa ang kanyang kanang kamay na si Amy. Siguro dahil talo sila? Haha Biro lang, kase mapapapunta pa sila ng guidance office if di pa nakipag ayos.
Pero alam naman ng grupo namin na deep inside e haters pa din namin sila. Ganon talaga pag sikat, kaya kayo okay na yung tahimik lang. Haha Joke again. :)
Anyways, hindi naman talaga ako nasama sa kanila e.
Nagpapaiwan din ako sa classroom if nagustuhan nilang gumala sa maliit naming campus.
Dahil nga medyo nerdy din ako everytime na may exams or quizzes.
Masaya naman ako sa ganong buhay e. Simple, tahimik at higit sa lahat walang "HEART ACHE".
Pero Naiisip ko din kung ano feeling non, siguro masakit hahaha. Aba syempre may mga classmate kaya akong todo iyak dahil sa mga break ups nila!
Medyo minsan OA tingnan hahaha. Pero yun sila e. Siguro kung magka heart ache man, eh di naman ako magiging showy sa feelings ko. Gusto kong maging private lahat lahat.