Chapter 6:
TWAIN'S P. O. V.
Pagkarating namin ng McDo ay nagpaalam muna si Akira para maghanap ng mauupuan habang ako ay nakapila para mag order.
Nang makaorder na ako ay pumunta na ako sa upuan namin ni Akira. Pagkaupo ko ay nakita ko siyang nagpipindot sa phone niya na parang kinakabahan na may kachat .
"Kain na ." sabi ko
Lumingon naman siya at tumango pero bumalik ulit ang tingin sa phone niya.
" Bahala ka. Pagkatapos ko kumain aalis na rin ako. " sabi ko sabay tingin na sa pagkain ko sabay subo.
Nang matapos na ako ay tumayo na ako.
" Una na ako. " sabay alis na at hindi na hinintay pa ang sagot niya dahil nagpipindot pa rin siya hanggang ngayon.
Pagkatapos dumeretso na ako ng timezone gaya ng napag-usapan.
Nang makarating ako ay hinihintay na ako ng mga gago.
" Guys nandiyan na ang master. " dinig kong sabi ni Xander.
" Master! " sabay na sabi ng tatlo.
" Anong unang lalaruin natin? " tanong ko.
" Basketball! " sabi ni Gab.
" Sige tara na! " ako.
Pumunta muna kami sa counter para paloadan ng tag two thousand ang mga cards namin at pumunta na nga kami sa may basketball area ng timezone.
" Sinong first three ang mauuna? Tatlo lang kasi ang stall na available. " tanong ni Gab.
" Sige! Una na kayong tatlo nila Ace at Josh." sabi ko para makalaban ko si Xander. Si Xander kasi ang pumapangalawa sa namumuno ng banda or groupo namin at pumapangalawa din saakin na magaling magbasket. Ganto kasi yan. May mga rank/position kami dito sa banda. Ito yun :
Leader / Rank 1:
Arsen Gavin Twain Gomez.
- Leader. The Extreme 5 and Hanscott
National School's Basketball MVP for 4 consecutive years. NGSB coz fling lang lahat. Matalino,mayaman,gwapo, at masungit. And I'm the Vocalist ;)Co-leader/Rank 2:
Xander John Clinton
-Co-leader. Pangalawang magaling magbasketball sa groupo. NGSB din. Minsan mabait minsan masungit,minsan cold minsan makulit at childish, Matalino rin mayaman at gwapo. The GuitaristSub co-leader / Rank 3
Josh Steve Evans. Best friend ko. Gwapo din,mayaman,loyal kuno pero wala pang nagiging gf,at matalino. Electric GuitaristThe Drummer/ Rank 4
Ace Saimon Scott. Same as Xander pero si Ace ay pangapat na pinaka magaling magbasketball pero hindi cold. The DrummerThe Casanova/Rank 5
Gabrielle Jordan Rivera. Ang dakilang Casanova ng banda. He's same as Rank 5. The Pianist.Lam na?
"Game!" Sabay nilang sabi.
"Ready Set Game!" Sabi ni Gab.
At nagsimula na silang tumira sa mga pwesto nila.
"Hay nako ang babagal niyo." Bored kong sabi pano ba naman si Josh 430 tas si Ace 300 at si Gab 404 palang in one minute! Tss! Weak!

YOU ARE READING
My Ideal Girl Is My Girlfriend
Teen FictionArsen Gavin Twain Gomez as Kim Myung Soo Miana Akira Gonzales as Park Shin Hye Arsen Gavin Twain Gomez ay isang sikat na artista,model at singer. Siya ay Gwapo, mayaman, matalino, at higit sa lahat masungit. Miana Akira Gonzales isang sikat na Danc...