<2> Exploring France

53 4 0
                                    

A/N: Gusto ko sana tong idedicate kay NightBurst! Hello! Hahaha. Lakas mong makashabu. Shabu paaaaa. Lolololol hahaha!

---

Paggising ko kinabukasan, naglakad ako papuntang tabing dagat.

Hayy, kapag talaga nandito ako, gumagaan pakiramdam ko. Binuksan ko na 'yung cellphone ko at nilagay yung earphone ko sa tenga ko. Malamang halangan naman ilagay ko sa bibig ko diba?

Nakinig na ako ng kanta ng FM static- Inside out.

Matatapos na 'yung kanta nang may biglang tumawag sakin. Tss. Epal naman.

*Sapphire Calling..

Sinagot ko na nang matahimik ang kaluluwa netong babaeng to.

S: Oy babae

A: Wuut?

S: San ka?

A: Punta ka?

S: Sagutin daw ba ng tanong ang tanong ko?

A: Sinagot mo ng tanong ang tanong ko sa tanong mo.

S: Ah ewan labo!

A: Ano ba kasi 'yun?

S: Punta ka dito.

A: Saan?

S: Sa in--**toot toot toot**

A: Hellooo? May tao pa ba diyan? Buhay ka pa? Nilamon ka na ng dragon? Hoy! Baka naisuka mo na baga mo sabihin mo lang may isa pa ako dito, donate ko sa'yo.

"Huy! Binabaan ka na nga salita ka pa ng salita!"

Aba nga naman oh! Pag sinuswerte ka nga naman oh!

"Hoy! Walang hiya ka! Akala mo nakalimutan na kita kahapon! FC!"

"Shh! Huwag ka namang maingay! Ang tahitahimik ng atmosphere dito tapos sisigaw ka lang? Bahala ka magkatonsil ka niyan" pagkatapos niyang sabihin 'yun, hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtawa..

"Wahahahahahaha! Haha! Grabe ang tanga mo pala! Hahahaha kung tanga pala ako, Haha mas tanga hahaha ka pa pala sakin hahahaha huhuhuhu naiiyak na ako hahahahahahaha!" napahawak na ako sa tiyan kasi tawang tawa na talaga ako

"What's funny?"

"Tanga! May tonsil na ako dadagdagan mo pa! Hahahahahaha!" tawa pa rin ako ng tawa kasi akalain mo 'yun? Inglishero pero mali mali. Grabe

"Okay sorry, will you just stop on laughing?" -___-"

"No. HAHAHAHA" sabi ko

"There's nothing funny with that! Te piccola cagna!" Hala! Akala naman neto hindi ko naintindihan ang sinabi niya (You little bitch!)

"Grazie! Hahahaha!" sabi ko Thank you. Para mas maasar pa siya sakin.

"Hey, stop! Tigil ka na." :3 *Beautiful eyes*

*u* woah. just woah.

"Huy, baka naman tumulo laway mo niyan!" saway niya sakin saka lang ako natauhan. Wahh! Nakakahiya naman.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sakin. Oo nga pala, hindi pa namin kilala isa't isa.

"I'm Alexandra De Guzman."

"I'm France Terrence Lee" at nagshakehands kami.

"So, ngayon lang kita nakita dito ah?!" tanong ko

"Ewan ko sa'yo. Nagkita na mga tayo kahapon diba tapos sabi ko pa nga sa'yo na may ta--mmmmmmm" tinakpan ko ang bibig niya kasi nakakahiya 'yung nangyari.

"Ouch! May buhangin pa 'yung kamay mo tapos ipangtatakip mo lang sa bibig ko? Aruguy!"

*When I was young I used to turn up the bass and--*

Tinignan ko yung phone ko at binuksan 'yung message. Baligtad no? 'Yung text yung may ringtone tapos yung tawag 'yung silent.

"Is that FM static?" tanong ng kasama ko.

"Yes. Bakit?"

"Isang babae? Nakikinig sa Fm static?" he asked me

"Nakikinig ka ng Fm static?" I asked him back

"Yes."

"Isang lalaki? Nakikinig ng Fm static?" I asked him too.

"May secret ako gurl ha. Wag mo sana ipagkalat.."

Nilagay niya yung hand niya sa tenga ko at bumulong. "Beki ako gurl!" Woahh! Yie nice!

"Wahhh! Nice! I want to be your friend! Gusto ko talaga ng friend na beks! Pak na pak!" tapos nag-apir kami dun at parang palakang taeng taeng nagtatatalon doon sa buhanginan.  "Pero ang galing mo! Hindi ko nahalata 'yun ah."

"Syempre naman no. Hindi naman ako totally bakla eh."

"Ano? Ang gulo mo naman!"

"Beki lang ako, hindi naman ako pumapatol sa lalaki din. Nagkakacrush naman ako sa babae.." pagpapaliwanag niya.

"Oh so may crush ka sa'kin?" tanong ko. ^w^

"Ay beh! Iba na 'yan! Hahaha" tapos nag apir ulit kami

Natigil kaming dalawa nang may tumawag sa akin. "Hoy Alex!! Umuwi ka na daw! Kanina pa daw sila tumatawag sa'yo!"

"Letse wait lang! Diyan muna kayo!" sigaw ko. Nagpaalam na ako sa kanya..

"Oh bye na muna.. Ano.. uhh"

"Frence na lang Bes! Text mo ako eto number ko.. 09090909099"

Ano ba yun. Ang bilis. Haha

"Ano ulit?"

"09090909099"

"Bye Frence!"

"Bye ingat!" tas binesohan niya ako yiee ang bango naman ng baklang to! Huy pati bakla pinapatos mo. :3 hahaha

Tumakbo na ako sa kanila at sabi ko na nga ba..

"Ano ka ba naman! Ang baho mo na! Wag kang didikit sa amin sa sm ha?!" sabi ni Kuya Andrei

"Luh, edi sana iniwan niyo na ako. Kung may utak sana kayo naisip niyo sanang hindi nalang ako isama kita niyo nang may kausap ak--"

"Sino kasama mo? Baka bukas buntis ka na?!" sigaw sa akin ni Kuya Tonton.

"Sa lahat ng kuyang nakilala ko ikaw ang OA!" sabi ko sa kanya.

"Huy, bes! Sino 'yun? Ang pogi naman.. Ang macho macho naman nun!" sabi sa akin ni Henry, bes ko to eh. Hula ko bes to ng bayan.

"Macho lang walang macho macho sa dictionary. Ewan ko sayo." sabay tapik sa kanya.

Nagulat ako nang natumba siya. Dahil sa tapik ko? O.O

"Aray! Kenneth oh!" T^T

ay? Oa naman neto. "Kuya wag mong pansinin yan ang OA naman niyan."

"Wala bang tutulong sakin?" tanong ni Henry

"WALA!" sabay sabay naming sigaw.

"Ok." tapos tumayo siya mag isa. Hay ang mga taong ito!

"Kayo na lang mamasyal. Tinatamad akong maglakad."

"Sayang kasama pa naman si Joe oh." sabi ni Ieriz

"Oh. Ok. Hi Joe. Byee bye sa inyo." paalam ko sa kanila.

"Woah! Woah! Wooooaaaahhhhh! Himala Alex! Bakit? Anong nakain mo at hindi ka kinilig kay Joe?!" -Erieka

"Wala. Ewan. Uuwi na ako" :)

Umuwi na ako at habang naglalakad, nag iisip ako. May isip naman ako kahit papaaano.

Bakit nga ba ako naging ganito kay Joe?

Many Reasons to Smile with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon