girl
nalaman ko na pumapasok pala kami sa iisang school. sa holy angels university. masarap siya kakwentuhan. kahit nangangawit na ang kamay ko sa kakasulat. enjoy lang ako. palagi na kaming magkasama sa pag uwi. lagi kaming magkatabi. nagbago ako dahil sa kanya. hindi na ako nagbibisyo. nagiging kilos babae na ako. hindi na ako ang bad girl na astig. ako na ang good girl na palatawa. mas natuto akong isipin ang kapakanan ng iba. sensitive na ako sa mga nararamdaman ng iba. hanggang isang araw.
bus stop:
asan na ba siya? sabi ko sa sarili ko.
mag aalas 5 na ng hapon. uwian na. bakit wala pa siya? hangang mag alas 6 na ng gabi at sumakay na lang ako ng bus. nakarating na ako ng bahay. wala pa siya. ano na kaya ang nangyari?
