<6> New home

11 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa isang ingay na hindi ko malaman.

Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa akin.

"Alex, alex! Gumising ka na dali!" pagkarinig na pagkarinig ko sa boses ni Kuya Tonton ay bumangon agad ako. Inalalayan agad ako ni Kuya para makalabas kami ng bahay.

Mausok, nakakahika, hindi ako makahinga.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni kuya habang inaalalayan ako.

Hindi na ako makahinga kaya tuluyan na akong nawalan ng malay.

--

Nagising ako na nasa loob na ako ng isang malaking kwarto. Alam ko hospital 'to. Di ako tangang magmamaangmaangan pa na magtatanong na 'Nasan ako?' BITCH!

"Oh, Alex. Kamusta ka na?" agad na tanong ni Nanay Milagros.

"Okay na po ako, kayo po ba?"

"Okay na kami, siya nga pala." Huminto siya sa pagsasalita at may kinuha sa loob ng bag niya. "Oh heto, sa'yo to diba?" pakita niya sa diary ko.

Kinuha ko yung diary at nilagay sa tabi ko, "Opo, salamat po."

"Nasan po sila kuya?" dagdag kong tanong.

"Nasa bahay, kasama ang tatay mo. Bakit?"

"Eh, nay, hindi na tayo makakatira doon. Tinupok na ng apoy bahay nat--" at hayun nga. Bago pa ako tuluyang matapos magsalita, sumabat na si Nanay.

"Oo nga anak eh, doon na lang muna tayo sa bahay ng dating kaklase ng tatay mo. Tutal medyo malapit naman ang tatay mo sa kanila."

Umoo na lang ako, sakit ng ulo ko.

Maya-maya lang pumasok 'yung doktor na kaibigan pala ni Nanay, aba friendly si Inang Earth.

"Mila, okay na anak mo. Nawalan lang ng malay. Pwede niyo na siya iuwi mamaya.

Siya nga pala, saan kayo titiira?"

"Kina Bryan, bestfriend yun ni Jun nung college eh."

"Oh, yung asawa ni Kristtel?" chika pa nung doktor.

"Oo, ang ganda nun no?"

"Oo nga e, crush ko nga yun nung high school." Duh! Ang doktor lumalandi. Hihi haha!

"Loko ka talaga."

"Osige mauna na ako."

Lumabas na nga yung malanding doktor. Ihh.

Nagpapahinga ako nang may narinig akong pumasok sa kwarto ko, wala akong paki, nagpapahinga ako e.

"Alex! Girl! Anong nangyari sayo! Akala ko deadly ka na!" napadilat naman ako sa nagsalita.

"France?! Huhuhu! Leche ka buhay pa ako pero pinapatay mo na ako."

"Kamusta ka girl?"

Bago pa man ako matapos magsalita, may pumasok na naman.

Pagkapasok na pagkapasok niya nagsalita na siya "Alex! Oy kamusta ka na? Nag-alala ako, este kami!"

"Joe, buhay pa ako. Kita mo?"

"Sabi ko nga.." sagot niya

"Alex, who is that chicken?!" bulong sa akin ni France.

"Malalaman mo rin."

At may pumasok na naman. Ano bang buhay ito?

"Yow zup Alex! And we are..

TRIO TRIANGGULO!"

Many Reasons to Smile with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon